Part 36: Ang pagbabalik

316 16 6
                                    

"Hmm" Sabay kaming napasinghot ni Von sa polusyon ng Pilipinas, paglabas na paglabas ng airport.

I missed this place a lot.

Napag usapan naming doon siya magsi-stay sa condo ko kasi nasa Davao ang pamilya niya at wala siyang matutuluyan dito sa Maynila.

It may be awkward na kaming dalawa lang ang titira under one roof, buti nalang at sanay na ako sa presensya nya.

"Uh oh. I guess we'll have to go to the grocery store." Ani ko pagbukas ng ref na walang laman.

"Yeah. Pero maglunch muna tayo. Tomguts na ko." Aniya na nagpa-pout habang iminumwestra pa ang tiyan niya at nag aacting na gutom na gutom na.

"Ah, yes. Dun nalang tayo sa bahay nila mommy mag lunch."

Di din kasi nila alam na ngayon ang  dating ko. Isusurpresa ko kasi sila.

Ipinasok ko muna ang mga gamit ko sa kwarto ko at siya naman ay sumunod sakin.

"Hep. Bakit ka nandito?" Tanong ko nang nakataas ang kilay.

"Bakit? Won't we be sharing one room?" Nanunuyang tanong niya na may pasmirk smirk pa.

Umirap ako at nilagay ang maleta ko sa walk in closet. "Dun ka sa kabilang kwarto." Mariin kong utos.

Humalakhak lang siya at lumabas din naman.

"Can't wait to meet mom and dad." Presko niyang sabi habang nasa taxi kami.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya itinaas niya ang dalawang kamay na para bang nagsusurrender, "Biro lang." He then chuckled.

Tss.

Pagdating sa bahay ay manghang mangha siya tumingin sa paligid.

"Mansyon pala ito eh." Tatango tango pa niyang sabi habang nakahalukipkip.

Pagpasok sa sala ay naabutan namin sila mommy at daddy na naglalambingan.

Pareho sila napabalikwas ng tayo pagdating namin.

"Anak!" Masayang salubong ni mommy.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "I missed you mom."

"I missed you too anak. Di mo man lang sinabing dadating ka pala."

Ngumiti lang ako at dumeretso kay daddy na nakalahad ang kamay at handang handa nang yakapin ko siya.

I hugged my King tightly ang kissed him on the cheeks. "I missed you po!"

"Na miss din kita anak." Dad kissed my forehead.

"Uhmm.." Papampam na singit ni Von sa dramahan moments namin ni dad.

"Ohh.. Who's this you're with, anak?" Tanong ni dad nang bumaling siya kay Von.

Magsasalita na sana ako kaso biglang naglahad ng kamay si Von, "Von Perez at your service, Sir."

Tapos ay kay mommy naman siya humarap at nag bow, "Von Perez, Madame."

Mom and dad smiled at him.

Tapos nagulat ako nang tignan ako ni mommy nang may blangkong ekspresyon.

"Hahahaha, talaga po? Hahahaha" Tawa wagas ngayon itong si Von dahil kinukwentuhan siya nila mommy at daddy ng most embarrassing moments ko. Yun bang pilit kong kinakalimutan pero pilit din nilang ipinapaalala.

"Oo hijo, tapos ganito pa ang ekspresyon ng mukha niya nun." Gumawa ng nakakatawang mukha si dad habang si Von ay halos mangisay na sa kakatawa sa harap ng hapag.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon