Chapter 2: First kiss

34.3K 973 58
                                        

David as Jethro

Eisen's POVPamilyar sa akin ang boses na aking naririnig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eisen's POV

Pamilyar sa akin ang boses na aking naririnig. Kaya naman nang makompirma ko ang tao sa likod ng magandang tinig ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw sa tuwa.

"Oh shit...Totoo ba 'to? Ikaw 'yong vocalist ng bandang Oblivion?" Pasigaw kong sambit na kaniyang ikinagulat kaya natigilan siya sa pagkanta.

"Seriously Josh? Nagpasok ka ng fan during my rehearsal?" Nakakunot noo niyang tanong kay Josh.

Teka nagtataka lang ako. Kung pangalawa si Josh sa magkakapatid, bakit hindi man lang nila magawang tawaging kuya?

"He's not a fan.. I think?" Tugon ni Josh na may pag-aalinlangan dahil siguro hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang kaniyang kapatid.

Sino ba naman ang hindi matutuwang makita ang vocalist ng bandang Oblivion? Meron silang 700,000+ na subscribers sa Youtube at pumapalo sa 5 to 15 million views ang videos ng kanilang mga song covers. Hindi pa masyadong active ang kanilang banda dahil sa pagkakaalam ko ay mas pinagtutuunan ng pansin ni Jean ang kaniyang pag-aaral at past time niya lang ang paggawa ng cover ng mga kanta. May mga pagkakataon ding naiimbitahan sila sa mga bar para magperform pero bihira lang mangyari iyon. Kaya pag nagkakaroon sila ng gig ay tiyak na mabilis maubos ang mga tickets. Gano'n sila kasikat. Pagdating sa pagkanta ay magaling na talaga si Jean, idagdag mo pa ang mapupungay niyang mga mata na napakaexpressive pag nakikipag eye to eye contact siya sa mga audience. Sa kanilang magkakapatid ay siya 'yong may pagkamoreno dahil hilig niya ring tumambay sa beach kapag kasama niya ang kaniyang mga kabanda para magjamming. Hay, wala naman atang panget sa J Brothers este sa Wells Brothers.

"You think?" Nakakunot noong tanong ni Jean.

"He's Eisen, I already told you that he's coming today" Tugon ni Josh habang nakapamaywang at sumandal sa pinto.

Ang gwapo!!

"Oh he's that kid? Oh Hi welcome to the family" Sarkastiko niyang pagbati.

Bigla akong nadismaya, kasi bilang fan niya ay gano'n na lang siya kung umasta. Hindi nagkakalayo ang ugali nila ng kaniyang Kuya na si Jethro. Parehong suplado!

"Just be ready coz we're having a dinner with Eisen tonight" Pagpapaalala ni Josh habang tumitingin sa relo niya.

"For the 10th time Josh, I know just go away!" Iritableng sagot ni kumag kaya naman sumenyas sa akin si Josh upang lumabas na kami.

Ako? Ayon, bukod sa na star-struck ako ay hindi na ako nakabati sa kaniya dahil sa kaniyang inasal. Hindi man lang niya magawang respetuhin ang kuya niya. Pagkatapos naming makalabas ng music room ay hinatid naman ako ni Josh sa aking magiging kwarto. Napaggigitnaan ito ng dalawa pang kwarto na kung saan sa kanan ay ang kwarto ni Jules na malapit sa hagdan at ang sa kaliwa naman ay ang kwarto ni Jethro.

Oh nice! Mapapadalas ang pagtatagpo namin, kaloka!

Sayang at wala pa daw si Jules kasi hanggang ngayon ay nasa school parin siya para magpractice ng basketball pero uuwi naman daw bago magdinner. Nang madala ako ni Josh sa aking kwarto ay kaagad ko itong pinasok. Ilang sandali lang ay nagpaalam si Josh na bumaba dahil may aasikasuhin pa raw siya. Sa aking pagpasok ay mabilis kong nakita ang aking mga kagamitan na kanina lang ay bitbit ni Manong Magno. Malaki ang kwarto at pakiramdam ko ay isa akong Duke dahil sa theme ng mansion na ito. Ang aking kama ay king size bed at kaagaw-agaw pansin sa akin ang liwanag na nagmumula sa bintana na natatakpan ng malaking kurtina. Kaagad ko itong hinawi para makita ko ang tanawin sa labas. Namangha ako dahil kitang kita ang kagandahan ng dagat mula sa aking kwarto. Maganda ang pwesto na ibinigay nilang kwarto sakin at sobrang nakakarelax. Sa aking pagkakahiga sa malambot na kama ay bigla na lang ako nakaramdam ng antok at mabilis nakatulog dahil sa pagod na naranasan.



Makalipas ang apat na oras....

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon