Part 32: New York

333 13 6
                                    

"Welcome to New York!!" Bati sakin ng bakla kong kaibigan na si Chiqui.

Family friend din namin siya. Sa apartment nya ako makikituloy habang nandito ako sa New York.

"Salamat, Chi"

Dumeretso na kami sa apartment niya.

"What brought you here, sissy?" Tanong niya habang naghahanda ng lunch at nakaupo lang ako dito sa sala.

Wala siyang kaalam alam tungkol sa nangyari. Everything  that happened back in the Philippines, stays there. I left all the tragedies there.

"For my dreams." Ani ko.

Mayamaya pa'y bumukas ang pinto ng apartment niya.

Pumasok ang isang lalaki. Matangkad, moreno, at may dimples din..

Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi di ko kaya. Pag tinitigan ko pa siya ng matagal, baka umiyak na ko dito.

Lumapit ang lalaki sakin at  ngumiti.

Sa ngiting iyon ay naaalala ko si Matt. Sa bawat lubog ng dimples niya, di ko maiwasang isipin si Matt.

Tumango lang ako as response. Pag nagsalita kasi ako, baka kasabay nun ay ang pagbuhos nanaman ng mga luhang iniwan ko sa Pilipinas.

"Oh Von, andito ka na pala." Lumabas sa kitchen si Chiqui dala ang niluto niya.

Lumapit siya saamin pagkatapos niyang ilapag ang pagkain sa mesa.

"Deb, eto nga pala si Von, kaibigan ko to. And Von, this is Deb,  yung sinasabi kong makakasama natin dito." Pagpapakilala niya.

Di parin ako makatingin kay Von.

"Nice to meet you Deb." Nilahad niya ang kamay niya.

Inabot ko din ang kamay ko nang di parin tumitingin sa knya. Tanging sa mga kamay namin lang ako nakatingin.

"Nice to meet you too."

Nang magbitiw ang mga kamay namin, ay bigla niyang inangat ang mukha ko at iniharap sa kanya.

Nagulat man ako, eh hindi na ako gaanong nagpakita ng reaksyon.

"You're so lovely."

Pilit akong ngumiti.

"Ehemm.. Yung pagkain lumalamig na.." Ani Chiqui na nakapagpabalik saamin sa ulirat.

Agad akong tumungo sa mesa at sumunod sila.

~

"When taking pictures, you should see to it that bla bla bla, bla bla--"

Kasalukuyan akong nasa klase ko sa Photography.

Tatlong buwan na din ako dito sa New York at kahit papano'y sinasanay ko naman ang sarili ko.

"Dumudugo na utak ko." Sabi ni Alexa na Pilipina din. Siya lang ang kaclose ko dito dahil kami lang ang magkavibes.

Umiling nalang ako sa kanya na para bang natatawa.

Pagkatapos ng klase ay naabutan ko si Von na nakasandal sa kotse niya sa labas ng school. May dala siyang isang pirasong red rose..

"Yeee.. Swerte mo  talaga diyan sa boyfriend mo noh." Ayan nanaman si Alexa na laging sinasabing boyfriend ko daw si Von kahit na ilang ulit ko na sabihing hindi.

Hindi ako pumunta dito para maghanap ng iba. Nagpunta ako dito para makalimot at matuto ulit kung paano ang buhay na wala na siya.

Lumapit ako kay Von at inabot niya ang rose sakin.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon