"Omg Deboraaaaah!"
Nagsilapitan sakin sina Aust, Cali, Drew and Cape. Kaming lima ang Super Five. That's how we called our group. Childhood friends ko din sila kaya talagang magkasundo kaming lima.. Especially when it comes to parties. At masaya ako dahil after 2 years, malaya na din akong makakapag-party. After all, kahit nasaktan ako sa nangyari samin ni Archie, masaya parin ako dahil balik sa dati na ako. Pero di ibig sabihin nun di na ko magpapakabitter! No. Way. Bitter kung bitter. Eh wala eh. Niloko ako.
Niyakap ko sila isa-isa.
"I missed you babies!" Sigaw ko sa kanila.
Nasa Laser Tavern kami ngayon. Ito ang pinakamalaking club sa metro.
"Grabe! You're.. Omg I can't believe Debbie! You're you again!"
Halos maluha naman itong si Australia. Sya ang pinakamadrama at emotional saming magbabarkada. Si California ang palaban at matapang. Si Drew ang typical chicboy. Si Cape naman ang seryoso pero palabiro din. Ako naman yung short tempered, moody pero masiyahin din naman. Iba iba kami pero perfect na perfect ang ugali namin as one. Lagi kaming nagkakasundo.
"We really missed you! Akala namin iiwan mo na ang party life para sa mga lalaki mo. Laking pasalamat ko nalang at namingwit ng hipon si Luke at nagrent ng clown si Archie kaya naman, tadaaa! Welcome back to your real world Deborah!" Masiglang sabi ni Drew. Damn this boy! Pinagpasalamat pa ang panloloko ng mga walangya kong ex sakin. Hahaha.
"Tss! Baliw ka Drew! Palibhasa ikaw dyan ang nagloloko kaya di mo alam ang feeling na maloko!" Tumawa ako pagsabi nito.
"Hoy anong hindi! Baka di mo kilala si Maria Sofia Gozon. Hahahahahaha!" Singit ni Cali sabay hila sakin papuntang sofa.
"Daldal mo California!" Sigaw ni Drew.
Nagtawanan kaming lahat. Sobra kong namiss ang mga kaibigan ko. I never thought I abandoned them just for the biggest mistakes in my life. I felt guilty. But at least I learned.
Nakaupo na kami sa itim na sofa, malambot ito. May pulang designs ito sa gilid. So classy. I missed this place.
"Aba ikaw Drew! Wala ka namang nabanggit! Sino yung Maria Sofia na yun? Bagong biktima? O ikaw ang nabiktima?" Sabi ko. At humalakhak kaming lahat.
"Tse! Tagal mo kasing nawala eh. Kaya sorry, pero tinatamad akong magstorytelling ngayon." Ani Drew.
"Ohhh!!! Change topic nalang!" Pamputol ni Cape sa topic bout sa lovelife ni Drew. "Since kababalik mo lang sa mundo, Deborah. May challenge AKO sayo! Ako ha! Di sila damay. Pwede mo kong sisihin pag may nangyaring masama afterwards.. O pwede mo din akong pasalamatan." Ngumisi si Cape.
Shit! Ano nanaman kaya ang trip ng isang to? Sya pa naman pinakamalakas mantrip dito. Leche.
"Game! Ano ba yang pakulo mo?" Hamon ko.
"Sali kami Cape! Daya mo!" Pag-aalburoto ni Aust.
"Dare or drink! Sige na lahat kasali!" Sabi ni Cape sabay tawa.
Dare or drink. Shit.
"Okay! Go!! Ako na mauuna!" Lakas ng loob talaga nitong si California.
"Dapat si Deborah una e! Pero since nagvolunteer ka, sige ikaw na." Sabi ni Cape.
"Ako magdadare!" Sabi ni Drew.
Napalunok si Cali, "Tangna Drew ayusin mo yan! Lahat na wag mo lng ako paghubarin!" Tumawa kaming lahat.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?