I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen's POV
Ako si Eisen, simpleng tao, takot kay Jethro. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, iyon ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at makapagahanap ng magandang trabaho. Saka ako maninirahan ng bukod at gagawa ng sarili kong pamilya. Pero mukhang malabo pang mangyari ang mga 'yun dahil sa mas pinakomplikadong buhay ko ngayon.
Andito pa rin ako sa ibabaw ng aking kama, hindi makagalaw at hindi makapagsalita. Wala akong marinig kundi ang malakas na pagtibok ng aking puso. Nakatingin lang sa akin ng masama si Jethro at tila ba'y nag-aantay ng kasagutan sa kaniyang tanong. Ramdam ko na rin ang pag-init ng bawat gilid ng aking mga mata. Ilang sandali lang ay tila babagsak na ang mga luha dito. Ayoko sa lahat ay ang pinagbibintangan ako sa mga bagay na hindi ko ginawa pero wala akong nagawa para depensahan ang aking sarili. Ngayon ko lang nakitang magalit ng husto si Jethro at hindi ko inaasahan 'to.
"I SAID WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?" Sigaw niya ng napakalakas na halos ikabingi ko na naging hudyat ng pagbagsak ng aking mga luha.
"WHY THE FUCK YOU'RE YELLING SO EARLY?" Sigaw ni Jules nang magising sa pagkakatulog dahil sa pagkakasigaw ni Jethro.
"ASK....him!" Biglang bumaba ang tono ng kaniyang boses nang makita niya akong umiiyak. Tumingin sa akin si Jules at hinawakan ang likod ko.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya pero hindi pa rin ako makapagsalita kaya tiningnan niya si Jethro para makahanap ng kasagutan.
"Tingnan mo ang sarili mo!" Utos ni Jethro sa kaniya. Saka niya lang napansin ang naging ayos niya ngayon at dali-dali niyang ipinasok ang kaniyang alaga sa loob ng kaniyang brief.
Syempre hindi ko na tiningnan 'yun. Umiiyak nga ako di ba? Mas lalo pa akong magmumukhang guilty sa ginawa ko kapag ginawa ko pa 'yun.
"And what?" Nagtataka pa rin si Jules.
"Pinagsasamantalahan ka na hindi mo pa rin alam?" Tugon ni Jethro na nagpalumo sa akin. Kahit na masama ang aking loob ay hindi ko pa rin siya hinayaang pagbintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.
"Wa-wala nga akong ginagawang masama!"
"I saw youEisen! Baka kung hindi pa ako pumasok eh baka natuloy mo na ang balak mo sa kapatid ko" Muling nagtaas siya ng boses sa akin.
"Inuulit ko.. WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA!" Tumaas na rin ang boses ko at pinunasan ko ang aking mga luha. Wala rin namang saysay ang pag-iiyak ko dahil alam ko namang walang maitutulong sa kin 'to.
"So ano 'yung nakita ko kanina? Huling-huli pa kitang nakanganga"
Huminga ako nang malalim at saka muling nagsalita.