I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen's POV
Pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig para magising sa mahimbing na pagkakatulog. Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang magiging eksena. Pagkakaalam ko ay maghapon ang magiging klase ni Jules pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"What do you think you are doing to him Jeth?" Galit niyang sabi habang papalapit sa amin at agad naman binawi ni Jethro ang kamay niya na nasa batok ko. Napaangat ako ng bahagya na naging sanhi nang pagkirot ng aking pwetan. Hindi ko napigilan mapahiyaw sa sakit kaya nagtinginan sila sa akin.
"What did you do?" Tanong ni Jules kay Jethro.
"I didn't do anything and please don't get the wrong idea. Ako nga dapat ang magtatanong sayo. What are you doing here?" Naiinis na sambit ni Jethro.
"Someone told me that Eisen was brought to the clinic, but when I got there the nurse told me that someone already picked him up"
"But you still have classes to attend to this afternoon!"
"I'll be back in a minute, I just want to make sure that he's okay" Malambing na sabi ni Jules. Kikiligin na sana ako kaso naalala ko nga pala may girlfriend na 'to si Jules at saka ang tingin niya lang siguro sa'kin ay nakakabatang kapatid kaya nagiging over-protective siya.
"He'll be fine, he just needs to eat, drink his medications and take some rest" Mahinahon na tugon ni Jethro.
"Okay, but Eisen you'll have to tell me everything once I get back here"
Lumapit siya sakin at hinawi ang bangs ko sa noo para mahalikan ito. Pagkatapos niyang halikan ay ngumiti siya at inaayos ang aking buhok. Lalo akong hindi makapagsalita ng mga oras na 'yon. Tumayo si Jules at aalis na sana pero pinigilan siya ni Jetrho at nagsallita.
"And now what do you think you're doing?" Habang hawak ang braso ni Jules.
"You did it first, BROTHER!" Matigas na sambit ni Jules.
"I told you that was an accident, so don't get the wrong idea" Mahinahong tugon ni Jethro.
"I saw what I saw!" Sabay hawi sa kamay ni Jethro sa kaniyang braso.
Medyo nagkakainitan ang magkapatid pero napapansin ko lang parang hindi kuya kung ituring ni Jules si Jethro. Alam ko naman na may pagkamasungit si Jethro kahit sa mga kapatid niya pero hindi niya naman deserve ang tratuhin ng ganito. Hindi ko pa ring magawang magsalita dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa mga oras na 'to, kaya pinili ko na lang ang manahimik. Baka mas lalo pang magalit si Jethro kapag hindi niya magustuhan ang mga sasabihin ko.
"Just stay here. I'll bring you something to eat. Manang Glory and the other maids went to the supermarket so there's nobody here except us" Sambit ni Jethro matapos makalabas ng kwarto si Jules.