Chapter 7: I admit it

27.5K 769 68
                                    


Bas as Eisen

Bas as Eisen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eisen's POV

Hindi nga dininig ni Suzaku ang panalangin ko pati si Dakilang Badjula ay wala ring pakialam sa kalagayan ko ngayon. Kaya wala na ata akong choice kundi umamin kay Jethro. Nakatingin pa rin siya habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakaka-intimidate ang mga tingin niya kaya nag-iwas ako nang tingin saka huminga ng malamim.

"Okay fine, alam mo na rin na ang gender ko so I admit it"

"Maliban sa kaniya, kanino ka pa may gusto?" Napalunok laway ako sa kaniyang tanong.

"Wala na, siya lang"

"And why him?"

"Dami mo naman tanong!"

"Just answer me!"

"Eh kasi gwapo siya?" 

Oh di ba napakalandi, andaming characteristics ni Josh pero 'yun ang una kong nasabi.

"All of them are good looking and so am I" Taas kilay niyang sabi.

"Matalino siya at responsableng tao. Kitang kita ko 'yun sa kainya"

"All of us are smart, but when it comes to being responsible just exclude James in that category"

"Pinaka-importante mabait siyang tao at tanggap niya ako sa mansion. Di gaya mo ang sungit" Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko dapat sinabi 'yung word na masungit.

"Ako masungit? You just don't know me" Pagdedepensa niya.

"Bakit parang ang pakiramdam ko ay kinoconvince mo ako na magkagusto sayo instead of Josh?" Tanong ko sa kaniya at napangiti siya. Napakaweirdo!

"I didn't say that. It's okay naman na magkagusto ka sa kaniya pero hanggang doon na lang 'yun dahil part ka na ng family and look, it's weird na maging lovey-dovey ka sa kuya mo"

Wow naman sa words na lovey-dovey.

"Wag kang mag-aalala hindi ko siya mamanyakin at hindi ko ugali yun noh"

"You just did. Kanina lang kung makatitig ka sakin parang gusto mo na akong hubaran"

"Alam mo ang lakas din ng kumpiyansa mo sa sarili mo no! Akala mo naman napakagwapo mo" Naiirita kong sabi. Ngiting-ngiti si loko at parang natutuwang naiinis pa ako.

"Am I not?" Nilapit niya pa talaga ang mukha niya sa akin.

"Gwa-po pero" Nauutal na ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Nagawa niya pang magtaas ng kilay habang inaantay ang sasabihin ko.

"Gwapo pero mas gwapo pa rin si Josh... Salamat sa tulong at pwede ka nang umalis para makapagpahinga na ako" Sabay talukbong ko ng kumot sa aking mukha. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko ngayon kaya kailangan ko itong itago sa kaniya. Naramdaman ko na lang na tumayo siya at kinuha ang maliit na planggana saka nagtungo sa pinto. Paano ko nalaman 'yun? Syempre manipis lang ang kumot kaya nakikita ko pa rin ang mga kinikilos niya. Naglakad siya patungo sa pintuan pero agad naman siyang huminto.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon