Part 21: So mysterious

476 17 5
                                    

"Botong boto kami sayo, para sa anak namin hija" Ani Tito Leo sakin.

"Kaya kung pwede, pag nagpropose si Matthew sayo, Deb, umo-o ka kaagad. Di na kami makapaghintay na maging parte ka ng pamilya namin." Tuwang tuwang sabi ni Tita Lea habang hawak ang kamay ko.

Speechless ako.

Bigla akong hinatak ni Matthew nang makitang kausap ko ang mga magulang niya at kinaladkad ako papuntang kwarto niya.

"Anong pinagsasasabi nila mommy sayo?!" Tanong niyang may halo halong emosyon na di ko maintindihan kung galit o nagpapanic.

"H-Huh? Ah eh.. Wala naman.. Pag nag--" Di na niya ko pinagsalita pa. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang daliri niya.

Pagtanggal niya ng daliri niya, di parin ako nagsasalita.

Unti-unti, lumalapit ang mukha niya sa mukha ko at titig na titig siya sa perfect kissable lips ko.

Dahan dahan niyang nilalapit ang sarili..

*BZZZZZZZZZZZZZZT*

Bigla akong napabangon sa higaan. Panaginip lang pala. Azar. Handa na sana ako eh.

*BZZZZZZZZZZZZZZT*

Nagvibrate uli ang phone ko. Pag mahabang vibration, call. Pag dalawang maiksing vibration, text lang.

"Hello?" Sinagot ko ang tawag nang may halong inis.

Bitin kasi panaginip ko!

"You okay?" Tanong nung nasa kabilang linya. Si Matthew pala. Hayyyy. Okay lang, mangyayari din sa real life yung panaginip na yun, pustahan buhay! LOL

"Yeah" Sabi ko.

Di ko pinapahalata sa boses ko ang pag panic ko kasi totoo, nagpapanic ako kasi kausap ko ang muntik ko nang makahalikan sa panaginip kanina.

"Aright. Punta ka samin ngayon" He said then hung up.

Wtf?!! Parang utus utusan nalang ako ah?!

Ano pa bang magagawa ko diba? Kaya ayun, naligo ako, nagbihis, kumain at pumunta sa kanila. Dinala ko ang kotse ko, ibinalik na din to ni Cali kagabi. Eto nalang gagamitin ko as 'service' niya kesa sa kotse niya. Tsaka mas sanay kasi ako dito.

Pagdating ko sa kanila, may dalawang guards at maid na naghihintay sakin sa labas ng bahay nila.. Or better called, mansion. Pinagbuksan nila ko ng gate tapos ipinasok ko na ang kotse ko sa mansion nila. Binuksan pa ng maid nila ang pinto ng kotse ko pagkahinto ko nito. Wow heart warming.

Pagpasok ko sa loob, andun si Tito Leo sa sala, nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning tito" I greeted.

Tumayo siya tapos nakipagbeso sakin.

"Looking for my son?" Tanong niya with a wide smile.

"Uh, opo. Pinapunta niya po kasi ako."

"I see.. He's upstairs. Puntahan mo nalang sa kwarto niya. May malaking 'NEVER DISTURB' na karatula sa labas ng room niya." Ani Tito Leo habang tinuturo ang hagdan.

"Okay po" Sabi ko sabay bow.

Umakyat na ko at nakita ko nga ang isang room na pink ang pinto at may NEVER DISTURB na nakalagay.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon