Hello kay @Naty_Rodriguez. This chapter is dedicated to you ate :) Enjoy reading po! And leave comments please.
*
"Matthew.." Sabi ko sa kalagitnaan ng pagdrive niya.
Malambing ang boses ko. Siyempre kailangan.
Halatang nagulat siya.
"B-Bakit?" Nauutal siya. HAHAHAHAHA
"I think, we'll work out as good friends." Sabi ko habang tinitignan siya na unti unti namang nangingiti.
"Really?" Tanong niya.
"Yeah. From strangers to friends!" Tumawa ako bahagya. "Is it okay with you? Pero okay lang din naman kung ayawan mo ko as a friend. I'd understand. Naging masungit ako sayo. Sorry." Pagdadrama ko.
"No.. No, Deb." Hah! Gotcha! Sabi na nga ba di mo ko matatanggihan eh. "Of course I want you to be my friend." Tumingin siya sakin at ngumiti.. Damn! Ayan nanaman ang dimples niya!
"Ang cute mo.. Lalo na ng dimples mo." Shit di ko na napigilang lumabas ang nasa isip ko. And I couldn't stop staring at his face. Lalo pa siyang ngumiti, tapos nagpout.
"Cute? That's insulting, huh." Sabi niya na nakapout parin habang diretso ang tingin sa kalsada.
Insulting? Pinuri na, nainsulto pa?
Ahhh!! Gusto niya, sabihin kong gwapo siya. At hindi cute. Hindi lang cute.
Okay, if that's what you want.
"And you're really so damn handsome" Sabi ko. Halos matawa na ko sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Grabe! Gwapo nga siya pero di ko siya type. At nakakaasiwa dahil pinupuri ko siya kahit na ayoko at labag sa kaloob looban ko.
Nagkibit balikat siya, "I know" Ngising aso naman siya ngayon. Kapal talaga ng libag neto! Di man lang nagpasalamat pagtapos ko siyang purihin!
"So.. Uhm, Matthew.." Napangiti siya nung binanggit ko ang pangalan niya. "What's your complete name?"
"Matthew Mendes"
Matthew Mendes?!! Narinig ko na ang pangalan niya noon.. Ah!! Oo!! Nung naguusap sina mommy at daddy tungkol sa business, at sinabi na ang anak ng business partner nila ay si Matthew Mendes! Siya ang tagapagmana ng kompanya nilang, The Mendes Corporation na isa sa mga pinakamatagumpay na kompanya sa Asya.
I can't believe this. Kaya pala mayabang.. Talagang may maipagmamayabang pala. He's the heir, the inheritor, the future successor of this bigtime company!
"Ohh. Bigtime ka pala. Didn't know.." Simpleng sabi ko. Ayokong magpahalata na shocked or amazed ako kasi baka lalong yumabang "Kaya pala mahangin ka" Dugtong ko
Tumawa siya, "Yeah right. Ikaw? Anong kumpleto mong pangalan?" Lumingon siya ng bahagya sakin tapos tinuon din agad ang tingin sa kalsada.
"Deborah Chavez."
"Ohh.. Only daughter of Mrs. Estrelia and Mr. Romualado Chavez? Kaya pala medyo kahawig mo si Mrs. Chavez. What a small world. Business partner parents natin." Aniya.
"Uh-huh" Alam ko dude, di mo na kailangang sabihin.
Papasok na kami ngayon sa exclusive village papuntang bahay namin.
Tinigil niya ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Nagtataka talaga ako kung bat alam niya kung san ako nakatira.
"How'd you know I live here?" Tanong ko nang pinagbuksan na niya ko ng pintuan.
BINABASA MO ANG
My desperate boyfriend
RomancePano kung mainlove ka sa lalaki na siyang dahilan pala ng lahat ng sakit na naranasan at natamo mo sa nakaraan mo? Knowing his reason, "I did it all for love." Will you forgive him? Or consider him as another part of your history?