Part 25: There goes my baby

451 16 2
                                    

Papunta na kami ngayon ni Matt sa VB para sa gig nila. Maaga pa kasi ang gig nila, tapos 11pm ay matatapos na sila dahil start na yun ng party.

"By next week pwede na daw tanggalin ang cast ko" Ani Matthew sa gitna ng pagddrive ko.

"Hmm.. But naman. Para yung boyfriend ko, hindi na disabled." Biro ko habang lumiliko kami sa parking lot ng VB.

"Matakot ka. Pag maayos na ko, mababali ko na ang bawat lalaking lalapit sayo. At bubulagin ko ang bawat titingin sayo." Sagot niya.

Napangiti ako at naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Damn Matthew.

"Sus puro ka lang salita eh." Pagtawa ko.

Pumasok na kami sa VB at nakikita na namin ngayon sila Migz at Geof na papunta na ding stage.

Pagkaakyat ni Matt sa stage ay nagsitilian ang iba't ibang grupo ng babae.

I sighed.

Biglang nahagilap ng tingin ko sila California na nasa isang table. Kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Babies!" Bati ko.

Lima sila ngayon. Si Cali, Aust, Drew, Cape at isang chinitang babae.

"Debbieee!!" Masayang tugon nilang lahat.

"Upo ka Deb" Inoffer ni Drew ang isang upuan. "Btw, eto nga pala si Sofi." Pakilala niya dun sa babae.

I smiled, "Hi, I'm Deborah Chavez."

"Maria Sofia Gozon." Nag-abot siya ng kamay at ngumiti.

Inabot ko din ang kamay ko.

"Mukhang napaglaruan ng tadhana itong si Drew, Debbie. Tignan mo, kinarma sa lahat ng kabulastugan niya dati. Kaya naman mayroong isang Maria Sofia Gozon dito sa harap natin ngayon." Tumatawang sabi ni Cali.

"Oh.. Ikaw pala yung kinababaliwan na ngayon ni Drew, huh?" Baling ko kay Sofi na ngayo'y namumula na na parang kamatis.

Di siya sumagot. Agad naman kaming sinaway ni Drew.

"Tumigil na nga kayo!" Aniya.

Nagtawanan lang kami.

"Goodevening Vanity!!!" Sigaw ni Migz sa microphone.

Tumili ang mjga babae at bakla sa bar pero di kasinglakas noong pagakyat ni Matt.

Nagsimula na silang tumugtog.

Tinugtog nila ang Hands on Heart ni Olly Murs na siyang kinanta ni Matt nun nagpractice kahapon.

Madami pa silang kinanta na hula ko ay matagal na nilang tinutugtog kasi alam na alam na nila ang timing ng mga ito.

Ang huling kanta na tinugtog nila ay talaga namang nakapagpatahimik sa napakaingay na bar, at dahil na din sa sinabi ni Matt.

"This song is for.." Luminga linga si Matt sa dagat ng mga tao sa bar para mahanap ako dahil wala na ko dun sa lugar na pinagiwanan niya sakin.

Nang mahanap niya ko ay ngumiti at nagpout. Then he closed his eyes.. "for my baby"

At nagstrum na si Migz.

(AN : play the video on the right kasabay ng pagkanta ni Matt :D)

" There goes my baby

You don't know how

good it feels to call you my girl

there goes my baby

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon