Tony as Jean
------------------------------------------------------
LWMSB 20
Jean's POV
December 2015
Kakatapos lang ng aming mini concert sa isang bar dito sa Timog. Nakakapagod, dahil hindi ako sanay mag-entertain ng napakaraming fans. In-fact hindi ako fan ng mga crowded areas na punong puno ng mga tao. It makes me feel suffocated. Hindi ko lang pinapahalata. All I wanna do is perform my song and I'm done. That's what I want it to be, but I have to say Hi and Hello to my fans. Because, without them we may not be able to have this kind of event. I'm still thankful and exhausted at the same time. Kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Josh pero walang sumasagot. I decided to go outside para magpahangin habang nagce-celebrate ang mga bandmates ko sa loob. I tried calling him again, but this time naririnig ko ang cellphone niya na nagri-ring somewhere.
Naglakad ako papalapit sa isang poste at dun ko napulot ang cellphone ni Josh. Nagtaka ako kung bakit niya naiwan ang cellphone niya dito. Saka lang ako kinutuban na baka may nangyaring masama sa kanya. Naglakad ako sa paligid para tawagin siya, pero walang sumasagot at hindi ko pa rin siya nakikita. Sa paglalakad ko ay may napansin akong card board na mula pa ata sa isa sa mga fans ko. Puno ito ng mga pictures ko, most them ay hindi ko alam na nag eexist. Ang ganda ng pagkakadetalye niya sa mga pictures ko. Simula noong nagcover ako ng first ever na music ko sa youtube hanggang sa mga pictures ko sa instagram at mga interviews sa television.
Pag-atras ko ay may naapakan akong maliit na libro. Pinulot ko ito at saka tiningnan ang laman. It's just like a diary, the difference is madaming pictures ko ang content neto. Ang nakalagay sa cover page ay Fun Facts about Jean. Na-curious tuloy akong basahin ang content ng maliit na libro. Na-amaze ako sa dami niyang alam tungkol sa akin. Pwede na siyang i-hire sa FBI sa way niya ng pag-iimbestiga. May mga bagay na unaware ako na ginagawa ko pala madalas. Tulad ng nakalagay sa book, madalas ko daw kamutin ang ilong ko tuwing nahihiya ako. Tuwing na iistress ako sa mga pasaway na fans ay mina-massage ko ang brows ko instead of my forehead. Sobra akong naaliw sa mga content nito at nakalimutan ko na kung ano ba talaga ang pakay ko.
May bumusina sa akin kaya napatigil ako ng pagbabasa. Hindi ko maaninag kung sino dahil sa headlights ng sasakyan. Noong tinigil niya ang makina ng sasakyan ay saka ko naaninag kung sino ang may ari nito. Si Jon ang bestfriend ni Josh.
"Hey, how's the concert bro?" he hugged me.
"Successful, I guess?" I repond.
"So popular yet so humble. I like that!" he laughed. And I laughed too.
"Anyway where's Josh? Nagpapasundo siya sa akin. Mukhang naparami ata ang nainom." That was the moment na naalala ko na hinahanap ko nga rin pala si Josh.
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
RomanceI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...