David as Jethro
Eisen's POVAng sarap ng pakiramdam ko nang magising ako. Para bang gumaan ang pakiramdam ko. Lahat ng problema ay parang biglang naglaho. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero sa pagkakataong ito ay parang nawala ang isang tinik na matagal nang nakabaon sa lalamunan ko. Nanatili pa rin akong nakapikit habang ninanamnam ang ligayang nadarama. Yakap-yakap ko ang aking unan at bahagya ko itong hinihimas.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na parang may kakaiba sa yakap-yakap ko at parang matigas ito. Dali-dali kong dinilat ang aking mga mata upang makita ko kung ano ang bagay na yakap-yakap ko ngayon. Laking gulat ko nang malaman ko na katawan pala ito ng isang lalaking nakahubo ng pang itaas. Pagtingala ko ay nakita ko ang mukha ni Jethro na kasalukuyang nakatingin sa akin at nakangiti na para bang may iniisip na masama.
"Mukhang nag-eenjoy ka laging hinihimas yung abs ko ah?" sabay ngiti ng nakakaloko.
"Uy hindi ah!" mariin kong pagtanggi.
"Eh ano yan?" sabay tapik niya sa kamay ko na nakapatong mismo sa kanyang tiyan. Mabilis kong binawi ang kamay ko at nilagay ito sa likuran.
"Sorry, akala ko kasi unan" sabay yuko ng aking ulo pero inangat ko rin agad ang tingin ko ng mapansin kong may ibang ulong nakabukol. Ang aga naman neto.
"Are you hungry?" tanong niya.
"Hindi pa naman masyado" mahinhin kong sagot.
"Tara bumaba na tayo dahil nakapaghanda na ng pagkain si Josh" sambit niya at tanging hilaw na pagngiti lang ang naisagot ko.
Inayos ko ang aking sarili at nagpunta sa banyo para maligo. Kahit na maraming nangyaring hindi maganda kagabi ay kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang aking buhay. Para kay Mama at Papa, tutuparin ko ang aking pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang independent. Hindi habang buhay ay maninirahan ako kasama ng mga lalaking ito sa iisang bubong. Darating at darating ang araw na kailangan ko ring lisanin ang mansion na to para bumuo ng isang bahay na kukumpleto sa pangarap ko.
Pagkatapos kong maligo at magmuni-muni ay tinungo ko kaagad ang dining area para makakain na ng almusal. Nauna akong makarating kaysa kay Jethro dahil sa loob ng banyo niya ako naligo at pagkatapos ko ay siya rin ang sumunod. Ayokong magsabay kami ng pagligo dahil baka sa iba mapunta ang eksena kapag may malaglag na sabon. Awkward pa din nang magtagpo ang mga mata namin ni Jules. Ewan masakit pa rin para sa akin na nagawa niya akong ipagpalit kay Sam pero siguro nga hindi ko rin siya masisisi dahil first love niya nga siguro ang ate ko.
Nahihiya rin akong titigan si Jean na may benda pa rin ang tenga na nadaplisan ng bala ng baril. Naaawa ako para sa kanya dahil wala naman talaga siyang kinalaman sa mga bagay na to. Naging normal na rin ang pagtingin sa akin ni James pero parang nahihiya siya. At eto namang si Josh ay halos hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi simula nang makarating ako dito. #AWKWARD talaga ang mga nangyayari. Tahimik na kumakain ang iba, walang gustong magsimula ng topic maliban kay Josh na nasa tabi ko na ngayon.
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
RomanceI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...