Part 22: Lizares' Mansion

507 15 4
                                    

"Pupunta tayo kila Migz ngayon. May practice kami eh. Wala kaming gig sa El Cora, sa Vanity Bar kami bukas. Meron na kasing bagong banda na nakapasok sa El Cora kaya minsan sila ang tutugtog, minsan kami. So para bukas, sa VB nga kami." ani Matthew sabay smile.

Tapos tumango siya sakin na para bang niyayaya niya na kong lumabas sa kwarto niya, kaya tumayo na ko sa pagkakaupo ko sa kama niya at inayos ang suot ko. Naka-high waist shorts ako, floral na crop top at white na sneakers. Sobrang simple ko ngayon, oo simple pa ako sa lagay na to. Mahilig ako sa crop top actually, at talaga namang halos wala na ata akong t-shirt o blouse man lang na pang-alis dahil puro crop top at dresses ang meron ako, tsaka skater's skirt. Konti lang din ang jeans at shorts ko na ganito. At tutal di naman party o mall ang pupuntahan ko, kundi ang 'duty' ko dito kay Matthew as driver, kaya magshoshorts lang ako.

"Okay, san ba bahay nila Migz?" Tanong ko.

"Third village from Horizon Heights, to the right. Yung malaking housing estate na yun, dun sila." Sagot ni Matt.

Big time pala yung Migz na yun. Ang Lady Anabelle's Housing Estate ang tinutukoy ni Matthew. Si Lady Ana din ang may-ari ng school ko noong grade school hanggang college. Isa yun sa pinakamalaking exclusive school sa Pilipinas na ipinatayo niya at madami din siyang ari arian dito sa Pilipinas including that housing estate.

"Wow, Lady Ana's Estate ba?" I asked, kahit na alam kong yun nga yun.

"Yep. Pero di talaga dun nakatira si Migz, may condo unit siya na sarili niya. Pero dun kami nagpapractice sa bahay nila kasi walang masyadong space sa unit niya." Ani Matthew. Oh, speaking of condo unit, medyo di ko na din napupuntahan ang condo ko. Dun na ko tumira kila mommy mula nung nagbreak kami ni Archie. Mabisita nga minsan ang unit ko.

"Ah okay.." Sabi ko sabay sunod sa kanya papunta sa pintuan.

He handed me the key of his car, "Di na, gagamitin ko nalang yung akin. Dala ko naman eh"Sabi ko.

"Ohh.. So, breakfast muna tayo?" Yaya niya.

"Ikaw nalang, kumain na ko bago umalis sa bahay." Pagtanggi ko.

"Ay ganun. Sige di nalang din ako kakain. Dun nalang ako kila Migz magaalmusal." Sabi niya habang pababa kami ng hagdan at nakasunod lang ako skanya.

"Andyan na pala kayo. Ang tagal niyo naman." Salubong ni Tito Leo samin.

Nagbeso ang mag-ama. "Alis kami dad" Sabi ni Matt.

"Date?" Nanunyang tanong ni Tito Leo.

"Nako hindi po" Agad kong sabi habang winawasiwas pa ang kamay ko para talagang masabi na hindi kami magdidate ng anak niya.

"Suuus." Sabi pa ni Tito na talagang nang-aasar.

"Cut it dad" Saway ni Matt sa ama niya.

"Okay okay, have a good day you two!" Un nalang ang nasabi ni Tito Leo habang papunta na kami sa pinto.

"Bye PO" Paalam Co. Samantalang si Matt naman, ayun dere derecho lang sa paglalakad. Mas mature pa ata ang pag-iisip niya kesa sa tatay niya eh.

Tumango lang si Tito Leo na may nakangising ngiti. Ako lang ang nakakakita nun kasi nga derecho ang lakad ni Matt palabas.

Pagpasok ko sa driver's seat, andun na si Matt sa passenger's seat tapos nakasimangot lang.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Try to ignore dad's pa-cute drama sometimes. Nakakairita eh." Aniya. Ay wow.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon