I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen's POV
13 years ago.
Moon Crystal power make-up! Rinig kong sigaw ni Usagi na lagi kong sinasabayan tuwing siya ay magtatransform bilang Sailor Moon. Ni isang episode ay wala akong pinalampas, dahil ako ang bunso, ako ang masusunod sa remote.
"Hindi ka bagay mag-Sailor Moon!" bilang pa-epal ni ate Sam.
"Wala kang pake!" inis kong sambit.
"Ako dapat si Sailor moon dahil mas maganda ako!" pang-iinis niya sabay hawi ng buhok.
"Ako nga si Sailor Moon eh tapos si Jethro si Tuxedo Mask!" naiinis kong sagot at bigla siyang tumawa.
"Mas bagay ka maging Chibi-usa tapos ako si Sailor Moon tapos si Jethro si Tuxedo Mask at ikaw ang anak namin!" tumawa siya ng malakas, sa puntong yun ay inis na inis talaga ako.
"I HATE YOU!" sigaw ko at saka ko binato sa kanya ang remote na tumama sa kanyang noo. Pero imbes na magalit ay tumawa lang lalo siya na mas lalong kinainis ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.
"Hey stop it Sam!" rinig kong sabi ni Jethro pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Hayan na naman siya sa pag-iispoil!" sagot naman ni Sam.
"Naman.. ayokong inaaway mo yung Serenity ko" biglang pag-akap sa akin ni Jethro at hinihimas ang likod ko para tumahan.
"Hey... wag ka na umiyak, wag kang nagpapaniwala sa ate mo. Nagseselos lang yan kasi ako na yung Endimion mo!" bigla akong napatingin sa kanyang mukha dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi niya. Tanging matamis na ngiti ang sumalubong sa aking mga mata na sobrang ikinasiya ko.
Sa kasalukuyan......
Bigla-bigla ko na lang naalala ang mga bagay sa nakaraan ko nang sabihin ni Jethro ang salitang Serenity at Endimion. Jusme parang gusto ko na lang magkaroon muli nang selective memory loss. Parang tinalo ko pa si Awra sa sobrang kabaklaan ko noong bata pa ako. Bat ba kasi ako ganun? Parang hindi naman ata ako yun.
"Ring a Bell?" sobrang lapit pa rin ng mukha ni Jethro na tipong nadarama ko na ang kanyang mainit na hininga sa aking mukha na bigla kong iniwas.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" pagmamaang-maangan ko at bigla naman siyang umatras.
"Na naaalala mo na ako at may gusto ka pa rin sa akin. Tama?" nakangiti siyang pilyo ngayon na ngayon ko lang din muling nasaksihan.
"Hindi no, ano bang pinagsasabihan mo dyan?" pagsisinungaling ko. And the Denial-Queen Award goes to....
"Ehh bat kanina ka pa nagbablush?" nakangisi pa rin siya na mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Bat ba ang sarap niyang pagmasdan sa tuwing siya ay nakangiti. Lalo na kapag naniningkit ang kanyang mga mata sa tuwing siya ay nakangiti ng sobra.