Chapter 11: Turnin' me on

24.7K 766 50
                                    


Joss as Jules

Joss as Jules

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eisen's POV


Napako ako sa kinakatayuan ko at tila ang dignidad ko ngayon ay naibenta na sa divisoria. Wala akong saplot sa katawan at tanging ang aking kamay lang ang nakatakip sa aking harapan. Halata rin sa mukha ni Annabelle ang pagkagulat, nagulat dahil sa nakita niya sa akin at nagulat sa biglang pagpasok ni Jethro sa aking kwarto. Sa susunod ipaalala niyo sa akin na magpa-install ng laser security gaya ng nasa Resident Evil na movie na kung mali ang password nang papasok ay mahahati siya gamit ang laser, para wala ng magtangkang pumasok agad-agad sa kwarto ko. Back to story, hindi ko pa rin matingnan si Jethro sa mata pero kailangan kong magpaliwanag para hindi na siya mag-isip ng kung ano pa man.

"Hon, si Eisen kasi bigla niya na lang akong tinulak sa sahig tapos bigla na lang niyang hinubad ang towel sa katawan niya. Tapos sabay niyang binato sa akin. Then I saw him naked kaya napasigaw ako" Pagsisinungaling ni Annabelle.

Bruhang 'to! Inunahan pa akong magpaliwanag at nagsinungaling pa talaga.

"Is that true?" Tanong ni Jethro habang tinutulungan niyang makatayo si Annabelle. Kinuha na rin niya ang tuwalya kay Annabelle at hinagis ito papunta sa akin kaso sablay ang pagkakasalo ko nito kaya tuluyang nakita ni Jethro ang kahubdan ko pati na si patootie ay kitang kita niya. Mabuti na lang at nakatalikod na si Annabelle kaya hindi niya ito nakitang muli. Para bang tumigil ang oras na 'yun, ang mga kamay ko ay naiwan sa ere habang ang tuwalya ko ay nasa lapag na. Bakas sa mukha ni Jethro ang pagkagulat pero hindi niya pa rin inalis ang tingin niya sa akin. Halos titigan niya na ako mula ulo hanggang paa pati na rin ata si patootie tiningnan niya. Saka lang bumalik ang kaluluwa ko sa aking sarili nang magsalita si Jules.

"What's happening in here?" Nagulat din siya sa naabutan niya. Saka ko lang dinampot muli ang tuwalya para ibalot sa aking sarili.

"What the fuck? Ba't ka nakahubad sa harap nila?" Lumapit sa akin si Jules at niyakap ako patalikod kila Jethro.

"Eh kasi si Eisen minamanyak ako!" Sagot ni Annabelle.

"That's impossible!" Tugon ni Jules.

"It's true, kitang kita mo naman ang kabastusan niya di ba?" Nagdrama si Annabelle at may paiyak-iyak pa kuno sa dibdib ni Jethro at eto naman si Jethro parang nawala sa kaniya ang kaluluwa niya.  Wala siya sa sarili at hindi nagsasalita.

"Hindi magagawa ni Eisen ang binibintang mo!" Lumakas ang pagkapit ng mga kamay ni Jules sa braso ko kaya medyo nasasaktan ako.

"Okay, magpapaliwanag ako pero ayos lang kahit hindi mo ko paniwalaan Jethro, in fact never ka naman naniwala sa akin pero sasabihin ko ang totoo" Saka lang tumingin sa akin ng derecho si Jethro at nanumbalik sa kaniyang sarili ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Tila ba nag-aantay na lang siya ng ipapaliwanag ko.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon