Chapter 26: My Hero

20.4K 600 112
                                    

A/N: Bago mo basahin ang chapter na to. Pakibasang muli ang Chapter 22 dahil may mga binago ako sa chapter na yun na connected sa chapter na to. Go go back!

David as Jethro

David as Jethro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jethro's POV

Isang malakas na pagputok ng baril ang gumulat sa lahat. Kasabay ng pagputok nito ay ang pagbagsak ng katawan ni Eisen. Bago pa man siya matumba ay agad ko nang sinalo ang kanyang katawan. Akala ko noong una ay siya ang tinamaan ng bala pero wala man kahit isang galos siyang natamo. Pagtingin ko sa kinaroroonan nila ay nakita kong duguan ang mommy ni Eisen. May tama siya sa dibdib at maraming dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Tila nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang pangyayaring iyon. Si Dad ay walang tigil sa pag-iyak na sa kauna-unahang pagkakataon ko lang nakita. Marami ang tumawag ng ambulansya pero hindi rin nagtagal ay binawian na siya ng buhay.

Nanatili akong nakaupo sa damuhan habang akap-akap ko si Eisen na walang malay ngayon. Hinahanap ko sa grupo ng mga tao sila Jules pero hindi ko sila makita. Inaalalayan ng mga guards si Dad pero ayaw niyang umalis at akap-akap pa rin ang duguan katawan ni Tita Lyca.

"No, No... hindi mo ko pwedeng iwan. Even in hell, I will follow you!" sa mga sinabi ni Dad ay nakaramdam ako nang matinding takot kaya wala akong nagawa kundi ang iwan si Eisen at tumakbo papalapit kay Dad.

Para bang biglang bumagal ang oras nang makita kong hawak hawak ni Dad ang baril at agad niya itong tinutok sa kanyang bibig at agad pinaputok. Kahit ang mga guards na nakapalibot sa kanya ay walang nagawa kundi panoorin ang kamatayan niya. Andaming dugo ang tumalsik sa aking katawan. Kasabay nun ang pag agos ng aking mga luha.

"DAAAAAAADDDDDDDDDD!" ang tanging naisigaw ko. Huling huli na ang lahat wala man lang akong nagawa kundi panoorin ang pagkamatay nilang dalawa. Gulong gulo ang isipan ko kung bakit ba nangyayari ito. Papano? Ano ang naging kasalanan ni Dad? Ano ang atraso namin sa pamilya nila Eisen?
Pagdating nila Jules, Jean at James ay wala na silang naabutan kundi ang katawan ni Dad na wala nang buhay.

"Jethro, what the fuck happened in here?" kahit anong pag alog sa aking katawan ni Jules ay tanging pag iyak lang ang naisagot ko.

Huling huli na ang pagdating ng ambulansya. Pati na rin ang mga pulis ay isa isang nagdatingan. Wala akong maisagot sa mga tanong nila dahil hindi ko pa rin matanggap ang bilis ng mga pangyayari. Ang mga walang kwentang guards ang sumagot sa mga tanong ng pulis kung paano nangyari ang lahat. Ang isa pa sa kanila ay isinugod sa hospital dahil tumagos ang bala at tinamaan siya sa tagiliran dahil nasa likuran siya ni Dad nang mangyari ang insidente. Sana siya na lang yung namatay at hindi si Dad.
Kahit nagpumulit ako na wala akong sugat na natamo ay pilit akong chineck up ng doctor. Pero mas minabuti kong sabihin na unahin nila si Eisen dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Pagkatapos nilang masuri ang katawan ni Eisen ay wala naman silang nakitang kakaiba sa katawan niya. Nawalan lang talaga siya ng malay nang marinig niya ang pagputok ng baril.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon