Nakaidlip ata ako sa byahe kaya paggising ko, nasa tapat na kami ng bahay.
"Gising ka na pala. We're here." Sabi ni Matthew na di parin ako nililingon. Diretso lang sa harap ng kalsada ang tingin niya.
"Hmm.. Thanks."
"Okay ka na ba? Feeling better?"
Tinitigan ko sya habang sya, ganun parin. Sa kalsada nakatingin.
Di ako nakapagsalita kasi busy akong tumitig sa kanya.
Nagulat ako nang bigla nyang hinampas ang manibela, ginulo ang buhok, huminga ng malalim, at sumigaw "Arghhhh!!"
He looked so mad.
"Hey. Uhh, why?" Awkward kong tanong.
Tumingin sya sakin nang nanginginig ang mata.
"Wag ka na ulit uminom. Lalo na pag wala ako. Pano nalang kung ibang lalaki kasama mo nun at hindi ako? Mag-aatempt ka ding halikan siya? Pano kung binastos ka? Please Deb. Wag mo nang ulitin yun. Please?" Yun lang ang sinabi nya. Like he was pleading.
Nagulat ako.
WHAAT?!
WHY?!!
Huh! Umaandar nanaman pagka-cool niya! Pero hindi e. May sincerity sa pagkasabi niya. Like he was concerned..
Tinitigan ko sya na naniningkit ang mga mata. Pinairal ko nanaman ang galit, at inis ako sa kanya. "Don't you act like you rule over me. Wag mo ko pangunahan at wag mo ko controllin. Fuck you!! Lahat kayong mga lalaki! Bullshit! Pare-pareho lang kayo!"
Di ko na napigilan. Sa sobrang galit ko, padabog kong tinanggal ang seatbelt ko at padabog na binuksan ang pinutan ng kotse nya at binalibag ito pasara. Dumerecho na ko papasok sa bahay at binilisan kasi baka sundan ako ni Matthew. Pero buti nlang at hindi. Umalis din sya agad.
The nerve of that guy!!
Dumerecho ako sa kwarto at nadatnan dun ang mga kaibigan ko. Laglag panga ako nung nakita sila dun.
"Kanina pa kayo dito?" Masungit na tanong ko.
Di nila pinansin ang tanong ko. Agad nila kong pinaulanan ng mga tanong.
"Sino yun?"
"Ang gwapo! Nadale mo?"
"Ilang taon na yun?"
"Anong nangyari?"
"Kaw na Deborah! Nakakalibog yung napulot mong anghel!"
"May nangyari ba?"
Inirapan ko nalang sila at tumungo sa banyo para maligo at magbihis ng mabilis. Paglabas ko, nakangisi parin sila sakin na para bang naghihintay parin ng sagot.
I sighed, "Hayy. Walang nangyari okay? That was just.. Just one big freakin bastard na nangialam sa buhay ko! I wanted to be free again that's why I'm doing this diba? Pero.. Fuck! Inutusan akong itigil na ang party life ko. UTOS HINDI PAKIUSAP! You see? Ang kapal!"
Nakatingin parin sila sakin at nakangiti.
Nang-aasar na mga ngiti.
"But you kissed." Ani Cali na naka-smirk.
"That was a dare, right? And.. Pano nyo nalaman?"
"His car wasn't tinted baby. Nag-away pa nga kayo e. LQ ba dear?" Sabi naman ni Australia.
"Aust! He's a stranger okay? Hinatid nya ko--"
Di ko na napagpatuloy ang sasabihin dahil narealize ko na nahatid nya ko sa bahay nang di ako tinatanong kung san ako nakatira. Wala naman akong ID na dala.
Wait, is that pa-cool guy stalking me?! At kaya titig na titig sya sakin sa LT kanina? Damn di na ko magtataka!
"Tapos?" Nangaasar na tanong ni Cape.
"Tapos! We didnt kiss again like some couple okay? We're not! And, eww no. Ang yabang yabang nun!"
"Eh bakit si Archie, ganun din naman unang impression mo sa kanya pero ba't nagustuhan mo? Etong lalaking to, ayaw mo.. I wonder why.." Ani Drew na nakangisi parin na parang nangaasar.
"Tse! Nakita nyo ba ang buong pangyayare?"
"Naman! Nung nakita naming umamba kang halikan yung lalaki at umiwas sya, naging interesado kami sa kanya. Who can resist the charm of Deborah Chavez, diba? Lalo na nung binuhat ka nya, mas naging curios kami sa kanya. Sinundan namin kayo because we wanted to make sure na di ka nya rarape-in!" Tumawa ng bahagya si Aust na nagkukwento, tapos nagpatuloy "Tapos sinakay ka nya sa kotse nya. And since hindi nga tinted ang kotse nya, nakita namin ang nangyari. O! M! G! Masarap ba si Mister pogi?!" Tumawa ulit sya. "Sinundan namin kayo at nung nagstop over kayo sa gas station, nauna na kami sa bahay mo at hinintay ka nalang namin. Buti mga 20 mins lang eh nakarating ka na. He's a gentleman Deb."
Shit kung alam nyo lang!
"HAHAHAHAHA" tawa ako ng tawa na parang baliw. "He's no freakin gentleman Aust. Sobrang yabang kaya nun! Mister pogi?! HAH! Or do you mean Mister Pa-cool?" Tumawa na talaga ko ng bongga na may halong pagkairita.
"Deb.. Do you know that guy?" Ani Cape.
"Yeah.. By name. Matthew daw. No infos further than that baby" Sagot ko.
Tumango-tango lang sila.
"So pano na pala yung plano mo kay Archie?" Binasag ni Cali ang katahimikan.
"Continue with my bitter game? Ewan. Maybe, yes. Ganun nga."
"Bat ka pa magpapakabitter dun? Hayaan mo nalang kaya?" Sabi ni Aust.
"Di pwede yun noh! Pagtapos nyang lokohin kaibigan natin, ganun ganun nalang yun? Dapat ipakita ni Deb na may better. Better pa sa Archie na un. Kaya di nya pwedeng hayaan nalang yun!" Himutok ni Drew.
"Badboy knows best." Sabi ni Cali sabay tawa. "And I whole-heartedly agree with that very correct statememt Drew!"
Nag-apir pa ang dalawang loko.
Ever since, man-hater na tong si Cali. At ewan ko kung bakit paminsan minsan nagkakasundo din sila ni Drew na badboy, chicboy at playboy. Kung tutuusin nga, ang mga tulad ni Drew ang pinandidirihan niya. Hayyy kung sa bagay, magkakaibigan naman kami. Alam namin ang hininga't utot ng bawat isa kaya okay na din kay Cali ang ugali ni Drew. Siya lang ata ang ligtas na playboy sa pagiging man-hater niya. (given na yung relatives pati si Cape na party freak yet loyal hehe)
--
Nakauwi na sila kaya magisa nalang ako ngayon sa kwarto.
Lintek yung Matthew na yun! Kumukulo talaga dugo ko dun! Kainis!!
Pero pano nya ba nalaman bahay ko? Stalker ko kaya sya? Shizzz. Nakakatakot! Pero infairness ha, ang poging stalker. But hell no! Yoko parin sa kanya. Ang hangin nya.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?