Part 29: Liam is a Mendes

406 13 9
                                    

AN: Nasa Part 28 na po yung picture nila Matt at Deb na may cupcake na hawak. Pakicheck nalang ulit. TY :)

So, sino sa tingin niyo ang ama ni Liam? Si Matt nga ba talaga? :))

--

Pupunta kami ngayon ni Matthew sa memorial park kung saan nakalibing si Ate Des.

"I bet your sister's pretty like you, too." Aniya habang papasok sa main gate ng memorial park.

Tumango ako, "And she could be a great mother. Ngayon, dapat 31 na siya. Naiimagine ko nga, ipinagbabake din niya ng cupcakes ang mga anak niya." I automaticaly smiled.

Napangiti din sa Matt sa mga sinabe ko.

Itinuro ko sa kanya ang daan papunta dun sa libingan ni ate.

Bumaba kami at mamasa masa na ang mga mata ko ngayon. It's been months since I last visited her.

Tumigil ako dun sa libingan ni ate at nilapag naman ni Matt ang flowers.

"Desiree Chavez.." Pabulong na binasa ni Matt ang pangalan ni Ate.

Nagsindi ako ng kandila sa puntod ni ate.

"Ate Des, pasensya ka na at ngayon nalang uli ako nakadalaw. Naging busy kasi ako. May kasama nga pala ko ngayon.." I held Matt's hands. "Mahal na mahal ko po tong lalaking katabi ko ngayon. Palagi niya kong pinapasaya kahit na palagi din niya kong inaasar. He never made me feel alone. He's so good and I can't even believe that he's mine. Siya nga pala si Matthew Mendes, boyfriend ko."

Naramdaman ko ang pagpisil ni Matt sa kamay ko sa mga sinabi ko.

"Uhmm.. Ate Des.." Awkward na nagsalita si Matt. "Aalagaan ko si Deb at magaaral din akong magbake ng cupcake para sa kanya. Hatiran mo naman ako ng recipe ng cupcake mo kahit sa panaginip lang. Hahaha joke. Pero seryoso po, hinding hindi ako gagawa ng ikapapahamak ng kapatid mo. Poprotektahan ko siya tulad ng pagprotekta mo sa kanya. At handa ko ding isakripisyo ang buhay ko sa kanya. I love your sister so much. I don't even know why. I just love her because I do. And I'll never get tired of loving her."

Inangat ni Matt ang magkahawak naming kamay at hinalikan niya ang kamay ko.

Naramdaman ko nalang na may mga luha na palang kumawala sa mga mata ko nang bigla itong punasan ni Matt.

Hinalikan niya ko sa noo then he held my face. "I love you baby. I'm so in love with you that I don't think this will ever end."

Hinagkan ko siya kasi sobra sobra na. Bakit ba niya ko mahal? Do I even deserve a love like this? His love is too much, and I love how it's beyond what someone else could ever give.

"I love you too." Sagot ko nang kumawala na ko sa pagkakayakap sa kanya.

Nilinisan namin ang paligid ng puntod ni Ate. Inalisan namin ng mga tuyong dahon bago kami umalis.

"Wag ka nga pala muna pumunta sa bahay bukas ah." Aniya habang nagddrive papunta samin para ihatid ako.

"Why?"

"Gon' be busy tomorrow." Simpleng tugon niya.

Kinabukasan, pumunta ako kila Matt nang hindi nagsasabi kasi nga wag daw muna ako pumunta. Pero alam niyo na, matigas ang ulo kaya di ko siya susundin.

Pinagbuksan ako ni Manang Rose, isa sa mga kasambahay nilang napalapit na din sakin.

"Si Matthew po?" Tanong ko.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon