Chapter &&: Elevator-Trouble
Makalipas ang ilang taon ay nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Salamat yun sa tulong ni Tito Kendrick. Ang hamon sa akin ngayon ay ang makahanap ng magandang trabaho para matulungan kong makapagtapos ng pag-aaral si Lance bilang ganti sa kabaitan nila ng kanyang ama sa akin. Nang mamatay si Tito Kendrick ay kasabay niyang naglaho ang kanilang kayamanan dahil naitalo niya raw ito sa sugal. Pero hindi ako naniniwala doon dahil alam kong may kinalaman ang kumag na si Arthur sa pagkamatay ni Tito at pagkawala ng kanyang kayamanan.
Kailangan ko pang lumuwas ng Maynila para makapag-aapply ng trabaho. Bago ako lumuwas ay nagpasa muna ako ng resume sa Jobstreet. Mabilis akong natawagan para sa HR Rep. position na inapplyan ko. Wala akong masyadong info about sa company dahil dalawang taon pa lamang ito. Ang kumpaniyang ito ay gumagawa ng mga damit na may available stores hindi lang sa Pinas kundi sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pangalan ng Kompanyang ito ay "Forever & Always" hindi rin malinaw sa akin kung bakit yun ang pinangalan ng may-ari basta alam ko ay walang FOREVER at ALWAYS yun!
Mabilis akong natanggap sa position pero nang pipirmahan ko na ang kontrata ay nagmamadaling inabot sa akin ng isang HR ang isang contract bilang secretary. Hindi pa ako experienced sa larangan nay un at saka hindi ako confident pero nakiusap sa akin ang HR na tanggapin ang offer. Ayun sa kanya ay P45,000 monthly ang salary plus P10,000 transpo allowance monthly, plus libreng condo stay hanggang sa magresign ako, may healthcare benefits na up to P200,000 per illness. And lastly, may P50,000 signing bonus, basta kunin ko lang daw ang offer. Noong una ay nagdadalawang isip ako pero kailangan na kailangan ko na talaga ng pera dahil kailangan ko ng pambayad ng tuition ni Lance. Kumpara sa mga Job offer sa akin sa ibang kompanya ay ito na ang pinakamataas na makukuha kong sweldo. Kinakabahan man ako sa aking desisyon ay pinirmahan ko na rin ang kontrata bilang secretary.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para makilala ang boss ko. Akala ko pa nga isa siyang department head pero laking gulat ko nang dalhin ako sa opisina ng CEO ng kompanya. At ang mas nakakaloka pa ay nang ipakilala ako sa CEO at siya lang naman ay walang iba kundi si Jethro Jones Wells. Parang gusto kong himatayin nang ipinakilala siya sa akin. Parang wala lang sa kanya nang magkita kami at hindi man lang siya nagulat. Doon ko rin nalaman na nag change na siya ng career path, from Lawyer to Businessman. Pagkatapos ng araw na iyon ay nagsimula na ng aking kalbaryo.
Halos araw-araw niya akong pinahihirapan sa mga bagay na pinapagawa niya sa akin. Pakiramadam ko minsan ay personal maid niya ako at hindi secretary. Sinong boss ba naman ang tatawag sa secretary niya ng dis-oras ng gabi para magpabili ng kape sa Tim Hortons tapos kapag dating sa condo niya ay hindi na masyadong malamig, at doon lang siya magpapatimpla na lang ng kape? Kung hindi lang talaga mahal ang tuition ni Lance, matagal na akong nagresign dito. Ang worst pa ay madalas niya rin akong sinasama kapag nambababe siya. Hello? Hindi niya man lang inaalala ang feelings ko. Nasasakatan rin kaya ako. Ilang buwan rin akong nagpahakahirap sa kanya hanggang sa na kasanayan ko na lang ang pagiging baliw niya.
AFTER 3 MONTHS
"Sir, meron po kayong meeting with Mr. Calderon ng 2pm and after that ay may conference call kayo with the investors. Tomorrow naman ay-" hindi pa nga ako tapos magdictate nagsalita na agad siya.
"Paki-cancel lahat ng appointments ko tomorrow at magbook ka ng flight sa Bali for 2" mabilis niyang sabi. Agad ko namang isinulat ito dahil ayaw niyang may namimiss ako sa mga sinasabi niya.
DING!! Sabi sa akin ng elevator at bigla itong bumukas at pumasok kami sa loob.
"Ahhm kanino ko po ipapangalan ang mga tickets, Sir?" syempre yung isa sa kanya at yung isa sa babae niya. Magkakanana sana yang ari mo sa sobrang kalandian mo, sabi ko sa sarili ko."
"One for me and one for you" maiksi niyang tugon.
"Ta-tayong dalawa lang po?" nauutal kong sabi.
"Bakit balak mo bang dalhin ang buong kumpaniya doon?" sarkastiko niyang tanong, hay naku ang sarap niyang hampasin ng notebook na hawak ko. Pero mabuti na rin naman ito kasi parang kagaya lang siya ng Jethro na nakilala ko noong magkita kami sa mansion sa unang pagkakataon kumpara noong Jethro na iniwanan ko sa mansion 3 years ago.
"Don't get the wrong idea, andun tayo para sa business trip at kailangan kita doon. Dahil ayokong gawin lahat ng trabaho dun" dugtong niya.
"Wala naman po akong sinasabi eh" bigla akong nadulas at nasabi yun.
"Anong sabi mo?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Ang sabi ko po noted, hehe" sabay pilit ng ngiti, pero yung totoo gusto ko ng kurutin yung nota niya sa inis ko.
Bigla na lang umalog ang elevator at namatay ang ilaw. Nawalan ako ng balanse kaya napaluhod ako buti na lang nakakapit ako kaya di ako tuluyang nadapa. Nang bumukas ang emergency light ng elevator ay laking gulat ko nang makita ko kung saan ako nakahawak ngayon. Nakahawak ako sa bakal na hakawan ng elevator habang nasa harapan ko si Jethro at ang mukha ko ay nakatapat sa zipper niya na para bang bibigyan ko siya ng BJ. Napabalikwas ako at tuluyang natumba sa sahig. Ang awkward lang nang lumapit siya para tulungan akong makatayo.
"Napaka clumsy mo pa rin!" sabi niya.
"Po?" tanong ko baka nagkamali lang ako ng tanong.
"Wala!" sabi niya at pinindot ang emergency button ng elevator para humingi ng tulong.
Mabilis nagrespond ang admin ng elevator at kasalukuyang inaayos na ang elevator na sinasakyan namin. Lumipas ang sampung minuto pero hindi pa rin tapos ang pag-ayos ng elevator. Basang basa na ng pawis ang aking likuran dahil sa kapal ng coat na suot suot ko. Pero tinitiis ko lang ito dahil ayokong hubarin ito sa harap ni Jethro. Nang lingunin ko siya ay wala na siyang suot na coat at ang kanyang long sleeve ay nakatupi na hanggang sa makalabas ang kanyang siko. Nakabukas na ang mga butones ng kanyang long sleeve at malaya kong nasusulyapan ang kanyang abs at chest na mas lalong gumanda ang hubog ngayon. Wala akong nagawa kundi ang lumunok laway habang nagpapaypay ng notebook.
"Hubarin mo na yang polo, di gumagana ang aircon kaya pagpapawisan ka lang ng husto." Utos niya.
"Don't mind me Sir, okay lang ako" pagsisinungaling ko pero basang basa na ang polo ko sa loob ng pawis.
"Ang tigas ng ulo mo!" lumapit siya sa akin at pilit hinubad ang coat na suot ko.
Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin kaya nagawa niyang matanggal ang suot kong coat. Nang mapansin niyang basang basa ng pawis ang polo ko ay pilit niyang hinuhubad ito hanggang sa napahiga ako sa sahig habang pilit na tinutulak siya. Pagkahawak niya sa gitnang bahagi ng polo ko ay isang hila lang niya ay tanggal pati butones ng polo ko. Tumambad sa kanya katawan ko na matagal niyang tinitigan. Kapwa kaming pawisan habang nakapatong siya sa ibabaw ko. Bawat sandali papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Hanggang sa magkadikit na ang aming ilong at ramdam na ramdam ko na ang kanyang paghinga. Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata nang biglang.
DING! Sabi ulit sa akin ng elevator at nagbukas ang pinto.
Nanlaki ang mata ko nang makitang andaming taong nakaabang sa elevator habang nakapatong sa ibabaw ko ang CEO ng aming kompanya. Kapwa kaming pawisan at nakabukas ang aming mga polo. Jusko po, eskandalo na naman ito.
ABANGAN!!!!!!
Edited by RJEM16
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
RomanceI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
