Lharby as Josh
Eisen's POV
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa alarm tone ng aking cellphone. Kaagad kong pinindot ang snooze para makaidlip pa ako ng kahit limang minuto. Halos kakapikit ko pa lang nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. Ayoko pa sanang sagutin ito ngunit ilang beses itong tumutunog kaya naman nang makita kong si mama pala ang tumatawag ay kaagad ko itong sinagot.
"Hello Maaaa?" Pahikab na pagbati ko sa kaniya.
"How was your first day? Have you met your step brothers?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Okay naman ma and yes nameet ko na sila at hindi mo man lang sinabi na lima silang magkakapatid. Akala ko pa naman dadalawa lang sila" Reklamo ko habang kinukusot ang aking mata.
"Pagpasensyahan mo na si mama dahil masyadong occupied ang isipan ko ngayon kahit kakatapos lang namin maghoneymoon ay andami agad naming pinuntahang business meetings" Tugon niya at halata sa kaniyang pananalita ang labis na pagod dahil matamlay ito kung sumagot.
"Kamusta naman kayo? Kailan kayo uuwi?" Tanong ko dahil kinakailangan ko talaga siya dito sa mansion, dahil pakiramdam ko ay hindi ako magtatagal kapag hindi ko siya kasama.
"Maybe next month uuwi na kami ng pinas" Tugon niya at tila may kumakausap sa kaniya dahil may naririnig akong mga boses.
"Next month pa antagal naman?" Reklamo ko.
"Why? Namimiss mo na ba ako?" Tugon niya na may halong paglalambing sa kaniyang boses.
"Hindi naman, lagi ka naman wala sa bahay kaya sanay na ako. Ang akin lang ay medyo naa-out of place ako dito sa mansion, feeling ko hindi ako belong" Malumanay kong sagot dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko.
"Don't say that! Part of the family ka na. Darating din ang panahon at makakapalagayan mo nang loob ang mga step brothers mo at saka napag-usapan na namin ni Barry na aasikasuhin niya ang mga papers mo para maging ganap ka nang Wells" Mahinahon niyang sagot at muli kong narinig ang mga boses na kumakausap sa kaniya.
Ano, aampunin na nila ako? Papano kami magkakatuluyan ni Josh kung magiging ganap na akong Wells?
"Ehh Ma ayoko. Okay na sa akin ang apelyido na iniwan ni papa at saka mahal ko si papa kaya ayokong baguhin ang apelyido ko" Hindi lang sa kalandian ang dahilan kung bakit ayokong magpalit ng apelyido dahil din sa ayokong baguhin ang apelyidong ipinamana sa akin ni papa.
"No! Kailangan maging isang ganap ka na na Wells. Paano ka na lang mabibigyan ng pamana niyan kung hindi mo dala ang apelyido ni Barry?" Naiinis niyang sabi.
"Huh? Bakit mana agad ang iniisip niyo? Hindi niyo ba mahal si Tito Barry? Don't tell me pinakasalan niyo lang siya dahil sa pera niya?" Pangungulit ko.
"Daddy! Yan ang itatawag mo kay Barry...pag-uusapan natin sa susunod" Nais ko pa sana siyang tanungin kaso mabilis niyang pinutol ang tawag.
Hindi ko lubos maisip na magagawa ni mama 'yon. Kung totoo man ang hinala ko ay bakit niya kailangang manloko ng tao para magkapera. Hindi naman nagkukulang ang kinikita niya sa kompanyang pinapasukan niya dati. Akala ko nakamove-on na siya sa pagkamatay ni papa kaya naisipan niyang magpakasal sa iba at sino ba ako para pigilang sumaya si mama? Syempre gusto ko rin na maging happy siya dahil sa lahat ng sakripisyo niya para mapalaki at mapag-aral ako. Habang ako ay nagmumuni-muni ay bigla na lang akong nakarinig ng pagkatok mula sa aking pintuan.
"Eisen, gising ka na ba?" Boses ni Josh mula sa kabilang bahagi ng pinto.
Yes, babe gising na ako, kiss mo ako dali!
Pero syempre sa isipan ko lang 'yon at baka masuntok ako nito nang maaga.
"Yes, kanina pa" Mahinhin kong sagot.
"Good, Inaantay ka ni Jules sa dining hall. Isasabay ka na raw niya pagpasok" Malambing na sagot ni Josh.
Haay, kung ganitong boses maririnig ko tuwing umaga ay napakasarap talagang gumising.
"Ah sige, maliligo lang ako saglit at magbibihis" Dali-dali akong tumayo at kumuha ng damit sa cabinet na maisusuot ko sa aking pagpasok.
"Copy!" Pasigaw niyang sabi at umalis na rin.
Saka ko tinungo ang bathroom para makaligo nang mabilisan. Kuskos, hilod, sabon, shampoo at banlaw. Tapos madaliang tooth brush at lumabas ng bathroom para magbihis nang biglang bumukas ang pinto.
"Ohh shit" Napasigaw ako at sa gulat ko nabitawan ko ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko. Tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan at dali-dali kong pinulot ang tuwalya para makapagtakip.
"Oohh nice butt" Nagawa niya pang magkomento imbes na humingi ng tawad sa bigla niyang pagpasok sa aking kwarto.
"Ano?" Gulat kong sabi.
"No I mean.. I'm sorry okay, nasanay kasi akong hindi occupied ang room na 'to kaya hindi ako kumatok" Sabi ni James na nakangisi pa rin. Ewan ko ba kung sincere talaga ang paghingi niya ng tawad.
"So anong ginagawa mo dito sa room ko?" Naiilang kong tanong.
"Ahhh. Right! Pinaparemind ni Jules na aalis na raw kayo in 10 minutes"
Ngayon ko lang napansin na nakaboxer short lang siya at sa bandang pusod niya ay nakasuksok doon ang kaniyang PS Vita. Napansin niyang napatingin ako sa bahaging ibaba niya kaya napangiti siya at nagsalita.
"Gusto mo bang hawakan?" Tanong niya at nakangisi pa rin ito.
"Excuse me?" Tugon ko na para bang ayaw talaga.
"I mean gusto mo bang hiramin yung PS Vita ko? I have a spare unit na pwede mong hiramin" Sagot niya habang nakatingin sa PS Vita niyang nakasuksok sa kaniyang boxer shorts.
"Ah no thanks. Nagtaka lang ako at saka hindi ako marunong maglaro sa PS Vita, nakikinood lang ako sa mga classmates kong naglalaro sa school" Pagdepensa ko habang hinihigpitan ang tuwalyang pinulupot ko sa aking baywang.
"I can teach you" dugtong niya na mabilis kong tinanggihan.
"Si-siguro next time na lang, kailangan ko na rin magbihis dahil nag-aantay na sakin si Jules" Mabilis kong sagot dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan na 'to. Kinakailangan kong pigilan ang aking sarili hanggang kaya ko pa.
"Oh sure.. Whenever you need me, you can go straight to my room. You don't have to knock on my door, just come inside dahil nakita mo na rin naman lahat ng sa'kin at nakita ko na rin 'yong sa'yo kaya patas na tayo" Kumindat siya at tumalikod palabas ng kwarto at sinara ang pinto.
Nilalandi niya ba ako o inaakit?
First time kong maranasan ang ganitong eksena at hindi pa ako nakitaan ng ibang tao na hubo't hubad maliban kay mama. Ang malas ko pa ay nakalimutan kong ilock ang pinto ko kagabi. Paano na lang kung gahasain ako ng magkakapatid? Ano na lang magiging laban ko? Pero okay lang naman sa'kin basta si Josh ang mauuna at bahala na ang ibang sumunod. Biro lang! At saka ayoko no, baka kung si Jethro pa ang gumahasa sa akin ay baka pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan ay agad-agad niya akong patayin at itapon sa dagat. No way!
Tinigil ko na ang paglulucid dreams at nagbihis na ako ng damit. Suot ko ngayon ang black skinny jeans at plain shirt na pinatungan ko ng pink na polo. Tapos nagsuot ako ng white airmax na sapatos para makompleto ang OOTD ko. Nang matapos akong mag-ayos ay sunod ko namang tinungo ang dining hall kung saan nag-aantay sa akin si Jules. Pagkarating ko roon ay agad kong napansin si Jethro na nagbabasa ng dyaryo. Nakasuot siya ng white na long sleeve at pinaresan ng dark blue na slacks, pati iyong coat niya ay dark blue rin na nakasabit sa sandalan ng upuan. Maganda tingnan sa kaniya ang kaniyang suot dahil gawa ito sa silk na ang tingkad tingnan. Mas napapaangat nito ang taglay niyang kagwapuhan. Kahit na isa siyang abogado ay hindi niya parin nakakalimutang maging stylish sa pananamit.
Naglakad na ako palapit sa mesa nang mapansin ako ni Jethro na nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang nagtaas ng kilay habang nakatitig sa akin. Ilang sandali lang at binalik niya rin ang kaniyang paningin sa kaniyang binabasa. Hindi ko mapigilang mapakunot noo dahil sa maagang pagsusungit nito. Uupo na sana ako para kumain sa masarap na hinain ni Josh pero pinigilan ako ni Jules na ngayo'y nakasandal sa pinto.
"Come on Eisen. We don't have much time for that. Dumaan na lang tayo sa drive-thru at sa kotse ka na lang mag breakfast" Pagmamadali sakin ni Jules at agad naman akong tumayo.
"Seriously Jules papakainin mo siya sa fast food? That's so unhealthy! Give him at least 5 minutes to eat" Naiiritang sabi ni Josh, syempre sayang naman 'yong breakfast na hinain niya tapos hindi naman pala kakainin.
"No we're leaving!" At agad niya akong hinila palabas ng dining hall. Rinig na rinig ang pagsigaw ni Josh dahil sa ginawang paghila sa akin ni Jules palabas ng dining hall.
Sorry Josh, next time kakainin ko lahat ng ihahain mo pati 'yang sa'yo ay kakainin ko rin.
Just kidding! Ano ba ang aga-aga. Kasalanan 'to ni James eh. Ang aga-aga akong nilandi. Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami ni Jules sa parking area kung saan nakapark ang iba't ibang uri ng magagarang sasakyan. Gaano kaya kayaman ang Wells family para maafford ang lahat ng 'to? May nadaanan akong unit na black na Maserati. OMG! Meron din silang Ferrari at iba't ibang brand ng sasakyan. Pero agaw pansin sa'kin ang kulay dilaw na Lamborghini na kung saan nakasakay si Jules. Sobrang gwapo at hot niya sa suot niyang nike shirt na black at kulay blue na fitted-ripped jeans. Nakasuot din siya ng varsity jacket na pinaresan niya ng maganda shades na lalong nagpalakas ng kaniyang sex appeal. Hindi ko mapigilang mapakagat ng labi dahil sa aking nakikita. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ako sa pinto ng kotse habang nakatitig pa rin sa kaniya.
"Why are you biting your lip, sobrang hot ko ba?" Hindi pa ako nakakasagot nang bigla siyang ngumiti na nagpaangat sa kaniyang kagwapuhan na naging dahilan para mamula ang aking pisngi.
"Ahh-ehh... natatakam na kasi ako.. I mean nagugutom na ako. Ang sarap kasi ng hinain ni Josh kaso hindi ko man lang natikman" Ang obvious ng kabaklaan ko.
"Mas masarap ako dun, wanna try?" Nakangiti niyang sambit. Pakiramdam ko ay biglang nangatog ang aking mga tuhod dahil sa kaniyang sinabi.
"Just kidding.. ginigising lang kita dahil mukhang inaantok ka pa oh" Sabay hawak sa buhok at ginugulo. Hindi ako nakapagsalita kaya napilitan na lang akong ngumiti dahil sobrang awkward ng sitwasyon.
"Have a seat nang makaalis na tayo" Agad naman akong pumasok at nagsuot ng seat belt pagkaupo ko.
"Saan mo nga pala gustong mag drive thru?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya palabas ng gate na agad namang binuksan ng guwardiya nang makita kaming palabas.
"Kahit saan basta malapit lang para makarating din agad tayo ng school" Nahihiya kong tugon.
Nang makarating kami sa kalsada ay binuksan niya ang roof ng sasakyan. Ang sarap sa pakiramdam ng preskong hangin habang bumibyahe. Di kagaya sa manila na paglabas pa lang ng bahay ay polusyon na agad ang maamoy mo. Isama mo pa ang amoy isang linggo pang hindi naliligo na pedicab driver, kaya sa byahe pa lang haggard kana.
"Napansin ko kasi na medyo basa pa iyong buhok mo kanina kaya binuksan ko para matuyo" Sabay himas niya sa batok ko. Siya yung version ni Josh na cool at happy-go-lucky. Kaya hindi na ako magtatakang maraming nagkakagusto rito bukod sa gwapo ay napakabait pa. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil kahit papano ay may mga tao sa mansion na pakiramdam ko ay tanggap ang pagdating ko sa kanilang buhay.
Patuloy ang pagtakabo ng sasakayan at habang binabaybay namin ang daan ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha kapag nakikita ko ang dagat na para bang palagi akong inaayang maligo o kaya mamangka.
"Gusto mo sa weekend magswimming tayo sa dagat?" Tanong niya sa'kin habang nakangiti pero pabalik-balik pa rin ang tingin niya sa daan dahil nagmamaneho siya.
"Sure, sobrang gusto ko nang maligo. Kung wala lang akong pasok ngayon ay tiyak naliligo na ako sa dagat" Masaya kong tugon. Sino ba naman kasi ang may ayaw sa dagat na sobrang nakakawala ng stress lalo na kapag nasilayan mo ang paglubog ng araw.
"So it's a date then?" Nagulat ako nang banggitin niya 'yon kaya naman mabilis akong napalingon sa kaniya.
"Ha? Hindi mo lang ba isasama mga kapatid mo?" Syempre kinilig na ako sa word na 'date' pero hindi ko lang pinapahalata.
"Nope, it's a private beach resort and it belongs to us. They can come if they want to pero much better na tayong dalawa lang para mas makilala pa kita at maging close pa tayo" Sagot niya na nagbigay pa ng isang kindat.
"O-kay" Naiilang ko na tugon at sabay iwas ng tingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
RomanceI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...