3 weeks na din mula nung huling insidente na talagang nakapagpa-galit sakin ng todo todo at bonggang bongga. Ako ang tipo ng taong mahaba ang pasensya at madalang lang kung magalit pero nagiging wild naman pag sinagad mo na at di ko na kinaya. (double meaning, haha chos)
Shopping time! Alone. Wala si Cali. Ayun busy sa ewan. Always MIA pero pag kinailangan mo, walang pagdadalawang isip na susugod agad yun kahit nasaan ka pang lupalop.
This is the usual thing I do. Window shop, pag may natipuhan bibilhin, tapos magkakape. Ang boring ng buhay ko. Halos everyday routine ko to.
Pumasok na ko sa Starbucks para magkape. Stress! Ang dami ko nanamang binili na damit. But I seriously dont know where and when to wear these. Basta pag nagustuhan ko, bibilhin ko.
Higop dito. Higop doon.
Nang biglang..
"Hi miss.."
Umupo ang isang lalaki na naka-aviator sa tapat ko. In his plain white v-neck shirt and jeans. Ang bango nya pero, pa-cool. Napakahangin. Di pa nga nagpapaalam kung pwedeng umupo sa table ko, e umupo na agad. Sayang, gwapo pa naman sya.
"Hey? Ang daming bakante dyan mister. Please get a seat of your own. May hinihintay ako so, shoo!!"
Wala naman talaga akong hinihintay. Excuse ko lang yun para mawala sa paningin ko ang isang to. At okay lang naman sana na makachikahan ko dito etong lalaking to kaso ang pangit ng first impression ko sakanya. Kaya ayoko.
Tumingin tingin sya sa paligid.
"Sya ba hinihintay mo?" Bumaling sya sa left side.
Tinignan ko kung kanino sya nakatingin.
Shit si Archie! Nakatitig sakin.
"Uh.."
Damn anong sasabihin ko?!
Oh.. *Ting!* Bright idea.
Ayon sa bitter tips ni Cali, pag nakita mo ex mo, maghatak ka ng gwapo and pretend youre on a date with him. So sa palagay ko, di ko na kailangang maghatak pa. Yung gwapo na mismo ang lumapit sakin.
Pag sinuswerte nga naman!
"No no. Please stay. I guess di na makakarating yung hinihintay ko kaya pwede ka na dyan." I sweet smiled.
"Okay, by the way Im Matthew."
Inabot nya ang kamay nya para makipagshake-hands. Damn! Baka mahalata ni Archie na nasa GTK stage palang kami nitong Matthew na to. Pero may bright idea nanamang pumasok sa isip ko.
Pinatong ko ang kamay ko sa nakalahad na kamay ni Matthew at dineretso ko yun ng dahan dahan sa lips nya.
"Im Deborah, kiss my hands." I commanded.
Wow. Cool guy talaga. Ginawa din nya agad ang sinabi ko. Im so thankful na marunong sumabay sa panahon itong Matthew na to.
Mayamaya eh nilingon ko si Archie. Nakatingin sya samin ni Matthew pero nung napalingon ako sa kanya e nag-iwas agad sya ng tingin at umalis.
OMG EFFECTIVE!!
Binawi ko na ang kamay ko kay Matthew at agad na ipinunas ito sa damit ko ng palihim. Yez gwapo sya. But I hate his aura. Ang hangin masyado!
Tinaas nya ang aviator nya at tinitigan nya ako nang nakangiti. Damn the way he stares. Damn his killer smile. Damn his dimples.. Turn on!
Damn ang hangin.. Turn-off.
"Whats up with that stare mister?" Inirapan ko sya.
Ayoko lang syang tawagin na 'Matthew' because first and foremost, di kami close. Di naman ako FC kaya ayoko syang tawagin by his name na as if we're long time friends.
Pero kahit papano eh may utang na loob ako sa kanya, out of his knowledge.
"Nothing Deb. And I told you, my name is Matthew. Matt for short."
Deb? Wow for real ha? Ang FC at cool talaga nakakaleche!
"I dont care mister. I need to go."
Kinuha ko ang mga pinamili ko at iniwan na yung Matthew na yun doon sa table.
Shiz! Naiinis ako. Gwapong mayabang? Sayang.
--
Nakauwi na ko. Damn Im so freakin tired.
Humilata agad ako sa malambot at mabango kong kama. Hinagis ko ang mga pinamili ko sa walk-in closet ko na nakatiwangwang lang.
*Archie calling*
Fuck!! Dont panic Deborah. Dont. Ayon sa bitter tips ni Cali, never decline his calls and instead, ask who he is though naka-save parin number nya. OKAY OKAY OKAY.
Kalma muna Deborah.
Breathe in breathe out.
"Hello who's this?"
Thank God kalmado ang boses ko. Pag nagsungit kasi ako baka maisipan nyang nagpapakabitter lang talaga ako.
Pero agad din namang binaba ni Archie ang kabilang linya. Wtf? Papansin lang?
"Bullshit!" Di ko na napigilang sumigaw sa kwarto.
Ilang sandali pa, biglang nagrecall sa isip ko yung pa-cool na lalaki kanina. Who was he again? Argh nevermind! Di naman sya importante. Paepal lang.
*one text message*
Huminga ako ng malalim bago tignan kung sino yung nagtext. Pero for sure si Archie lang yun.
From: Unknown number
Ang cute mo pala pag malapitan.
Oh gosh. Who the frick?! Nakakapangilabot huh. Nagsitayuan ang mga balihibo ko. Damn who's this? Imbis na ma-flatter eh para akong na-threaten. LOL seriously, 'threaten?'. Kinabahan talaga ako. I dont even know why.
I replied:
Thanks. May I know who you are?
Di nagreply. Oh geez now I feel so damn scared. What in the world is happening to me? Simpleng text lang naman yun. Maybe a stalker or so. Ba't ganito feeling ko? Lalo na nung di nagreply. Ughhhh.
*
Author's Note: Hello po! Iuupdate ko to pag may kahit 3 comments na makakagana sakin sa pagsulat. Actually 13 parts ang nasa draft ko ngayon, iuupdate ko nalang pag ininspire niyo ko at pag pinilit niyo ko hehe :p kaya magcomment kayo kung nabitin kayo dito.. Mas nakaka-excite yung next part promise!
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?