Part 1: Linta

1.2K 47 19
                                    

*one text message*

Galing ito sa pinakamamahal kong boyfriend, si Archie.

From: Archie

Good morning babe. Kain ka na okay? Wag magpapagutom.

Napangiti ako sa simpleng text na yon. Pagkagising ba naman ay yun ang mababasa ko diba? Wahhhhhh!! Kahit na 8 months na kami ay kilig na kilig parin ang bawat sulok at parte ng katawan ko sa kanya.

I replied.

To: Archie

Good morning din. Kain ka na din. :*

Bumaling ako sa orasan. Ohh seriously? 6 am palang. Ang aga naman nyang nagising.

From: Archie

Tapos na ko babe.

At tapos na sya huh? So ibig sabihin kanina pa sya gising?

To: Archie

Aga mo ata? May lakad? :)

Matagal bago sya nagreply. Mga 20 minutes.

From: Archie

Yes babe. With friends. Text you later.

Yun lang ang sinabi nya. Nireplyan ko agad sya ng 'I love you' pero di sya nagreply. Baka naman busy lang.

--

Nagbihis na ko para mag-mall. Trip ko magshopping ngayon eh.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Archie kasama ang dalawa nyang kabarkada. So he didnt lie to me. Natuwa ako dun. Kaso..

"Hi baby"

May lumapit na pusanggalang babae sa boyfriend ko at biglang kumapit sa braso nya. Halos manginig ang buong katawa ko sa nakita.

At lalong mas nagulat ako sa sunod kong nakita. Ang walangya namang lalaki na to eh hinawakan ang bewang ng lumilinta sa kanya't hinalikan ito sa lips.

Nilapitan ko sila at bago pa ko tuluyang makalapit, eh napalingon ang isang kaibigan ni Archie. Nanlaki ang mata nya at inirapan ko lang sya. Bigla nyang tinapik tapik ang balikat ni Archie habang nakatulala parin sakin. Lumingon si Archie nang nakangiti dahil sa panlalandi ng linta sa kanya.

Nilapitan ko sila at pinaghahahampas ko ang buong katawan ni Archie gamit ang buong lakas ko. Pinipigilan nya ko pero di ako nagpapaawat.

"PUNYEMAS KA ANG LAKAS NG LOOB MO!" sigaw ko sakanya habang patuloy na hinahampas ang dibdib nya. Bumaling ako sa babaeng nakapulupot parin ang braso sa braso ni Archie. "AT IKAW! DI KA NA NAHIYA! KITANG MAY GIRLFRIEND ANG TAO TAPOS LALANDI LANDIIN MO!!"

Muntik ko nang masabunatan ang babae pero inawat ako ng mga kabarkada ni Archie. Lalo lang akong nainis.

"KAYO NAMAN! MGA WALANG KWENTA DIN KAYO! KINOKONSINTE NIYO PA ANG KAIBIGAN NYO KAHIT ALAM NYONG MAY GIRLFRIEND SYA!" Pinagsasasapak ko din ang dalawa.

"Deb wag ka naman magiskandalo dito."

Malumanay na sabi ni Archie at hinawakan ang kamay ko. Winasiwas ko ang kamay ko para matanggal ang kamay nya sakin.

Ay aba lalo lang sumiklab ang knina pang sumisiklab na apoy sa kaibuturan ng pagkatao ko. (Ang lalim) Kapal ng mukha ng isang to! Yan lang ang sasabihin niya?! Pagkatapos ko syang mahuling may kasamang linta, yun lang sasabihin nya?! Ni hindi nya binitawan ang linta, ni hindi sya nagsorry sakin.. Hah! Kung sa bagay. Ba't ko pa aasahang magsosorry sya? Wala syang puso! Hayop sya! Walang hiya!

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon