Chapter 6: Bipolar

26K 778 85
                                    


Albie as James

Albie as James

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eisen's POV

Narito ako ngayon sa loob ng aking kwarto. Kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng aking kama at napapalibutan ng mga gwapo kong step-brothers. Tahimik ang buong silid at walang sino man ang nagtangkang magsalita. Halos ang naririnig ko lang ay ang aking paghinga at pagkabog ng aking dibdib. Nakatingin lang sila sa akin, tila inaantay nila kung ano ang magiging desisiyon ko. Bakit naman kasing kailangan pang pagpilian, eh maglalagay lang naman ng ointment sa pisngi ng pwet? Atsaka pwede namang silang tatlo na lang ang maglagay para wala ng away di ba? Pero pwera biro ayoko ng ganitong eksena. Mas gusto ko talagang ako na lang ang maglagay kaysa ibang tao. Kahit nga sa doctor nahihiya ako, sa kanila pa kaya.

"Ah-ehh..Ano, pwede naman kasing ako na lang. Bigyan niyo nalang ako ng salamin. Huwag na kayong mag-abala dahil kaya ko naman ito" 

"No! It has to be done by someone else. Kailangang mailagay ng maayos para gumaling kaagad 'yang ano mo" Saad ni Jethro na hindi magawang banggitin yung salitang puwet. Hindi ko alam kung nandidiri ba siya o nahihiyang sabihin 'yon? 

"So you can now leave guys, ako na ang bahala" Dugtong pa ni Jethro.

"And what makes you think na gagawin ko 'yon?" Pagmamatigas ni Jules na tila naiinis.

"First, ako ang panganay so ako ang masusunod and second ako ang nakalagay na guardian ni Eisen sa school ninyo that's why I'm taking the responsibility" Saad ni Jethro.

"Wait bigla ka atang naging concern kay Eisen? KUUUYAA?" Pang-aasar ni Josh pero halata ring naiinis na siya.

"I told you..I'm just taking my responsibility as his guardian! No IFS and no BUTS!" Naiinis na sambit ni Jethro.

Nagkakainitan na sa loob ng kwarto ko, buti sana kung may ginagawa kaming iba na nakakapagpainit eh, kaso hindi eh, usapang pwet 'to mga tsong. At bakit ba parang gigil na gigil sila sa isa't isa? Hey guys pwet lang 'to, chill lang kayo! Pakilala ko kayo kay Nikki Minaj, 'yon pagsawaan ninyong tatlo ang pwet no'n. Tingnan natin kung hindi malamog 'yang mga daliri niyo.

"The doctor is coming, case closed" 

Biglang may nagsalita sa may pinto at nakita naming nakasandal dito si James na tila kararating lang.

"Wait..the doctor? Doctor for what?" Tanong ni Jules.

"Pag-akyat ko pa lang sa hagdan ay rinig na rinig ko na kaagad ang inyong pagtatalo kaya tumawag na ako ng doctor.  And seriously? Nagtatalo kayo para sa iisang pwet? What happen to you guys, wala ba kayong mga girlfriends? This is so hilarious!" Natatawang sabi ni James na siyang nagbigay sa akin ng kahihiyan. 

Pero wait, sabi niya wala ba kayong mga girlfriends? So ang ibig sabihin pati si Josh may girlfriend na? So wala na talagang pag-asa?

"Look how embarrassed he is now" Sabay turo sakin ni James na lalong ikinapula ng mukha ko.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon