Part 11: Parke

623 26 2
                                    

AN: Hi to my partner @akeeeeee. Girl! This chapter is dedicated to you :) padedic  din ako partner. :D hehe

Enjoy reading po and mag-comment po ng mag-comment! Thank you :D

*

"I'm so proud of you.."

Huh? Sino? Ako?

Lumingon lingon ako sa paligid at wala naman ibang tao dun. Ako kaya ang sinasabihan ng pamilyar na boses na yun?

Tinignan ko kung sino ang nasa likod ko, at paglingon ko..

Nakita ko si Matthew na nakangiti. Halatang di plastik ang ngiti niya dahil pati mata niya ay ngumingiti. Lubog na lubog ang dimples niya.. Ang kanyang labi ay nakakurba na parang bang nang-aakit ang mga ngiti niya.

"Hi!" Bati niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Why?" I'm still sobbing.

Tumaas din ang kilay niya na para bang nagtataka pero nakangisi parin siya. "Anong why?"

"Why are you proud of me?"

"Wala." Simple niyang tugon. Weirdo.

"Okay. Bring me home then." I commanded. Ayoko na ring magtaxi, feeling ko mas safe pag siya nalang ang maghahatid sakin.

Nakakapagtaka din kung bakit di niya tinatanong kung bat ako umiiyak.

"Exactly why I'm here." He pinched my nose.

Nang sinabi niya yun, para akong nanghina. Parang nakahanap ako ng karamay.. Kaya unconciously, I hugged him. Ramdam ko ang pagkagulat niya, pero gumanti din siya ng yakap. He hugged me back tightly, rubbing my back gently.

"Hush baby. Kaya ako nandito para makalimutan mo siya. And remember? Nililigawan na kita ngayon.. Oo, friendly courtship lang to, but it still matter and counts. So whether you like it or not, expect me to show up whenever and wherever you are especially when you're in pain. I'll stalk you.. Alam ko kasing ayaw mo din naman akong makasama at alam kong masisira ko ang araw mo pag nagpakita ako sayo. Basta tandaan mo na pag nasasaktan ka na, I wont hesitate to comfort you and let you feel loved."

Ramdam ko ang lakas ng pagtibok ng puso niya dahil nga nakayakap ako sa kanya.

I didn't respond to what he said. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Inakay na niya ko papunta sa kotse niya at hinintay na matapos ako sa paghikbi tsaka pinaandar ang kotse.

"Feeling better?" Binasag niya ang katahimikan na bumalot samin.

"Yuh" Tumango ako

Katahimikan nanaman.

Nagulat ako nang lumagpas siya sa village namin.

"Matthew, lumagpas ka."

"No Deb. Di pa kita iuuwi. Baka makita ng daddy mo na maga ang mata mo at halatang kaiiyak mo lang, tapos ako ang kasama mo. Baka sabihin nun na pinaiyak kita.. O di kaya ay di ka ligtas pag kasama ako kasi nakakaya ka paring saktan ng iba." Seryoso niyang sabi.

"Okay, san mo naman ako dadalhin ngayon?" Tinignan ko siya na seryoso ang mukha sa pagddrive. Lalo siyang pumupogi pag seryoso.

Shit bat ko ba to naiisip?! Oo totoo gwapo siya. Pero di siya gwapo.. Kahit na gwapo talaga siya. Arghhh basta! Hindi! Kahit na mabait siya sakin, dapat cautious parin ako sa kanya. Di dapat ako nagpapadala sa kagwapuhan niya. At naniniwala din naman ako sa kabutihan niya, pero di parin ako nagtitiwala ng lubos sa kanya.

I am safe in his arms, but he himself is dangerous. I know, I can sense it. But why do I feel safe in the arms of a dangerous guy?

Di niya sinagot ang tanong ko. Kaya hinayaan ko nalang siya. Hanggang sa mapadpad kami si isang parke. Malawak ang damuhan.. Ang ganda. Nakaka-refresh ng utak kasi madaming puno, maayos ang circulation ng hangin sa lugar na to.

"Tara-" Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at naglahad ng kamay.

Naglakad kami papunta sa malawak na mga damuhan, at nagulat ako nang bigla siyang humiga doon.

"Uyyy. Tayo!! Baka may tae dyan!" Sabi ko sa kanya.

Tinawanan niya ko. Tss

"Wala! Walang tae dito. Except nalang kung ang paningin mo sakin ay bullshit" Humalakhak siya. Walangya to nakuha pang magbiro

Inirapan ko siya at humiga nalang din sa tabi niya.

Silence...

"Ganda ng stars noh?" Out of the blue he asked.

"Kaya nga eh" Napangiti ako. Kanina lang wagas wagasan ang iyak ko, tapos ngayon ngumingiti na ko. Hayy baliw na ata ako..

"Pero mas maganda ka" Sabi niya. Nilingon ko siya, pero sa langit parin siya nakatingin.

Hinampas ko braso niya, "Bolero! Sinungaling! Pano mo naman nasabi yan eh sa langit ka parin nakatingin? Di naman sakin." Tanong ko.

Di parin sya lumilingon sakin, "Kahit san naman ako tumingin, ikaw lang nakikita ko." Ngumiti siya. Napangiti pa ako lalo. Sht ang init na ng mukha ko.

Silence again..

Until he broke the ice.. again. He's the icebreaker in every awkward moment.. I hope he's not a heartbreaker as well.

"Naniniwala ka ba sakin, Deb?"

"Huh? Naniniwala saan?" Naguguluhan kong tanong.

"Na mahal kita." Lumingon siya sakin.

"Ah-Eh--Uhm--Ewan." Di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pano ba naman kasi, dalawang linggo palang kaming magkakilala, tapos di pa maganda ang impression ko sa kanya, naging rude ako sa kanya. Tapos kahapon lang nagpaalam na siya kay daddy kung pwede niya akong ligawan. Ang bilis masyado ng lalaking to. At ayokong mahulog sa kanya. Pipigilan ko hanggat maaari. Kahit na puro kabutihan at pagiging concern at gentleman ang ipakita niya sakin. Ayoko parin. Kasi ang bilis niya,  baka mabilis din siyang ma-fall out of love.

"Bakit ewan? Di ka sure kung maniniwala ka na mahal kita?" Nakatitig parin siya sakin. Shet pag ako natunaw mamaya patay ka sakin!

"Di naman sa ganun. But you're too fast." Sagot ko.

Tumawa siya, "I'm not." Yun lang ang sinabi niya. Mokong na to! Di ata nagets ang 'too fast' na tinutukoy ko.

"Di mo ata nagets eh.." Kain ka nuggets para magets mo..

"Gets ko Deb. And believe me, I'm not fast."

"Anong hindi?!  Two weeks palang tayo magkakilala tas nanliligaw ka na. Sige nga, explain mo kung paano hindi naging fast yun."

"Basta, Deb.. Basta." At aba nagpapa-mysterious effect pa. Tse! Bahala ka nga. Push mo yan.

2 minutes silence...

"Tara uwi na tayo. Okay na ko." Anyaya ko sa kanya.

"Okay" Tumayo siya at naglahad ng dalawang kamay sakin para itayo ako.

"Thanks" I said while reaching my hands to his.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon