Chapter 22: Third Confession

20.8K 642 124
                                    

Josh as Jules

Josh as Jules

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ĹWMSB 22

Josh's POV

Sobrang bilis ng pangyayari. Masyado akong nagpalamon sa galit ko at hindi ko sinasadyang maitulak si Eisen sa yate kaya nahulog siya. Tatakbo na sana ako para tumalon sa dagat para sagipin siya pero pinigilan nila ako.

"Sir wag na po sir delikado!" Sabi ng isa mga miyembro ng mga taong hinire ko para maghanap sa kinaroroonan nila ni Jethro.

"Bitawan nyo ako sabi!" Pagmamatigas ko pero hindi nila ako binitiwan.

"Ako na po ang bahala sir!" Hindi pa man ako nakakapagbigay ng utos sa kanya ay bigla na lang siyang tumalon sa yate at sinisid ang maalon na dagat.

Kinakain ako ng takot at konsensya baka kung ano na ang nangyari kay Eisen dahil sa kagagawan ko. Hindi rin nagtagal at umahon ang lalaking kanina'y tumalon para sagipin si Eisen. Napanatag ang kalooban ko nang makita kong karga karga na niya si Eisen.

Wala kaming sinayang na oras at agad namin siyang tinulungang makabalik ng yate. Mabilis na isinagawa ni Jethro ang pagsi CPR kay Eisen para masagip ito sa pagkalunod. Ako sana ang gagawa pero hinayaan ko na lang siyang gawin iyon dahil hindi ito ang oras para pagtalunan pa namin iyon.

Salamat sa diyos at bigla siyang nagkamalay nang matanggal ang mga pumasok na tubig sa kaniyang katawan. Pero hindi rin nagtagal at nawalan siya ng malay. Dinala ko siya sa loob ng Yate para mabihisan ng damit dahil maaari siyang sipunin kapag nagtagal siya sa ganoong ayos.

Jethro's POV

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa lalaking sumagip kay Eisen. Kasalukuyang pinapatuyo niya ang kanyang mahabang buhok.

"DARIUS po sir!" Sagot niya.

"Isa ka ba talagang SRO?" Muli kong tanong.

"Hindi po sir, sumaside line lang po ako paminsan minsan dahil wala po akong matinong trabaho." Kamot ulo niyang sagot.

"Gusto mo bang magkaroon ng trabaho?" Bigla siyang nagulat sa sinabi ko pero kasabay non ay ang kanyang pagngiti.

"Opo sir, kahit ano pong trabaho gagawin ko!" Mukhang masipag naman to at mukhang batak na batak sa mga pisikal na trabaho dahil mapapansin agad sa kanyang pangangatawan at kulay ng balat.

"Sige kakausapin ko si Tito Lazarus para mabigyan ka niya ng trabaho" mabilis niyang inabot ang kamay ko at nagpasalamat.

Eisen's POV

Nagising ako na may humahawi sa buhok ko. Agad kong tiningnan kung sino ang gumagawa nun. Walang iba kundi ang panganay na si Jethro. Hindi ko alam pero natuwa ako nang makita ko siyang muli. Dahil siguro naligtas ako mula sa kapahamakan kaya ko nararamdaman ito. Ay ewan basta masaya ako.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon