Special Part: Matthew's POV

487 19 7
                                    

AN: Alam ko pong hinihintay niyo itong part na to. So eto na po ang POV ni Matt. Kaso medyo pambitin lang to at para lalo kayong maguluhan at magtaka. Sa next na special chap na POV ulit ni Matt, mas matindi ang mga pasabog dun kaya hintayin niyo lang po.

Anyway, enjoy this part! Vote and keep on commenting please. Thank you pooo =))

*

"Eto nalang bilhin mo sakin babe" Sabi ni Jelin sakin habang pinapakita ang isang damit at nakita kong P3,289 ang presyo nito. Barya lang naman sakin yun. At talaga namang gold digger itong si Jelin, ang girlfriend ko. 2 weeks palang kami, maybe by next week iba nanaman ang syosyotain ko. Di mahirap makahanap ng girlfriend sa katayuan ko sa buhay. Di naman sa pagmamayabang, pero, mayaman ako, talented, matalino at gwapo. Inaamin ko din, chicboy ako. Monthly, iba iba ang girlfriend ko. Di ako nagsesettle down sa iisa lang kasi inienjoy ko pa ang pagiging pogi at free ko. Baka pag nagkagirlfriend kasi ako ng totohanan na, baka mastress lang ako araw araw at biglang pumangit. Kaya for now, laro laro muna ako.

"K" Sabi ko lang kay Jelin tsaka kinuha ang wallet ko sabay bigay sa kanya.

Agad niya itong kinuha sa kamay ko at halos tumakbo na sa cashier para bayaran ang damit. Nakita ko pang humablot siya ng marami raming damit bago tuluyang umabot sa cashier.

Napailing nalang ako. Sanay na ko. Lahat ng girlfriend ko gold digger. At iniispoil ko din naman sila. Trip ko lang eh.

Natagalan si Jelin sa pagbayad sa sobrang dami ng kinuha niya kaya lumabas na ko sa botique na yun at naglakad lakad muna ako sa mall, nang may nakita akong babae.. In her killer hills and high waist ripped shorts, and sparkling black crop top. Nagdamit pa siya ha? But she got my attention at first look. Not because of her undeniably perfect-shaped body and angelic face, but because she was with a poor lady.

Lumapit ako sa kanya at kunwari'y nagtetext para di niya mapansing nilalapitan ko siya.

"Saan niyo po gustong kumain? May pamilya po ba kayo? Gusto po ba ninyong take out nalang para sabay kayong makakain ng pamilya mo?" Tanong niya sa matanda na di naman ganun kadungis pero halos gunit gunit na ang shorts.

"Wala na akong pamilya hija" Sabi ng matanda.

Napahinga ng malalim ang magandang babae.

"Ay ganun po ba? Sorry po. Bili nalang po muna tayo ng damit mo at sapin sa paa nang makapagpalit na ho kayo. Pwede rin ho kayong tumuloy nalang sa bahay namin. And lola, I dont take no for an answer kaya pumayag na po kayo" Sabi niya sa matandang gulat na gulat sa kanya. Maging ako, eh nagulat.

Despite of her physical look, the slutty look, she still has a very kind heart. Naisip ko tuloy, yung mga perang ginastos ko sa mga gold digger exes ko, kung pinangcharity ko nalang yun edi nakatulong pa ko.

Bakit ganun? Parang biglang nagiba ang takbo ng utak ko? Parang ngayon, mas gusto ko nalang magcharity works kesa makipag girlfriend sa kung sino sino.

Tinamaan yata ako sa babaeng to.

Sinundan ko siya at ang matanda na pumasok sa Department Store. Halos lahat ng mahagip ng tingin niya na maganda at pasok sa panlasa niya, ay nilagay niya sa shopping basket.

Sunod silang pumasok sa The Star Restaurant. Nakita kong sandamakmak na pagkain ang inorder niya at hinayaan lang ang matanda sa pagkain.

Pinicture ko pa siya. Nakakaobsess ang tulad niya. She is perfect. Pag nakita mo siya, at first sight yan ang masasabi mo. Pero pag nalaman mo ang ugali niya, mas lalo kang hahanga sa kanya. Ako nga, di ko siya kilala pero talaga namang yung nakita kong ugali sa kanya ang nagpatunay na mabuti siya.

I think I'm in love.

*one text message*

From: Jelin

Matty baby wru?

Nagreply ako.

To: Jelin

Somewhere far from you. Let's break up. You can have all of the cash I have in the wallet I handed you.

Puro cash lang naman ang nandun, walang liscence, ID, ATM, at credit card. Dalawa bale ang wallet ko. Isa na puro cash lang, at isa na mayroon nung mga nabanggit.

From: Jelin

Okay thanks!

See? Gold digger talaga.

But now, I wont waste a single dime for gold diggers and alike, Im very sure that I've fallen. And I'll do my best to make her fall for me too. May boyfriend man siya o wala, siya na talaga ang gusto ko. At diba nga? Ang gusto ko, gusto ko. Kaya kahit anong mangyari, magiging akin siya.

Challenge.

Nang pauwi na sila ng matanda, sinundan ko sila. At huminto siya sa bahay na mala-mansion. Our mansion's bigger compared to their's honestly, pero mas maganda ang design nitong sa kanila. Simple pero magara ang mansion nila.

I researched about her. Nagtanong tanong ako sa kasambahay ng kapitbahay niya. I even payed them just to shut them from telling that girl that Im investigating about her, aka stalking.

"Ayy si Deb? Nako mabait na bata iyan hijo. At maingay sa larangan ng business ang pangalan ng magulang niya kahit na kasisimula palang nila, dahil sa sobrang gagaling ng mga ito." Sabi ng matandang maid sa isang bahay malapit sa kanila. Nalaman kong Deborah Chavez ang pangalan niya.

Naging interesado pa ko lalo nung nalamang business men ang parents niya. Since we have our company, pwedeng maging business partners ang parents namin. Ang business kasi namin ay advertisement company at isa sa pinakamalaking advertising company sa Asya ang Mendes Corporation. Ang business naman nila ay clothing line at ang nanay niya na si Mrs. Estrelia Chavez ang mismong designer sa clothing line nila at isa din siyang business woman, pero ang hands on talaga sa managenent ng business nila ay ang daddy niya. Kumbaga, tumutulong lang ang mommy niya sa ibang management works pero most of the time sa fashion designing siya since ito ang major niya talaga. Pwedeng magsama ang parents namin. Iaadvertise ng companya namin ang clothing line nila na gumagawa ng ingay sa fashion and business industry kahit na mag-iisang taon palang ito. For sure di sila matatanggihan ng parents ko and of course di din nila tatanggihan ang parents ko.. Ang companya namin.

At oo, nalaman ko lahat ng yun. Masigasig akong nang interview, at may napagtanungan pa ko na kasambahay nila mismo kaya mas madami akong nalaman.

Shet! I've never been like this before. Im smitten.

Ilang buwan ko na rin siyang iniistalk.

At nalaman kong may boyfriend na siya, which happens to be Luke Ledona, one of Finn's friend. Madaming circle of friends si Finn, na pinsan ko, kaya di naman sila ganun ka-close talaga nitong Luke na to.

I also heared that this guy needs a job para sustentuhan ang pag-aaral ng dalawa niyang kapatid dahil nalugi na ang business ng pamilya nila at nalubog sila sa utang.

I guess I know what to do..

Gusto niyo malaman kung anong ginawa ko? Hintayin niyo nalang ang next POV ko. Medyo madamot kasi si author sa POV ko eh, myteryoso din kasi ako :D after ng ilang parts tsaka ko pa sasabihin sa inyo kung anong ginawa ko. Hintayin niyo lang :)

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon