Part 37: 1st project

264 15 5
                                    

"Guess what Deb!" Masiglang sabi ni Von pagdating sa bahay.

Maaga pa kasi siya umalis kanina, at eto tanghali na siya dumating.

Tinignan ko ang dala  niya, "Uhm, may dala kang lunch?" patanong kong sagot.

"Tss *chuckles* hindi yon." Aniya.

"Eh, ano pala?" Taka kong tanong.

Nilapag muna niya ang lunch na dala niya sa center table ng sala saka ako inakbayan. "You have a project." Kinindatan niya ako.

"What?! Seriously?!" Gulat kong tugon.

Tumango lang siya. "Waaah bakit ikaw pa unang nakaalam?" *pout*

"Kinausap ako ng kaibigan kong manager, at yung bata niya ang first ever client mo. Swerte talaga ako sayo noh." He smirked. Tss yabang talaga oh.

"Really?! Who?" Excited kong tanong.

"I'm sure di ka mahihirapan sa project na to kasi mukha namang close na kayo nung modelo."

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya.

Hindi kaya---

"Matthew Mendes will be your first ever client. Sikat na sikat at fresh na fresh." Tatango tango pa niyang sabi na para bang kuntentong kuntento siya sa isinaad niya.

"Cancel it." Mabilis kong sagot.

"What?! *laughs* Why? Wag ka ngang magbiro at maginarte diyan." He tapped my head. "Kain na tayo."

I sighed. Ano ba tong si Von. Wala kasing kaalam alam eh. Wala na ba talaga akong kawala sa sitwasyong to? Wala na ba talaga akong kawala kay Matthew?

"Please Von, cancel it." Ani ko habang kumakain kami.

Humagikhik nanaman siya, "C'mon. Isipin mo una mong trabaho yan as professional, oh. Malaking kliyente yan. Di ka na lugi. Ano pa bang gusto mo?"

Yumuko nalang ako. Di ko talaga to inaasahan.

Patay tayo neto.

"Kelan ba? At saan?"

"April 18, sa isang isla." Ngumiti siya sakin.

Nang aasar lang ba ang tadhana o nananadya na? 18 pa eh.

Tumungo nalang ako't nagpatuloy sa pag kain.

"I got my very first project." Pagbabalita ko sa bestfriend kong si Cali,

"Really?! Omg I'm so happy for you!" Masigla niyang tugon.

I sighed and told her about the date, venue, and all details about the shoot.

"Uh, mukhang binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Mukhang di na ko masaya para sayo. I'm kind of worried for you. Sigurado ka na ba diyan?" Malungkot niyang tanong.

"No but, there's no more backing out. Kailangan kong magpakatatag for myself." Sabi ko kahit na sa totoo lang ay wasak na wasak parin ako. After all these years, di parin nagbabago ang pakiramdam ko para sa kanya. After all these time, siya parin. Di ko maintindihan pero nasasaktan parin ako. Ang sakit sakit eh.

Tumulo nanaman ang luha ko.

"Okay Debbie. I trust you at alam kong kaya mo yan. Sasamahan kita sa shoot na yun, aright?"

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon