David as Jethro
Eisen's POV
Nagising ako sa ingay na narinig ko na nagmumula sa pinto. Ngayon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako sa ibang kwarto. Wait, sa kwarto ni Jethro? Nakita ko na lang na nakatayo si Josh sa harap ng pinto ni Jethro na masama ang tingin sa akin. Paanong hindi sasama eh suot-suot ko ang polo na pang-itaas ni Jethro tapos siya nakasuot lang na pajama at walang pang-itaas. Iniisip siguro ni Josh na may nangyari sa aming dalawa. Pero wala naman, wait wala nga ba talaga? Ano bang nangyari kagabi?
(9 hours before I wake up in Jethro's bed)
Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit, mukha kasing aamuyin niya 'yung tamod ni Josh na tumalsik sa buhok ko dahil buong akala niya ay glue 'yun. Sa sobrang pagkataranta ko ay kinuha ko ang bote ng alcohol na nakapatong sa desk niya at binuhos ko kaagad sa kaniyang kamay. Maluwag pala ang takip nito kaya nabuhos ko ang laman nito at kumalat sa desk niya. Nagulat din siya sa mga nangyari kaya nahawi niya ang kamay ko. Natapon ang natitirang laman ng alcohol sa piles of papers sa ibabaw ng desk niya.
"What the f..." Sobra ang pagkadismaya niya nang makita niyang nabasa ng alcohol ang papers sa ibabaw ng desk niya.
"Sorry-sorry" Dali-dali kong binuhat ang mga papers na nasa ibabaw ng desk niya para hindi tuluyang mabasa dahil sa nagkalat na alcohol sa desk niya. Nang binuhat ko ito ay nalukot ng husto ang kanang bahagi nito.
"Are you out of your mind?" Halos mapaos siyang sabihin 'yun, pinipigilan niyang sigawan ako pero nando'n pa rin ang inis sa pagsasalita niya.
"Sorry talaga"Hindi ko alam ang gagawin ko, basta pakiramdam ko ay papatayin na niya ako anytime.
"Hindi mo ba alam na ang mga papel na 'to ay mga bank transactions na kailangan kong i-submit sa korte bilang ebidensya?" Nanlumo ako lalo sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganon pala ka importante 'yung mga papel na 'yun sa kaniya. Sana hinayaan ko na lang na amuyin niya 'yun at aakuin ko na lang na akin 'yun kaysa naman mangyari ito.
"Sige saktan mo na lang ako para mawala ang galit mo" Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko, pag ako naupakan nito ay ewan ko na lang.
"You think I'm that kind of person?" Naiinis niyang sabi
"Hi-hindi naman.... Atleast kahit papano ay mabawasan ang galit mo sakin" Hindi ko na talaga siya matingnan sa mata dahil sa kahihiyan na nadarama ko.
"Pagsinapak ba kita ngayon matutuyo 'tong mga papel na 'to?" Nilukot niya lalo ang mga papel na naging dahilan upang mamuo ang luha sa aking mga mata. Wala na akong masabi, nanatili na lang akong nakatayo sa harap niya at nakayuko. Siya naman ay naupo sa kaniyang upuan at hinawakan ang kanyang noo. Ilang sandaling katahimikan at nanatili pa rin akong nakatayo at hindi ko alam ang gagawin ko sa sandaling ito. Nag-aantay na lang ako na saktan niya ako o kaya palabasin sa kwarto niya. Alam kong napakalaking bagay ang sinira ko. Ebidensya 'yun na ipanlalaban niya sa kaniyang kasong hinahawakan ngayon. At alam ko kung gaano siya ka-stress sa hinahandle niyang kaso at kung gaano siya kaseryosong ipanalo ito. Ngunit sa isang iglap lang ay nasira ang lahat ng 'to dahil sa kapalpakan ko.
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
Roman d'amourI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...