Special Part: Matt's POV

383 14 9
                                    

"Tutal magkakilala naman kayo nung Luke, please tell him I want to talk to him." Utos ko sa pinsan ko.

"Fine. Pero, sure ka na ba talaga diyan Matt? Isipin mo, Deb will get hurt if you continue that plan." Pangangaral nanaman niya. Ang galing talaga magsalita. Akala mo naman kung sinong santo. Haha.

"Finn, trust me. All the hurt and the pain she'll experience will be worth it. Sakin naman siya mapupunta eh." Kasi di ko naman hahayaang maging malungkot siya pag naging kami na. Lahat ng pwede kong ibigay ibibigay ko. Lahat lahat. Lahat.

"Sinasabi mo lang yan kasi wala ka sa kalagayan ni Deb. Pero pano pag one day nalaman niya na ikaw pala ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Luke? Kung bakit siya nasaktan? Mahigit one year na sila oh. Imbis na mahalin ka niya, baka kamuhian ka lang nun dude." Humalakhak ang gago.

Binatukan ko siya kahit na narealize ko din ang mga sinabi niya. Di malabong mangyari ang sinasabi ni Finn. She'd hate me. Pero wala na kong magawa.

I'm desperate.

"Gawin mo nalang ang pinapagawa ko."

Pagkatapos ay tinawagan ni Finn si Luke.

"Pare!" Bati niya sa kausap. "My cousin would like to talk to you-- Lunch maybe-- Okay okay-- Good.-- 12pm sharp sa The Star-- Yes-- Sige salamat pare."

Binaba na niya ang phone niya at nagkibit balikat sakin. "I've done my role. Labas na ko sa magiging usapan niyo."

Tinapik niya ko sa balikat "Goodluck dude."

~

Hnihintay ko na ngayon dito sa The Star Restaurant si Luke.

Nang mag-12:05 na, dumating na siya. Gwapo itong lalaking to kaya siguro nagustugan ni Deb. Pero di hamak na mas gwapo naman ako noh.

Dinala siya ng waitress sa table na kung saan ako nakaupo.

"Matthew Mendes-" Tumayo ako at naglahad ng kamay.

"Luke Ledona-" Inabot niya ang kamay niya.

"Please have a seat" Pag-offer ko.

Tumango lang siya at umupo.

"So what are we going to discuss about Mr. Mendes?" Ang pormal naman ng gagong to.

Hayy. Oo na. Ako ang gago dito. Ako ang maninira ng relasyon para lang sa sarili kong kapakanan. Para lang sa kasiyahan ko. Para lang makuha ko si Deb.

But what can I do? Ganito na ko kadesperado eh. Wala na kong ibang maisip na paraan.

"Matt nalang, Luke. And please bear with whatever I offer you. Isipin mo na makabubuti ito hindi lang para sayo kundi para na din sa pamilya mo. Di mo pagsisisihan kung tatanggapin mo ang of--"

He cut me, "Deretsuhin mo na ko Matt. Ano ba talaga ang offer na yan?"

Tumawa ako bahagya. Eh sasabihin ko na kasi tas puputulin niya pa ko para lang tanungin kung ano yung offer. Katanga.

"You will be managing our branch in New York. TMC New York. Kapalit ng isang pabor. Isa lang Luke. Isipin mo, you will be the manager of one of the biggest companies in the field of advertisement."

Pursigido akong makuha si Deb. Sorry kung kelangan ko tong gawin.

"What favor is that?" Mariin niyang tanong.

"Break up with Deborah."

Nanlaki ang mata niya at tumawa sya. "C'mon pare. Hahaha. So you're telling me to leave my girlfriend para sayo siya mapunta? At dahil desperado ka, inaalok mo ko ng isang malaking trabaho. Ganyan na ba kadesperadon ang isang Matthew Mendes ngayon ha? Sorry pero di ko iiwan si Deb para lang sa offer mo na yan. Kayang kaya kong magsumikap para sa pamilya ko. I don't need to give her up para lang sa trabaho na inooffer mo. And I will never give her up."

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon