Part 10: Iba nanaman?!

647 29 8
                                    

Author's Note: Dahil naka 60+ votes ako, iuupdate ko ulit ang story ko. Hehe. Keep on voting and commenting po! Paki spread na din ng story ko. THANKSSS! :D

*

"I dont want seeing you like this.. Because of my stupidity. But I can wait, remember that."

"I dont want seeing you like this.. Because of my stupidity. But I can wait, remember that."

"I dont want seeing you like this.. Because of my stupidity. But I can wait, remember that."

Di maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Matthew. Parang totoo kasi eh.. Pero kung sinabi niya yun for the sake of the business partnership, it's very wrong. Kasi diba ganun naman usually? Pero di naman siguro.. Sana hindi..

Arghhh bat ko ba to iniisip?!!

"Uyyyy malalim ang iniisip!!" Pang-asar ni Cali habang nasa Laser Tavern nanaman kaming lima.

"Yung lalaki ba yun na naghatid sayo last time?" Pang-uusyoso ni Cape.

"Aba iba na toooooooo" Sabi ni Drew.

Nakakainis huh. Andito ako para mawala yung stress ko sa pinagsasasabi ng Matthew na yun kay daddy, tas gaganituhin lang ako ng mga supportive kong kaibigan. At oo, sarcastic ako dun.

"Pwede ba? Magsaya nalang tayo!" Ani Aust.

Buti pa tong isang to.

"Pero saglit nga.. Yung Matthew ba na yon o si Archie ang problema?" at aba nakisawsaw na din. Hay!

"Ewan ko sa inyo." Umalis ako sa table namin papunta sa bar at umupo sa isang stool. "3 shots of tequila."  Sabi ko sa bartender.

Paglapag ng tatlong shotglass ng tequila sa harap ko, ay nilagok ko na agad yun. Agad agad. Ramdam na ramdam ko ang init sa lalamunan ko at pati sa tiyan ko.

Mayamaya, may naramdaman akong basa sa likod ko. Fck! May natapon sa likod ko!

Hinarap ko ang kung sino mang lampa ang nakatapon ng inumin sa likod ko.. At paglingon ko..

DUG DUG DUG

Imbis na makita kung sinong nagtapon ng inumin sakin, iba ang nakita ko.

Naningkit ang bilugan kong mata, "Archie?" Pumiyok ako nang di namamalayan.

Si Archie, nasa likod ko, may kasamang babae.. Nakapulupot ang kamay niya sa bewang ng babae, at hinahalik halikan niya ang leeg nito. Sht di ko na kaya.. Teka, hindi ito yung clown na kasama niya nung araw na nagbreak kami ah? Iba nanaman?! Ang kapal talaga!

Natigilan siya sa paglaplap sa leeg ng bago niyang babae nang nagtama ang tingin niya sakin. Halatang nagulat siya nang nakita ako na nakatitig sa kanya at sa babae.

"D-D-Deb?"Tinulak niya ang babaeng kanina'y halos patingka-tingkayad na sa halik niya sa leeg nito.

"What?" Nagtatakang tanong ng babae, at napatingin sa tinitignan ni Archie.. Ako.

Umalis ako dun at tumakbo paputang cr. SHIT NA MALAKI! Humagulgol ako sa cr. Di ko kayang pigilan ang pagdaloy ng mala-gripo kong luha.

Alam mo yung feeling na para kang sinapak ng daan daang bouncer? Para kang binalibag sa pader? Para kang tidadtad ng bolo? Grabe. Ang sakit. Ganun ka-sakit. Sobra sobra, umaapaaw.

Akala ko pa naman, dahil sa pagpapaka-bitter ko, ay makakalimutan ko na siya. Nagkamali lang pala ako. Syempre, 8 months din kaming nagkasama.. Bumuo ng magagandang memories.. Nagplano. Nagmahalan. Kaya di ko masisisi ang sarili ko kung nasasaktan ako ng ganito at di parin ako maka-move on. Ginawa ko naman lahat makalimutan ko lang siya ah? Kulang pa ba? Ba't pa kailangan akong masaktan ng ganito?

*tok tok tok*

"Deborah alam kong nandyan ka! Magusap tayo please.. Please Deborah buksan mo to." Lalo pang sumakit at sumikip ang dibdib ko. Bakit ganito ang boses ni Archie? Para bang sobra siyang nasasaktan. Hah! Siya pa ang nasasaktan? Wala akong ginawa para masaktan siya.. Pero siya, meron. At di ko yun matanggal sa isip ko. Gabi gabi dinadalaw parin ako ng bangungot na may iba siyang kahalikan..

Pinunasan ko ang luha ko. Humugot ng malalim na hininga, tsaka binuksan ang pinto. Nakatambad doon ang isang Archie, na parang desperado.. Magulo ang buhok, nagmamakaawa ang mga mata. Para siyang bata na di binigyan ng kendi. Lalo akong nasaktan sa lagay niya na yun.

Lumuhod siya sa harap ko at niyakap ang tuhod ko. Nanlambot ang tuhod ko.. Para na itong bibigay. Humagulgol si Archie..

"Sorry Deborah, sorry talaga" Paulit ulit niya itong binabanggit. "Maniwala ka man o hindi, pero mahal parin kita hanggang ngayon. Mula noon hanggang ngayon, Deb. Walang nagbago. Di nabawasan, pero nadadagdagan sa bawat araw na dumadaan. Alam kong mahirap paniwalaan. Pero.. Yun ang totoo."

Lalo akong nanlambot sa sinabi niya. Ewan ko, pero kahit na sobra akong nasaktan sa mga ginawa niya, eh nanlalambot parin ang puso ko para sa kanya. Kaso ayoko nang masaktan ulit. Ayoko. Kaya kahit na mahal ko parin siya, alam kong kailangan ko siyang ipagtabuyan para maipakita sa kanyang di na ko ang tulad dati. Na di na niya ako mauuto.

"Let go Archie." Mahina kong sabi sabay alis ng kamay niya sa binti ko.

Tumayo siya.

"Deborah.." Nanginginig ang boses niya.

"I forgive you Archie. But never dare to come close to me again. Nakakasuka ka. Nakakadiri ka. Pinagkatiwalaan kita pero yun ang isusukli mo sa tiwala ko?! I'm forgiving you, but don't expect me to forget everything and act like it was nothing.." Lumakas ang pintig ng puso ko. Masakit para sakin ang sabihin ang mga to pero kailangan. To save myself from getting hurt, again. "Sana di nalang kita nakilala."

Umalis ako. Naiwan si Archie na wasak. Alam ko, di ako bulag. Nakikita kong nasaktan talaga siya. At oo, naniwala ako sa mga sinabi niya, pero di sapat na dahilan yun para ibigay ko ulit ang buong tiwala ko sa kanya.

I believe him, but I'm too hurt to trust him again.

Nasa labas na ako ng LT at humihikbi parin. Naghihintay nalang ako na humupa ang paghikbi ko bago pumara ng taxi. Buti nalang at di ako sinundan ni Archie dito.

"I'm so proud of you.." May biglang nagsalita sa likuran ko.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon