Ilang araw na ding natanggal ang cast ni Matt. Di ko na din siya ipinagddrive. At siyempre alam na nila mom at dad ang tungkol samin, ganun din sina tito Leo at tita Lea. Siyempre masayang masaya sila para samin. Walang problema kaya naman maayos ang naging relasyon namin ni Matt.
"Dumbass!" Sigaw ko habang nagkikipaglaro ng xbox kay Matt.
Nakailang talo na ko at tuwang tuwa siya tuwing nagagalit ako dahil sa pagkatalo ko.
"Ayoko na nga! Madaya ka!" Ani ko.
"Di ako madaya noh. Di ka lang talaga marunong." Pang iinis nanaman niya. Palagi niyang ipinagmumukha sakin na di ako marunong -_-
Andito kami ngayon sa bahay niya, mas gusto namin ang ganito kesa date sa mga mall. Quality time ang gusto naming pareho.
Bigla kong naalala ang photo album na may mga litrato ko.
"Matt.." Tawag ko.
Di ko siya tinatawag na baby dahil naaasiwa ako. Mas gusto kong Matt, o Matthew. Sya naman, madalas akong tinatawag na baby. Pero minsan eh pagalan ko lang din.
"Hmm?" Di niya ko nilingon.
Kinuha ko ang photo album at dinala sa kanya. Binuksan ko ang album at pinakita sa kanya ang mga picture ko.
"Ano to?" Tanong ko sabay pakita ng mga litrato ko.
Stupid question. Picture, malamang. Hahaha.
"I've been stalking you for 2 years, you know." Aniya sabay baling sakin.
Di na ko magugulat dahil expected ko na yon. Pero ang nakapagtataka lang, bakit di niya man lang ako nilapitan sa loob ng dalawang taon na sinasabi niya? Bakit ngayon lang? Bakit kailangan ko pang masaktan ng dalawang beses sa loob ng dalawang taon bago siya magpakita?
Di ko napigilan, tinanong ko na siya.
"Ba't ngayon ka lang nagpakita? Nakontento ka ba sa dalawang taong pagtingin sakin sa malayo?" I asked.
"Hmm.. May boyfriend ka kasi nun. At masaya na kong makitang kang masaya. Noon, kontento na ko. Pero nung nalaman kong single ka na ulit, I grabbed the chance." Aniya.
"You did know about my past relationships?" I asked.
"Yes. Sabi ko naman diba, I stalked you." He smiled.
"Pshh. Stalker ka pala eh."
"Ehem.. Poging stalker po. You should be grateful you know. "
Hay nako, talagang mahangin tong lalaking to. Di na nagbago.
Kung dati naiinis ako sa pagiging mayabang niya, ngayon natatawa nalang ako.
Tumawa ako habang umiiling iling.
"Basketball tayo?" Yaya niya.
Baliw na ata to eh. Kitang babae ako, tas yayayain niya kong magbasketball.
"Yoko." Simple kong tugon.
"Dali na, turuan kita." Pamimilit niya.
"Badminton nalang!" Sabi ko.
Magaling ako magbadminton. Varsity pa nga ko noong high school ako.
"Hmm.. O sige ba. Pero baka matalo ka nanaman ha." Ayan nanaman siya.
"Tignan lang natin." Pinatulan ko ang pagiging mayabang niya.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?