Papunta kami ngayon sa Tagaytay dahil may private property daw sila Matt dito. Aabutin ata kami ng tatlong oras na biyahe kasi matraffic.
"That property was my dad's gift when I turned 21." Kwento niya.
Tumango lang ako.
"Sabi niya dalhin ko lang daw dun yung babaeng mahal ko at seseryosohin ko. Ayaw kasi niyang mabahiran ng kalandian ko yung lugar na yun. It is special for the Mendes clan."
Napatingin ako bigla sa kanya.
"So, malandi ka pala huh?" I laughed.
"Dati!" Nagpout nanaman siya at lumabas nanaman ang kalaban ko. Si dimples. "I played with girls before. Di nagtatagal ng isang buwan ang mga girlfriend ko sakin dati. But since I first saw you, I never set an eye for sombody else. You got all my attention, my interest, my heart."
He kissed my forehead.
"Pano nga pala naging special sa mga Mendes yun?"
"Yung lolo ko sa tuhod, dun siya nagpropose sa lola ko sa tuhod. Tapos ipinamana niya yun sa lolo ko. Si lolo naman, dun idinaos ang kasal nila ni lola. And dad, dun siya nagtapat ng feelings niya para kay mom. Kaya ako, ang tanging babae lang sa buhay ko ang dadalhin ko dun. And it's non other than.. Tentenenen.. You!" At pinaulanan niya ko ng halik.
One two three para paraan noh?
Natawa nalang ako kasi ang cute cute niya habang hinahalikan ako. Para bang wala nang bukas.
Nakarating kami sa property ni Matt. Finally.
"Di mo naman nabanggit, resort pala to." Sabi ko nang pumasok na kami
Le Mendes Resort -nakaukit dun sa marmol na dingding. Ang ganda dito.
"Surprise baby." At ulit, hinalikan niya ako.
Sobrang lawak ng white sand at ang tubig ay sobrang linaw. May isang hotel na puti at isang multi-purpose hall.
"Di kami tumatanggap ng mga kliyenteng magbabarkada o kaya pamilya na nagsiswimming lang. Tanging mga okasyon lang ang pwede dito. Actually di nga talaga dapat to ipagamit sa iba. Pang pamilya nga lang dapat ito. Pero nung ipinasa na sakin to ay napagdesisyunan kong pagkakitaan kahit papano. Dapat pa nga gagawin ko tong public resort. Pero ayaw pumayag ni lolo at ni dad." Kwento niya nang pumasok na kami sa hotel room. Wow, parang presidential suite ang itsura nito.
"The place is amazing." Di na naabsorb ng utak ko ang mga sinabi niya dahil manghang mangha ako sa lugar.
Nagdive agad ako sa pagkalambot lambot na kama.
"This is better than my bed." Sabi ko habang inaamoy ang amoy strawberry na comforter.
"You wanna stay here?" Nakangisi niyang tanong at umupo sa tabi ko.
Inirapan ko siya.
"Hala? Tinatanong lang eh." Tumawa siya.
"I wanna swim." Sabi ko.
"Lets go." Aniya.
Sinuot ko ang bikini ko at pumunta na kami sa beach. Matt's wearing his boardshort at topless siya. My boyfriend is hot.
Magaling din akong magswimming. Since my dad was a swimmer way back when he was a teen, tinuruan niya ko nuong grade school palang ako.
Naliligo na kami sa dagat nang biglang may half kano na lumapit samin. He must be Matt's relative. Since sabi nga niya di daw sila nagpapapasok ng mga simpleng magsswimming lang kundi for occasions at family lang daw ito.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?