Chapter 30: Serenity

20.2K 701 140
                                        


David as Jethro

David as Jethro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eisen's POV

Bawat sandali ay may panganib na kaakibat. Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganitong desisyon sa aking buhay. Hindi ko alam kung sino ang aking pipiliing mailigtas, dahil alam kong walang sino man sa kanila ang dapat na mapahamak. Kasabay ng pagbilang ni Sam ay ang pagtulo ng aking pawis at panginginig ng aking mga kamay. Wala akong nagawa kundi ang umikot at pindutin ang water gun at narinig ko na lang ang mahinang pagsigaw ni Sam.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Sam sa akin.

"Itigil mo na ang kalokohan na to. Hindi naman natin kailangang idamay sila sa gulo ng pamilya natin dahil wala naman silang kinalaman doon!" tugon ko sa kanya.

"HINDI!! Nararapat lang na mamatay rin sila gaya nang sinapit ng ating mga magulang. Isipin mo na lang ang naging sakripisyo ni Mama para maisakatuparan ang mga plano na ito. Namatay siya para maibalik sayo ang dapat na maginhawang buhay na nararapat lang sayo!" sagot niya habang pinupunasan ang sarili dahil siya ang binasa ko ng water gun bagamat nagbabakasakali akong magising siya sa kahibangan niya.

"Hindi ko naman hinangad ang magkaroon ng marangyang pamumuhay. Okay na sa akin yung kasama ko kayo kahit maghirap pa tayo. Walang gulo, walang alitan, yung tayo-tayo lang ang magkakasama ay masayang masaya na ako" hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.

"Ramdam ko ang bawat paghihirap ni Mama para igapang ako sa pag-aaral. Kaya nagsumikap ako na mapaganda ang grades ko para kahit sa ganoong bagay man lang ay masuklian ko ang mga paghihirap niya" sabay punas sa mga luhang tumutulo sa aking mukha.

"Wala na siya Eisen! Wala na siya dahil sa kanila!" sabay tutok ng baril sa kinaroroonan ng mga magkakapatid.

"Wag mo silang idamay dahil wala naman silang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang natin!" hinarang ko ang aking sarili sa pagtutok niya ng baril dahil ayoko nang may masaktan pang muli dahil sa kahibangan ng Ate ko.

"Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko nang mawala si Papa at yung tiisin na wag maluha habang tinititigan ko ang pagmumukha ni Mama sa loob ng kaniyang kabaong. Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!" naluluha na rin siya habang nanginginig ang kamay na may hawak na baril at ito'y nakatutok sa akin.

"Hindi mo lang alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halos sumabog na nga ang damdamin ko nang makita ko kayong nagse-sex ni Jules. Tapos anu-ano na lang itong pinagsasabi mo. Ang sakit sakit na malaman na namatay si Papa para protektahan ako. Ang sakit sakit na malaman na ginawa ni Mama ang lahat mabawi niya lang ang mga nawala sa kanya...... kung gusto mo silang patayin. UNAHIN MO NA AKO! SAWANG SAWA NA AKO SA BUHAY NA ITO!" hindi ko na napigilan ang pagsabog ng aking damdamin. Lumabas na ang mga naipong luha, nanlambot ang mga tuhod ko kaya hindi ko napigilang mapaluhod sa sahig habang umiiyak.

Living with my Step Brothers (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon