Wala akong pasok ngayon dahil thrice a week lang naman ang klase ko.
Pagbangon ko ay wala na sa tabi ko si Chiqui. Usually tanghali na un gumigising, pero ngayon, mukhang ang aga ata niya.
Lumabas ako sa kwarto habang nag-iinat.
"Good morning, breakfast ready." Sakto paglabas ko, nilalapag na ni Von ang pagkain sa mesa.
He's topless at kitang kita mo ang perfectly defined abs niya, ang moreno niyang balat sa kabila ng klima dito at ang dimples niya na sa kada magsasalita siya ay lumulubog.
And again, si Matt parin ang naaalala ko. Siya parin hanggang ngayon. Kahit na ilang milya na ang layo namin sa isa't isa.
Napapangiti nalang ako. Dati kasi pag nakikita ko si Von na ganito, naiinis ako o kaya naiiyak. Ngayon, tanggap ko na ang katotohanan. Araw araw, I will be dealing with Von. Araw araw, may magpapaalala kay Matt.
"Nasan si Chiqui?" Tanong ko.
"Di ko na din naabutan e. Baka may importanteng lakad. Di nagpaalam sayo?"
Umiling lang ako.
Tumungo ako sa kusina para maghilamos at magmumog.
Sa tagal na din naming nagkakasama ni Von sa iisang bubong, alam na niya ang mga gusto ko sa almusal, lunch at dinner.
"Sinangag na maraming sibuyas for breakfast ma'am" Aniya pag-upo ko, with his wide smile.
Tinimplahan din niya ako ng kape na madaming creamer, ganon kasi ang gusto ko.
Sa gitna ng pagkain namin, dumating si Chiqui.
"Ohh, goodmorning guys. Sorry di ako nakapagpaalam ha." Bati niya pero sakin lang nakatingin, na para bang sinasabi na 'may pag-uusapan pa tayo'
"Kain na Chi." Aya sa kanya ni Von.
Tumango siya, "Yeah thanks. Sa kwarto na muna ako. Kulang tulog ko eh."
Pagkatapos kumain ay ako ang naghugas ng pinggan.
"Picnic tayo later sa city park?" Lumapit si Von saakin sabay kawit ng isang kamay niya sa bewang ko.
I just nodded.
Tapos ay hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.
(Imaginin niyo naghuhugas ng pinggan si Deb tas nakahawak sa bewang niya si Von tas hinalikan siya sa gilid ng ulo.)
Pagkatapos ko maghugas, dumeretso ako sa kwarto.
"Deb-" Cold na tawag sakin ni Chiqui pagsara ko ng pinto.
Halos mapatalon naman ako sa gulat kasi akala ko tulog na siya.
"Meron kang hindi sinasabi."
I gave him a confused look.
"About you and one of the important person in the TMC (The Mendes Corp)" Aniya.
Pano niya nalaman yung tungkol samin ni Matt? Hanggang dito ba naman kung saan pilit ko na siyang kinakalimutan.
"H-How'd you know?"
"Kausap ko siya kanina lang. Nakipagkita siya sakin. Day ang gwapong fafa!"
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Paanong andito si Matt? Pinaimbestigahan niya kung nasan ako at sino mga kasama ko?
"Di mo naman sinabing ex mo pala ang manager ng TMC New York, sissy! Si Luke Ledona? Grabe akala ko god eh. Ang pogiii"
Nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya. *super sigh* akala ko si Matt na talaga yun. Kasi kung siya un, baka makalimutan ko na na galit ako sa kanya at yakapin ko nalang siya sa sobrang pangungulila.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?