Part 31: Flying

379 12 3
                                    

Gumising akong masaya dahil sa nangyari tatlong araw na ang nakakaraan.. yun ay ang monthsary namin ni Matt.

Susurpresahin ko siya at pupunta ako sa kanila ngayon. Nagtimpla ako ng calamnsi juice with love :D

"hmm~ hmm~" Pag hum ko habang nagddrive papunta sa kanila.

Sa labas ko nalang pinarada ang kotse ko para di na buksan ang gate at ipasok pa ang kotse ko.

Pinagbuksan ako ng kasambahay nila.

"Tawagin ko po si Sir Matthew?" Tanong niya.

"No.. Di na. Susurpresahin ko siya." I smiled at her.

Paakyat ako sa hagdan at tila ba bawat hakbang ko ay napakabigat para sakin at sumisikip ang dibdib ko. Bat ganun? Dahil papunta ako sa kwarto ng isang mahanging lalaki? Hahaha. Nako.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla akong may narinig na pamilyar ba tinig.

"Di ko akalaing magtatagumpay ka sa plano mo insan." It was Finn.

Plano? Anong plano? Yung surpresahin ako nung monthsary namin? Aba pinagplanuhan talaga? Hahaha.

"Ako nga din eh. Akala ko di ko na talaga makukuha si Deb." Sagot ni Matt.

Teka, ano daw? Bakit naman di niya ko makukuha? Ano ba yung planong tinutukoy ni Finn?

"Pero insan walang sikretong hindi nabubunyag. Pano pag nalaman niya na ikaw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Luke at Archie?"

Si Matt ang dahilan ng pagbebreak namin nila Luke at Archie?! Huh. Pano yun nangyari? A-Anong ginawa ni Matt?

"Matagal na yun Finn. It doesn't matter to her anymore. She loves me kaya di niya ko iiwan."

Umalingawngaw sa tenga ko ang mga linyang iyon ni Matt. Mahal ko siya kaya di ko siya iiwan? Bakit ko naman siya iiwan? Ano ba talaga ang nangyayari? And what is the thing that doesn't matter to me anymore? Di ko alam. Ang gulo nila.

Finn laughed, "Hay nako. Basta pag nalaman nya na na inofferan mo sina Luke at Archie para lang makipaghiwalay sa kanya, videohan mo ung magaganap na sampalan ha?"

At tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. So, inofferan niya sina Luke at Archie para makipaghiwalay sakin? Bakit naman yun gagawin ni Matt? Para lang mapunta ako sa kanya? Pero kung mahal niya ko di niya gagawin yun kasi di niya maaatim na makita akong nasasaktan diba? I was so damn hurt, twice! At lahat pala ng yun ay dahil lang sa isang desperadong lalaki? Because of My Desperate Boyfriend?Ang dahilan ng mga ngiti ko ngayon ay siya palang may pakana ng lahat ng luha at sakit na nadama ko noon? Puta. Ang sakit. Bakit pa niya kailangang gawin yun? Kung gusto niya kong makuha edi sana inagaw niya nalang ako at hindi na gumawa ng mga palihim pang transaksyon kila Luke at Archie. Paano pa ko magiging masaya kay Matt gayong sinaktan niya ko? Ano nalang ang gagawin ko?

I heard him laugh as well..

At nakukuha pa niyang tumawa? Anong nakakatawa? Na nakuha niya ko? Na nagtagumpay ang plano niya?

"Gago di un mangyayari! Di niya ko hihiwalayan kasi nga mahal na niya ko. Nagtagumpay ako oh. Ako ang nasa tabi niya ngayon. Ang tagal ko din tong hinintay."

Ang tagal niyang hinintay.. Itong pagkakataong bumigay ako sa kanya at ipakita pati kila Luke at Archie na magtatagumpay siya na mapasakanya ako. Naaawa ako kila Luke at Archie. Di lang ako ang nasaktan dito, malamang pati sila.

Tumakbo na ko palabas ng bahay nila. Di ko nalang pinansin ang mga kasambahay na sinusundan ako ng tingin habang ako naman ay nanlalabo na ang mga mata dahil sa mga luha na naiipon dito. Ang sakit sakit eh. Ang laki ng tiwala ko sa kanya na di niya ko sasaktan di gaya ng ginawa nila Luke at Archie. Pero siya pala ang may pakana ng lahat. Walang kasalanan si Luke, si Archie.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon