Part 34: Photoshoot (1)

279 13 12
                                    

At Brown Cafè, 11am. See you :)

Eto ang natanggap kong message paggising ko.

I glanced at the clock and it's already 9am.

Tinignan ko ang mga damit ko sa closet. Hmm, ano kayang magandang isuot?

Kinuha ko ang puti kong A&F na sweater at black na leggings tapos ang Dr. Martens kong sapatos at ang Cath Kidston kong bag. Eto nalang susuotin ko para simple lang.

Papasok na ko sa cr nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in" Sabi ko.

Pumasok si Von na may malawak na ngiti.

"What do you want for lunch?" Nakangiti niyang tanong.

"Hind--" Pinutol niya ang sasabihin ko nang biglang dumapo ang paningin niya sa damit na hinanda ko.

"San ka pupunta?" He asked.

"Mag lulunch ako kasama ang.. ang kaibigan ko." Sagot ko.

"Sino?" Tumaas ang kilay niya.

"Luke." Simple kong sagot.

Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Okay." tapos ay lumabas na siya.

Buti nalang at di naman masyadong matanong si Von.

Nang tumungo na ko sa sinabing lugar ni Luke, ay naabutan ko siya sa isang table for two.

He's in a dark blue polo shirt and a jeans. Simple him. Siya na siya ang Luke na minahal ko noon. Di pa din siya nagbabago.

Sinalubong niya ko nang may matamis na ngiti. Tumayo siya para hilahin ang upuan ko at saka ako umupo.

"I think this is awkward." Natatawa niyang simula.

Napapangiti nalang ako. Eto nanaman siya. Palagi siyang ganito. I missed him.

"May pag-uusapan ba tayo?" I asked.

"Hmm.." Tinapik tapik niya ang lower lips nya na para bang nag-iisip habang nakatitig sakin.

"Hmm?" Nakangiti ngunit nakataas ang isang kilay ko.

Tumawa siya.

"What's so funny?" Natatawa ko na ding tanong.

"Wala. Let's eat first." Sabi niya saka inabot sakin ang menu.

Di kami nag-uusap habang kumakain pero ngiti lang siya ng ngiti at tingin ng tingin sakin.

"Whaat?" I asked na tila ba natatawa.

"Lalo kang gumanda." Ngumiti siya.

"Tss." Umiling ako at sumubo ng isang kutsara.

"Uhmm, uhh, is.. Is there still a chance?" Awkward niyang sabi.

Bigla akong napatingin sa kanya.

He smirked then shooked his head. "Sorry. Hahaha. Ang tanga ko kasi eh noh." Para siyang baliw na tatawa tawa ngayon.

Pero di ko iniexpect na magiging ganito ako ka-komportable sa kanya sa kabila ng nangyari noon. Is it possible that I still have feelings for him? Tss

Hinawakan ko ang kamay niya, "Luke, I know you did it for your family. You don't have to blame yourself." I smiled.

Pinatong niya ang isa pa nyang kamay sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"I want you back.." Nabasag ang boses niya. "Sorry sa ginawa ko.. Kinailangan ko kasing gawin yun." Tumulo ang luha niya. "Mahal parin kita."

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon