"Greenland Mall po" Sabi ko sa taxi driver.
Nagdrive na siya.
Traffic.
Traffic.
Traffic.
Palaging nalang traffic sa parte na to ng metro. Kainip!
Finally, nakarating na din ako sa mall. After 38193837 years. (oa lang)
Nagwithdraw muna ako ng pera ko. Mas gusto ko kasi cash kesa credit card. Im not a credit-card-person.
Pumasok na ko sa suki kong botique.
Hanap hanap.
"Lovely" May nagsalita sa likod ko.
Di pa ako lumilingon, eh alam ko na kung sino yun. Amoy palang, kilala ko na. Kahit na parang iba ang boses niya.
Paglingon ko..
"Ay akala ko si Matthew" Bulong ko sa sarili.
Oo nga naman, hindi lang naman siya ang pwedeng gumamit ng ganoong pabango diba? Huh! Baliw na ko. Ba't ba pinasukan nanaman ng hangin ang utak ko?
"What?" Nakangiting tanong ng lalaki.
"Nothing." I shrugged.
Kinuha niya ang tinitignan kong damit kanina.
"This is lovely. I think it'll suit you well." Sabi niya sabay pakita ng damit sakin.
"Everything suits me anyway." I said.
Hala! Nahanginan na nga talaga ata utak ko. Nagiging mayabang na din ako. Though totoo naman. Kahit anong suotin ko, bumabagay sakin.
He laughed, "Really? I dont think so."
Tinaasan ko siya ng kilay, "And what are you trying to say?"
"Yang damit na suot mo ngayon, it sucks." Sabi niya sabay hawak sa tela ng damit ko.
Kapal naman neto. Ba't ba lately puro mahahangin na tao ang nakikilala ko?
"Whatever" I rolled my eyes.
Inakbayan niya ko bigla.
Aba! Feeling close?
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
He chuckled, "Why?!"
Naiinis na ko huh.
"Why mo mukha mo! You dont have any right to say na hindi maganda ang damit ko at hindi bagay sakin. This costs 4k. Maybe you just dont have a good taste when it comes to fashion." I glared at him.
"Thats not what I mean. And I dont care about the price. Ang sakin lang, masyadong maiksi yang dress mo. And your heels.." Tinignan niya ang sapatos ko, "It's too high. Nakakalakad ka pa ba niyan?"
Pakialamero din pala to e noh.
"Shut up, I dont need your opinion! Who the hell are you to comment on the way I dress up." Tumaas na ang boses ko.
"Im the store owner. And I can see you have a potential to be a huge model. Im a fashion consultant too. But Im not gay, ha. Its just that I can see a big future ahead of you. Just stop wearing extra short dresses. Yes your legs are hot but it can lead you to danger.. There are rapists, maniacs and more. Gusto ko lang paalalahanan ka. Because Im interested to get you as a model of the dresses I sell. I assure you, my products are sexy yet conservative. Hindi ka mababastos. Di gaya niyang suot mo." He smiled.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?