"Ay shit!" Ang lutong ng mura ko.
Natapilok ako sa mall habang naglalakad suot ang killer heels ko.
Mej pahiya.
"Okay ka lang ba mi--- Oh Deb! Ikaw pala?" Nilahad ni Archie ang kamay nya para itayo ako. Pero di ko yun inabot at tumayo nalang ako mag-isa.
"Oh, Chie.. Ikaw pala." Asan yung lintang clown na ipinagpalit mo sakin?!
"Ah.. Hehe.. Oo!" Napakamot sya sa ulo nya. "Mag-isa ka lang?"
Bitter tip: Maghatak ng pogi pag nagkita kayo somewhere ng ex mo.
Shit pano ko makakahatak ng gwapo dito gayong nasa tapat ko na mismo etong ex ko?
Dumapo ang tingin ko sa isang lalaki.. Di basta basta lalaki. Isang mahanging lalaki.
Yes, its Matthew.. Again.
Hayy mapapasubo na talaga ako dito. Mukhang kelangan ko syang gamitin. Since last time sya din naman ang nakita ni Archie na kasama ko. Perfect timing ito!
"Yes.. But I'll be meeting my boyfriend." Ani ko.
Nanlaki ang mata mi Archie.
"S-Sino?" Tanong nya nang nauutal. LOL SELOOOOOS!!
Bumaling ako kay Matthew na nakatingin na ngayon samin.
Lumapit ako sa kanya at pinulupot ang kamay ko sa braso nya.
"Archie, si Matthew nga pala. Boyfriend ko. Matt, this is Archie.. Kakilala ko."
Nanlaki ang mata ni Archie.. Pagbaling ko naman kay Matthew, aba nakangisi lang. Di man lang nabigla sa ginawa ko. Lalo ko lang tuloy syang kinamuhian. Kung di ko lang sya kailangan eh talagang nasapak ko na ang mukha nyang kaasar.
But he's undeniably a pretty boy. A very, very, pretty boy.
"Kamusta dude?" Tanong ni Matthew kay Archie. Laglag panga parin si Archie.
"Uhh.. Tara na babe. Maglulunch pa tayo diba?" Sabi ko kay Matt para wala nang maging conversation sa kanilang dalawa ni Archie, at hinila na agad papalayo sa nakanganga paring si Archie.
Nginting-ngiti naman etong hangin na to habang hinihila ko.
Nang binitawan ko na sya..
"Wow! Hahahahaha. Di ko alam, girlfriend pala kita, Deborah?" Sabi nya nang nakatawa at nakabalandra ang dimples at ang killer smile. Oo killer smile. Mapapatay ko kasi talaga sya pag ngumiti pa sya ulit! Pang-asar.
"Tse! I did that on purpose you jerk! Sige alis na. Magshoshopping na ko." Tumalikod ako. Pero bigla niyang hinatak ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"I thought we'll still have lunch?.. Babe." Nang-aasar nyang tanong.
"I told you I did that on purpose. At wag mo kong ma-babe babe ulit ha? Kadiri eh. Kung alam mo lang! Halos masuka ako sa ginawa ko kanina!" Tumalikod na ulit ako. Hinila ulit nya ang kamay ko at kinaladkad na ako.
"ANO BA MATTHEW!!" Sinusuntok suntok ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"Bungangera! We'll have lunch." May authority ang pagbanggit nya sa bawat salita. Command yon, hindi pakiusap.
"NO MATTHEW! BITAWAN MO KO"
Di nagpatinag ang mokong.
Nawalan na ko ng lakas kaya nagpakaladkad nalang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?