Di talaga ako yung tipong party freak. I go clubbing but once a week lang usually.
Dati, ayun! Dati talaga, literal na gabi gabi ako sa mga party clubs. Bar hopping ang trip namin nina California, Australia, Drew at Cape. Sila ang bestfriends ko.
But, since the day I met Luke, yung boyfriend ko before si Archie, ay na-lessen yung pagiging party freak ko. Halos buong oras ko kasi ay nabuhos na sa kanya.
We've been together for a year. But it still didn't work out. He cheated. Pinagpalit niya ko sa isang.. sadly, hipon. Tangazar! Yung feeling na tapon ulo, kain katawan yung pinampalit nya sakin? Damn it was so painful. It took me months to get over him.
Nagkukulong ako sa kwarto, hinahatiran nalang ako ng pagkain ng yaya namin. Nung panahong yun eh wala pa akong condo. Buti nalang din at laging nag-a-out of the country ang parents ko kaya di nila nakikita ang pagiging miserable ko.
Until one time, naglakas loob akong lumabas ulit sa mundo. Not to party, not to have fun. Gusto ko lang makakita ulit ng mall, after 3 months ng pagkukulong sa kwarto, it was so unhealthy.
Habang nagwiwindow shop ako, may nakita akong lalaki.. He was so, so, cool. Yung tipong pag dumaan sya eh paniguradong liliparin ka sa sobrang lakas ng hangin. Sobrang mahangin yung aura nya.
But I fell in love at first sight. Nakaka-akit yung pagkamahangin nya. Oh my gosh. After ng 3 months kong pagkulong sa sarili ko, eto ang madadatnan ko sa outside world?
Damn di ko na palalagpasin ang pagkakataon! I stalked the guy. So he was Archie.. Nice name.
I finally had the chance to meet him, nung nagkatabi kami sa sinehan. Actually di yun co-incidence. Sinadya ko yun. We chitchatted before the movie started. Sabay pa kaming nagtawanan nung nanunood na ng sine. Sabay kaming lumabas ng theater, and he even drove me home.
I fell in love more.
What a gentleman. Naging madalas na ang pagkikita namin mula nun. Until he asked me to be his girlfriend. Of course I said yes!
Nalaman ko ding ayaw nya sa partygirls, so from then on, ang pa-once a week once a week kong party ay nauwi sa.. No party at all.
Masaya parin naman ako. Kahit di ako nakakapag-clubbing, I still feel perfectly happy and wild in Archie's company. He never treated me wrong. Never. Ni isang away wala kami. Literally. We dont even waste time on petty shits.
Di namin pinagtatalunan ang maliliit na bagay. At kapag may problema namang malaki, gusto nya sya lang ang magsolve nun. Okay, masaya. Dahil alam kong gusto nyang safe lang ako at stress and carefree palagi.
Pero yun pala ang mali. Sobra akong nagtiwala sa kanya dahil ni isang mali eh wala akong nakita sa kanya. Yun pala, lahat ng kabulastugan nya ay tinatago nya. At magaling sya. Dahil ang tagal ko bago narealize na nambabae na pala sya.
Actually kung di ko sya nahuli sa mall noon, di ko pa malalaman na nangangaliwa na pala sya.
It hurts bigtime! Doon ko napatunayang, relationships needs sugar and spice. Hindi pwede na palagi nalang sweet sweetan, lambingan, lampungan. Dapat may konting bangayan din. Yun pa nga ang nagpapatibay ng relasyon e. Dun mo mapapatunayan kung gano ba talaga kalaki ang tiwala nyo at pagmamahal sa isa't isa. That's what our relationship lacked. Full of sugar but no spice. Our relationship was sugar-coated, but definitely tasteless.
Kaya ngayon, I'll be out of my box. Not like I've been here in this box all my life. But since I knew Luke, I stayed inside the box. So now, I'm out. I'll be who I was. And no one can ever change me again..
I'll be back to being a freak.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?