Part 12: Im a fan

596 28 2
                                    

Author's note: Hello to @kyane15. This chap is dedicated to you po :) enjoy reading! And leave your comments po :D

*

Nasa kotse nanaman niya kami pauwi na sa amin. Iniinterview niya ko..

"How old are you? Im sorry it's rude for a guy to ask for a girl's age but I can't help thinking. Baby face ka kasi eh." Tanong niya.

Rude pala pag nagtanong ang lalaki ng edad ng babae? Haha ewan baka imbento lang niya

"20. You?" Diretso lang ang tingin naming pareho sa kalsada. Ayoko din kasi siyang tignan. Nakaka destruct ang kagwapuhan niya.

Hay ayan na. Bigla siyang lumingon sakin. "Really?! Mukha kang 16." Tumawa pa siya at binaling ulit ang tingin sa kalsada. "Kaya nga nung una naghehesitate akong lapitan ka kasi mukha kang menor de edad. I liked you the first time I saw you. And I'm 22 you know. Pero 2 years lang pala agwat natin. Haha buti nalang."

Ang daldal niya promise. At oo baby face talaga ako. Kaya minsan nahaharang din ako sa ibang bar na pinupuntahan ko. Medyo may height din naman ako, 5'5 ako katangkad kaya pag nagkkiller heels ako lalo pa kong tumatangkad kaya lusot na ko sa mga bar.

"Naghesitate ka pa pala sa lagay na yun ha? Bigla ka ngang umupo sa vacant chair noon sa Starbucks kahit di pa kita pinapaupo." Sabi ko

"Hoy kala mo lang ha! (Maka-hoy naman to kala mo pinapakain ako!) Ang tagal kaya kitang tinititigan dun. Iniisip ko kung lalapitan ba kita o ano. Kaya nung nakaipon ako ng lakas ng loob lumapit na ko sayo. Di ko naman alam iba pala ang pagkakaintindi mo sa pagiging friendly ko. Kaya pala mahangin ang tingin mo sakin." Nagpout ang perfect kissable lips niya.

Magsasalita na sana ako pero biglang tumugtog ang favortie song ko sa radio. Nilakasan ko yon. Bigla siyang kumanta

"She's got a pretty smile

It covers up the poison that she hides

She walks around in circles in my head

Waiting for a chance to break me chance to take me down

Now I see the burden you gave me

Is too much to carry too much to bury inside"

Ang ganda ng boses niya.. Ang lamig.. Parang nanghaharana.. Napapatayo ang mga balahibo ko sa boses niya. Ang sarap pakinggan..

Lumingon siya sakin bago nagpatuloy sa pagkanta sa chorus part, at ngumiti siya sakin revealing his dimples.

Bakit parang ang perpekto niya? Sobrang flawless physically, tapos talented pa, tapos nagkakasundo pa sila ni Daddy.. Hayy.

"I guess you're the only one that nobody changes

I guess you're the only one left standing

When everything else goes down

You're still the only one

Yeah you're still the only one"

Nang natapos siya sa pagkanta, at natapos na din ako sa pagkahumaling sa super ganda niyang boses, tsaka ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.

Lumingon siya sakin habang titig na titig parin ako sa kanya.

"Enjoying the view?" Bigla niyang tanong nang nakangisi

Nabalik naman sa ako sa ulirat, "Huh? Ah.. Hindi ah! Kapal mo! Nagulat lang ako sa boses mo.. May hidden talent ka palang ganyan ha!"

"Hindi ito hidden talent noh. Actually nga meron akong banda.." Ngumisi siya.

Wow. Banda? Grabe. Okay fan mo na ko! From hater, to friend, to being courted, to a fan.. Anong next? Lover? HAHAHA siyempre joke lang! Kahit naman na idol ko na siya ngayon, eh wala parin akong balak na magustuhan siya.

"Really?!! Anong pangalan ng banda mo?!" I couldn't hide my awe. Talagang hanga na ko sa kanya.

Lalo pa siyang ngumisi. Tss talagang di na niya maaalis sa katawan niya yung kahanginan.

"Vanilla Madness. Weird name right? Favorite ko lang talaga ang vanilla kaya ganun. Tsaka lahat ng members ng banda ko paborito din yun."

Wow favorite ko din ang vanilla! Mukhang di lang vanilla na flavor ang magiging paborito ko ngayon ah.. Hahaha

"Wow that's cool! Lagi ba kayong may gig?" And yes I'm still amazed.

"May regular gig kami sa El Corazon Café. MWF"

Wow, bigtime restaurant yun! Kung sa bagay. Well, I wouldn't expect na sa isang chupipay na restaurant sila nagpeperform ng banda niya.

"Hmmm.." Tumango tango ako.

"You now what corazon means? Its the spanish word for heart. And that's why we chose this restaurant because it's name got our interest. Lover boys kasi kami ng mga kabanda ko." Tumawa siya.

"Sus! Lover boy daw! Baka naman chicboy!" Pagprotesta ko.

"Hay ewan ko sayo dyan Deborah." Tumawa pa ulit siya.

"When will I get to meet your bandmates?" Bigla kong tanong.

"Tomorrow! I'm sure matutuwa ang mga yun na makita ka!" Ngising ngisi siya.

Wow ha? As if kilala ko ng mga yun.

"That's good to hear! I assume mababait sila."

"Yes they are. So bale, sunduin nalang kita dito bukas. 5pm. Okay lang sayo?"

"Of course! Uhm.. Di mo ba kukunin ang number ko? Incase you need to--"

Bigla siyang nagsalita, "No need Deb. I already have your number."

Nagulat ako. Binigay ko ba number ko sa kanya? Kelan? Di naman ah? Baka nung lasing ako? Argh ewan!

"San mo nakuha?"

"You dropped your calling card the first time we met. Ayun.."

Nice! Ayos palusot ah? Kung na-drop ko ang calling card ko, bakit di pa niya alam ang pangalan ko nung araw na naging 'friends' kami? At.. Wala naman akong calling card. Haha!

"Liar liar pants on fire" Ani ko.

"Well sorry honey, naka-shorts ako. And I'm just telling the truth. Baka sabihin mong stalker mo ko. Well simula ngayon, oo. Pero di dati" LOL LAKAS MAKAGAWA NG KWENTO.

"Fine fine." Di na ko nakipagtalo. Masyado na siyang deffensive.

Bumaba na ko sa kotse niya and blew him a kiss..

Ngiting aso siya.

Langya! What the hell did I just do?!!

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon