Chapter 25: Miss you so bad

20.2K 627 105
                                    

Bas as Eisen

Bas as Eisen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eisen's POV

Tila napako ako sa kinakatayuan ko nang makita kong nakatayo si mama sa harap ng pinto ni Jethro. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang nakatayo doon. Nakita niya kaya yung ginawa ni Jethro sa akin? Kung oo, yari talaga ako neto mamaya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya yun. Binalaan na niya ako dati at ayoko na maulit pa yun. Kung alam niyo lang kung gaano ka terror si mama pagnagalit, walang sinabi yang mga kontrabida sa soap opera nyo.

"Ma-ma?" nauutal kong sagot.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap" dugtong niya.
Hindi ko alam kung tatayo ba ako at lalapit sa kanya para yakapin siya dahil ganun ko siya ka-miss pero baka paglumapit ako bigla niya akong pukpukin ng heels na suot suot niya.

"Ahhh ehh kasi Ma" lumingon ako kay Jethro para makahingi ng saklolo pero ayun nagtulog tulugan ang kumag.

"Ahh ehh, si Jethro kasi medyo masama ang pakiramdam kaya binisita ko lang" malamang hindi bebenta kay mama ang LAME na palusot ko.

"Ohh.. bakit hindi mo agad tinawagan si Dr. Alvarez para mapacheck-up siya?" tanong niya. Hindi ko na inusisa kung paano niya nakilala si Dr. Alvarez mas napansin ko yung kumikinang na Diamond ring na suot suot niya.

"Ang ganda ng singsing mo Ma!" pagpuri ko. Sobrang ganda naman kasi mahal siguro yan kapag sinangla.

"You didn't answer my question!" pa english-english na siya ngayon at na maywang pa. Wag nga niya akong ini english. Kung alam niya lang aral na aral na ako sa mga lalaking nakakasalamuha ko dito sa mansion.

"Hey, is there a problem in here?" biglang may umakbay sa kanya na matangkad na lalaki. Maayos ang pangangatawan nito. Mukhang nasa late 40s na siya pero mukhang nasa 30s pa rin ang mukha niya. Ang hitsura niya ay Fil-am na Fil-am ang datingan. Napakagwapo niya pero ang vibes niya ay nakaka intimidate. Parang siya yung original version ni Jethro na 3x ang pagkaangas. No wonder na gustong magpalahi ni mama dito este maging asawa.

"Nothing hon, it's just..." hindi pa man natatapos ni mama ang kaniyang sasabihin nang muling magsalita si Tito Barry.

"Ohh.. you're Eisen? You remind me of someone..hmm" nag-isip siya nang mabuti. Oo na kamukha ko na si Ariana wag nyo na pong pahirapan ang sarili ninyo.

"I cant remember.... Just forget it about it! Now come! Give your daddy a warm hug!" saad niya. Napatingin ako kay mama dahil nagdadalawang isip akong lumapit kay Tito Barry dahil nahihiya pa ako. Tumango lang si mama para maging hudyat nang pagsang-ayon. Kinikilabutan ako sa word na daddy, bigla akong may naalala. Bangungutin sana yang nagtutulog tulugan na yan! Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit. Halos maipit ako sa mga muscles niya at hindi rin nagtagal ay binitiwan niya ako.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon