Bas as Eisen
Josh's POV
Ang sarap sa pakiramdam na nakikita mo ang taong mahal mong masaya kahit na may kapiling na siyang iba. Siguro ito na nga 'yung tinatawag nilang selfless love. Naaalala ko pa noong umamin ako sa kaniya na may gusto ako sa kaniya, imbes na mailang siya sa akin ay bigla na lang niya akong sinuntok sa mukha sabay tawa at sinabing "Siraulo! magkapatid tayo".
Dati hindi ko pa alam kung anong ibig niyang sabihin hanggang sa malaman ko na lang na may pagtingin pala siya sa kapatid ko kaya gano'n na lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Nakakamiss 'yung mga araw ng tawanan, kulitan at ang mga pananakit niya. Ewan ko ba kung bakit napakasadista niya sa akin pero sa tuwing nanakit siya ay siya namang ikinatutuwa ko. Mamimiss ko ang lahat-lahat ng mga katangian niya, masama man o mabuti. Nakakamiss siya, nakakamiss si Sam.
Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kwarto sa isang hospital. Sa kanan ko ay naroon nakasandal sa isang couch ang bestfriend kong si Jon. Marahil nakatulog siya sa pagbabantay sa akin, hindi ko alam kung matagal ba akong nakatulog at hindi ko na namalayan ang oras. Ang sakit pa rin ng katawan ko buhat ng pagkakasemplang ko sa motor. Pinilit kong igalaw ang mga binti ko at napasigaw ako sa sobrang sakit na ikinagising ni Jon.
"Ohh anong ginagawa mo?" Tanong ni Jon habang papalapit sa kama ko."Arrggh.. ang sakit... Damn it!" Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pananakit ng katawan ko simula nang madisgrasya ako.
"Malamang may injury 'yang kanang paa mo dahil naipit sa motor" Sarkastiko niyang sambit.
"Ilang araw na ba akong tulog?" Dahan-dahan kong sinandal ang sarili ko sa kama para makaupo. Inalalayan naman ako ni Jon para mapadali ang kalagayan ko.
"Isang buong araw ka pong natulog" Sagot niya.
"Si Sam kamusta?" Hindi siya sumagot agad, tumayo siya para i-press ang button kung saan nagsisignal para tumawag ng doctor.
"Sabi ni Doc kailangan ko raw siyang i-notify 'pag nagkamalay kana" Sabi niya na halatang iniiwasan niya ang tanong ko.
"I said, kamusta si Sam?" Naiinis kong sabi.
"WALA NA SI SAM JOSH! ALAM MO 'YAN DAHIL ANDUN KA NG MGA SANDALING 'YUN!" Pasigaw niyang sabi na ikinainis ko kaya nakipagtalo ako sa kaniya.
"The fuck!! Diyos ka ba para sabihing wala na siya?" Inis kong sambit.
"GAGO! Hindi man ako diyos pero malinaw ang mata't pag iisip ko na patay na si Sam. At ang doktor na mismo ang nag kompirma na siya nga 'yun pagkatapos niyang i-autopsy" Pagpapaliwanag ni Jon at saka siya lumapit sa may pintuan.
"Lalabas muna ako hanggang sa lumamig na 'yang ulo mo, tangina!" Naiinis na sabi ni Jon.
Hindi ko siya masising magalit sa'kin, kahit naman ako sa sarili ko ay naiinis sa kadahilanang hindi parin ako makapaniwalang wala na si Sam. Totoo 'yun, kitang-kita ko kung paano ilagay ang bangkay niya sa stretcher bago ako mawalan ng malay. Hindi ko na napigilang humagulgol sa pag-iyak nang maalala ko ang mga sandaling 'yun. Bukod tanging tumatak sa aking isipan na kasalanan ko ang mga nangyari kaya dapat ko itong pagbayaran.
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
Roman d'amourI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...