Author's Message to readers

14K 417 31
                                    


Hello, I know, I know, I know, nabigla kayo sa ending at nagpromise akong magiging happy ending ang story pero let me explain it to you guys. Wala talaga sa plano ko to pero marami sa inyo na mas habaan ko pa ang story pero kung hahabaan ko pa ang story ay lalong matatagalan ang pagrelease ko ng iba ko pang story. Kaya tinapos ko ang book 1 at magkakaroon ng book 2, promise yan. Kung hindi happy ending yun ay ibibigay ko ang address ko at hahayaan kong magrally kayo sa labas ng bahay.

Pero seriously ay sobrang nakakatuwa yung mga feedbacks nyo sa story. Honestly, reader lang talaga ako ng Wattpad. Nagsimula akong magbasa noong 2013 pa hanggang ngayon. Dati ko pang balak magsulat kaso masyado akong busy sa school. Sino ba naman ang mag-aakala na kung kelan ako nagkaroon ng trabaho ay saka ako nagsulat.

Last year Dec 2017 ay na-move ang hire date ko sa company na pinag-applayan ko. Ang start date ko naging January 2018, sa sobrang kabagutan ko ay nagtry akong magsulat sa Wattpad at trip trip ko lang yun. Sabi ko pag-umabot ng 1k reads ang sinulat ko ay titigil na ako sa kalokohang to. Pero tingnan mo nga naman ay nasa 53.3k reads ang story after 8 months haha. Ganun ako kabagal magsulat at nakapag gain pa ako ng 333 followers. Proud ako diyan kahit mababa pa ang numbers na yan dahil first timer lang ako as a writer at sobra akong natutuwa na nagustuhan nyo ang kwento ko kaya na-inspire ako lalong magsulat pa ng marami.

Future Plans? Magpapahinga muna ako ng ilang week bago magsusulat ng bagong story. Please sana suportahan niyo yun dahil dun ikukwento ang buhay ni Eisen after niyang umalis sa mansion. Pero, pero hindi siya ang lead doon kundi ang pinsan niya (Spoiler alert).

Upcoming stories:

*The curse of Fuentes kiss - Isang sikat na varsity player si Lance sa aming campus. Babaero, mayabang at bully siya kaya sobra ko siyang kinaiinisan. Transferee lang ako sa school kaya wala akong halos kakilala dito at ang masama pa ay ako ang isa sa mga binubully niya. Maraming nagsasabing may sumpa ang halik niya. Dahil kapag nahalikan ka niya ay para kang baliw na sunod sunuran sa kanya. Napatunayan na yan sa mga ilang babaeng nakarelasyon niya ang iba pa nga ay nagtangkang magsuicide nang makipaghiwalay siya sa kanila. Sa di inaasahang pagkakataon ay aksidente akong nahalikan ni Lance sa labi. At doon ko napatunayan na mali sila, dahil walang sumpa pero bat ganun siya ang nagbago ng pakikitungo sa akin at hindi ako yung naging sunod-sunuran? (Release date: 3rd week of August/ Genre: BL)

*His to her - Papano kung isang playboy na young adult ay bigla na lang magising sa katawan ng isang babaeng malapit ng ikasal at Papano niya matatanggap ang ganitong pangyayari lalong lalo na at patay na ang kanyang orihinal na katawan? (Release date: 4th week of august/ Genre: Gender-bender)

*Can't live without you - Sequel of Living with my step brothers (Release date: TBA)

*Star, me? - love story of Jethro's twin brother, Alexandre. This will be my first girlxboy story. (Release date: TBA)

*Wells brothers: Seducing Jules - (Release date: TBA)

*Wells brothers: Yes Josh, My Boss! (Release date: TBA)

Marami pang stories na gusto kong i-share pero ayan lang muna at dahil mahal na mahal ko kayo ay may special chapter ang CAN'T LIVE WITHOUT YOU.

Don't forget to VOTE!

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon