Chapter 16: Driving me crazy

27.1K 679 83
                                        


Lharby as Josh

------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

------------------------------------------------------

LWMSB 16

Eisen's POV

Nasa pagitan ako ngayon ng dalawang nag-gwagwapuhang lalaki. Sa kaliwang kamay ko ay nakahawak si Josh at sa kanang kamay ko naman ay nakahawak si Jules. Sa bawat segundong tumatagal ay nararamdaman ko ang sakit ng paghawak nila sa akin. Dala na siguro ng inis sa isa't isa at panggigil. Nakiusap ako sa kanila na bitawan nila ako ngunit ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo at ayaw bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

"NASASAKTAN NA AKO, BITAWAN NINYO AKO!" pasigaw kong sabi. Saka lamang sila natauhan sa kanilang ginagawa. Ramdam ko ang kirot sa aking mga kamay pero ininda ko yun at dali-daling akong pumasok sa sasakyan ni Jules at kunin ang bag ko pamasok sa school. Hindi pa rin natigil ang bangayan nila at sisihan sa bawat isa. Parang hindi magkapatid ang turing nila sa isa't isa na mas lalo kung ikinainis. Kaya naman naisipan kong tumakbo palayo sa kanila dahil sa pagkakataong yun gusto ko munang mapag-isa. Hindi rin nagtagal at napansin nila ang pagtakbo ko kaya hinabol ako ng pagsigaw ni Josh.

"Bab-Eisen.... San ka pupunta?" naputol ang pagtawag niya ng Babe dahil siguro andyan si Jules kaya hindi niya tinuloy ang pagbanggit. Lalo akong nainis dun, pero ayoko rin naman na malaman agad nila na kami na ni Josh. Kaya sa di ko malamang dahilan ay naiinis pa rin ako kung bakit hindi niya tinuloy ang pagbanggit. Ang pagtakbo ko ay nauwi sa paglalakad ng mabilis. Hindi pa ata ako handang tumakbo takbo dahil ilang araw din akong halos nakahiga lang sa kama dahil sa aksidenteng nangyari sa akin. Sumisigaw silang dalawa habang hinahabol ako at kapwa na kami hinihingal kakatakbo. Ilang sandali pa ay may nagpapatakbo ng motor sa gilid ko at bumunusina para kunin ang atensyon ko. Bigla na lang huminto ito sa harap ko. Lalaki ang nagmamaneho nito pero hindi ko lubos na makilala kung sino dahil may suot itong helmet. Inangat nya ang windshield ng helmet at saka ko lang nakikilala. Si Bjorn, ang bago kong kaklase sa pinapasukan kong university.

"Uy kamusta? Mukhang magaling kana at nakakapag jogging kana ngayon" nakangiti niyang bati.

"Hindi ako nagjajogging noh. May tinataka-san ak-o" hingal kong sambit. Kumuha ako ng panyo sa aking bulsa sabay punas sa aking pawis.

"Sino at bakit?" daming tanong ng mokong na to. Hindi ko muna siya nagawang sagutin dahil hinihingal ako. Napalingon ako nang biglang tinawag ni Jules ang pangalan ko. Yari, maabutan na nila ako kailangan ko nang makaalis dito dahil ayoko muna silang makausap. Dahil malamang mag-aaway at mag-aaway pa rin sila. Kaya agad akong umangkas sa likod ni Bjorn kahit walang pahintulot niya na alam ko namang kinagulat niya.

"Itakbo mo na daliii!" pagpilit ko sa kanya na agad naman niyang pinatakbo halos maabutan na kami ni Jules nun. Si Josh ewan ko sa kanya bahala siya, una naiinis ako sa kanya dahil hindi man niya lang ako nagawang pagkatiwalaan tapos ngayon hinayaan na lang niya akong mag-isa. Wag na wag niya akong matawag tawag na Babe baka mapukol ko siya nang wala sa oras. Medyo nakalayo na kami sa kinaroroonan namin kanina nang biglang hininto ni Bjorn ang motor niya at pinara sa gilid ng kalsada.

Living with my Step Brothers (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon