I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Sino ba naman ang mag-aakalang na kay Jules ang nawawala kong ID noong nasa grade school pa lang ako. Napaisip ako nang mabuti kung papaano ko nawala ito. Katakot takot pa naman na sermon ang inabot ko kay mama nang malaman niyang naiwala ko ang ID ko.
"Papano nga pa lang napunta sayo ito?" tanong ko kay Jules at nagbuntong hininga siya bago magsalita.
"Hmm...Nagsimula yun noong nasa grade school pa lang din ako. 1 year pa lang ang nakakalipas since na mag move ako sa Pilipinas from the States. Malaking adjustment ang ginawa ko para makihalubilo sa mga classmates ko noon. Pero ang hirap madalas pa rin akong nabubully sa school kasi nga ang taba taba ko" natigil siya sa pagkwento at biglang natawa. Siguro kung makikita lang ng mga taong nambully sa kanya dati ang hitsura ngayon. Aba malamang sa Alamang mapapanganga na lang sa kagwapuhan ni Jules.
"Kasama ko si Dad noon, sa may QC pa kami nag-iistay nun dahil madalas ang mga business meeting niya sa Metro Manila. Kasama niya ako nang pumunta siya sa isa niyang friend na isang Baranggay Chairman. Naiinip ako dahil walang masyadong special sa lugar at nakakabagot ang palabas sa tv." Huminto siya nagpakwento at tumingin sa akin sabay ngumiti ng pilyo.
"Inutusan ako ni dad na mag antay na lang sa loob ng kotse habang naglalaro ng gameboy. Pero hindi yun ang ginawa ko, ang ginawa ko ay tinakasan ko ang mga body guard ko. Nakasuot pa ako ng uniform ko noon at saktong malapit sa school ang bahay ng Barangay Chairman kaya nakihalubilo ako sa mga estudyante para hindi ako makita ng mga body guards ko" natawa siya sa sarili niyang kalokohan pero ako ay nanatili lang na nakikinig sa kanya.
"Pagkatapos ay tumingin ako sa paligid, andaming paninda sa labas ng school lalo na yung mga laruan. And I was surprised na makakita ng mga original na booster packs ng Yu-gi-oh!" napahawak ako sa binti niya nang mabanggit niya ang Yu gi oh.
"Wait, naglalaro ka rin pala nun?" mabilis kong tanong.
"Yep" maiksi niyang tugon.
"Meron akong collection ng mga Harpie Ladies at Amazonas dati kaso tinigil ko na ang pagbili ng mga yun kasi sabi ni mama nasasayang lang ang pera ko dun. At kung hindi ko titigilan ay baka daw ilaga niya yun at ipainom lahat sa akin" natawa naman siya sa kwento ko.
"Pero I still have my cards, we can play anytime basta sabihan mo ako!" sabay hawak niya sa kamay ko na nakapatong pa rin pala sa hita niya kaya bigla kong binawi, nakakahiya.
"Ahhh.. ganun ba eh ano pala ang deck mo?" seryoso kong tanong.