Part 13: Meeting the Vanilla Madness

598 22 3
                                    

AN: Hello guise may pasok na kami bukas kaya iuupdate ko to. Haha la lang. Anyways, wish me luck for school tomorrow huhu. Transferee ako at sana madami akong maging friends!! Di ako masyadong magaling makipag-socialize eh LOL

Enjoy this chap! :)

*

*beeep beeep*

"Si Matthew na ata yun." Sabi ko sa sarili ko.

"Manang! Pakitignan nga kung sino yun!" Utos ni mommy kay Manang Soleng.

"Opo ma'am" Palabas na si Manang Soleng nang pigilan ko siya.

"Wag na po manang. Kaibigan ko po yun. Lalabas na din naman ako." Ani ko.

"Diba sira ang kotse ni California, anak?" Tanong ni mommy sakin.

Excuse me lang mom, di lang si California ang kaibigan ko.

"Ah hindi po yun si Cali."

"Oh.. Sino ba yun? Care to invite her in muna?"

"Ah wag na po." At hindi siya HER mom.

"Sino ba yun?" Pangungulit ni mommy.

"Si Matthew Mendes po."

Nagulat si mommy, "Matthew Mendes? Heir of The Mendes Corporation?"

"Opo."

"You're dating a Mendes, anak?" Gulat parin ang aking ina.

"We're not dating mommy. Friends kami."

"Di mo naman nabanggit samin ng dad mo na kaibigan mo pala iyang si Matthew." Nakangiti si mommy.

"Alam na po to ni dad."

"Ohhh I see. Bakit kaya di nabanggit sakin ni Romualdo? Hahaha. Anyway, have a good time.. With Matthew.." Ani mommy habang nakangisi. Walanjo! Kainis. Advantage talaga itong standing ni Matthew sa buhay e noh!

Nagbuntong hininga nalang ako at kiniss si mommy sa cheeks.

"Enjoy anak!"

--

"What took you so long?" Tanong ni Matthew paglabas ko sa gate ng bahay namin. Nakasandal siya sa kotse niyang Orange Lamborghini Gallardo (nakaka nosebleed yung pangalan ng kotse niya, for sure pati ang presyo nakaka-nosebleed)

"Wala." Simpleng sabi ko.

Pinagbuksan niya ko ng pinto at pumasok na. Umikot sya sa kotse niya at pumasok na din.

At dahil nga di ako sanay na nagseseatbelt, napansin nanaman niya to.

"Buckle your seatbelt, Deb. O baka naman.." Ngumisi siya sakin, isang nanunuyang ngisi "Gusto mo ako ulit mag-buckle nyan?"

"Shut up! Di lang ako sanay na nagseseatbelt. Leave it be. Wala namang mangyayari saking masama kung di ko suotin ang seatbelt ko diba? Maliban nalang kung mag-overspeed ka at mabangga tong Lambo mo sa poste.." I smirked.

"Safety over anything else, Deb. C'mon wear it. Kung hindi, di tayo aalis. Sige ka."

"Edi wag. Sino bang makaka-miss ng gig? Ako ba? Di naman diba?" Huh. Ako pa tatakutin mo ha.

Nagbuntong hininga siya. Tapos inis na inabot ang seatbelt ko at ini-lock yun. Halos di pa ko humihinga nung malapit ang mukha niya sakin. Ewan pero kinabahan ako.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon