I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Josh's POV
Define Love? Well, that's a hard question to answer. Sometimes it is hard to distinguish if you're in-love, if it's just an infatuation or lust. But for me, I think I fell in love with someone who's in love with someone else. I can never win her heart, I tried. Despite of the rejection she gave me, I still wonder why I'm so in love with her. Lahat naman ng mga katangian niya ay pwede kong makita sa ibang babae but she's exceptional. She's smart, gorgeous, witty, fierce and a very good example of 21st-century woman. Madaming nagkakagusto sa kaniya at isa na ako roon. Simula pa lang sa aming pagkabata ay sobra na ang aking paghanga sa kaniya. Sinabi ko pa nga sa sarili ko na pag naging ganap na akong binata ay liligawan ko siya, pero kahit anong gawin kong pagpapansin at panunuyo ay hindi pa rin nagbago ang tingin niya sa akin. Para sa akin siya ang gusto kong babaeng makasama sa panghabang buhay pero parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Ganun pa man mahal ko pa rin siya kahit na may mahal na siyang iba. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi mabibighani sa kaniya? Oo, hibang na kung hibang. I admit I'm crazy In-love with this girl, sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sam? Kay Samantha Fuentegelio?
2 Years Ago
November 13, 2015. Friday.
3:43 pm, M.B. Asistio Sr. High School
Maalinsangan at mainit ang paligid. Masyado yatang makapal ang suot kong jacket, ramdam ko ang pagtulo ng aking mga pawis simula sa noo hanggang sa leeg ko. Lalo pang nagpainit sa kalagayan ko ang suot-suot kong hair extension. Ewan ko ba, ba't napapayag ako ni Jon na suotin 'to para mas effective ang pagbabalat kayo ko. Si Jon ay ang bestfriend ko simula grade school, dito sa Maynila siya nakatira habang ako sa mansyon pa rin. Siya ang namamahala ng mga restaurant ko sa manila, ang isa ay nasa Taguig at dalawa naman sa Quezon City. Sino mang nakakakilala sa akin ay hindi kaagad ako mamumukhaan dahil sa hitsura ko ngayon. Halos dalawang buwan din akong hindi nagshishave kaya balbas sarado ako, idagdag mo pa ang hair extension na suot-suot ko na nagpahaba sa buhok ko. Mukha akong rakistang ewan sa suot kong leather na jacket at fitted na pants, samahan mo pa ng brown na boots. Ang nagdamit lang naman sa'kin ay ang magaling kong bestfriend. Minsan naghihinala na talaga ako sa pagkatao nito dahil andami niyang alam tungkol sa mga bagay na may pagkakikay. Pero hindi, malabong mangyari 'yun dahil sobra-sobra ang pagkaplay boy niya. Halos lahat ata ng mga babaeng magagandang tumatambay sa Valkyrie ay nakascore na siya.
Mabuti na lang talaga at may suot akong shades para pag may nakakilala man sa akin ay madali kong maitatanggi, na imposibleng mangyari kasi kahit ako ay hindi ko makilala ang sarili ko nang makita ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Kahit siguro mukha akong ewan sa suot ko may iilan paring mga tao ang tumitingin sa akin. May estudyanteng nagtitilian at may police na pinakikiramdaman ang galaw ko. Napaisip din ako kung mukha ba akong holdaper o kaya kidnapper sa suot ko?