Part 18: Ang Bulong

481 20 1
                                    

Bumalik ako sa tabi niya at nagkunot noo. "Bukas ka na agad irerelease?"

"Yep. Pilay lang naman at galos ang tinamo ko."

"Pilay LANG?! Hah!"

"Sus! Masyadong concerneeeed!"

At nagawa pa nyang mangasar ha.

"Bahala ka nga dyan. Matulog ka na." Pumunta ako sa sofa.

"Ayaw."

"De wag" Sabi ko.

Hihiga na ko sa sofa nang nagsalita sya. "Tabi nalang tayo, pleeeassse?"

Ayan, nilabas nanaman nya ang dimples nyang di ko matanggihan.

Pero syempre tatanggihan ko parin. Ano sya sinuswerte?

"Ayaw" Paggaya ko sa kanya.

"Copy kitty" Ngumisi sya.

"So?" I raised an eyebrow.

"Sige naaaa" Nagmamakaawa na ang pilay.

"Masikip dyan!" Inirapan ko sya tas humiga na sa sofa.

"Di kaya. Kasya dalawa dito. Tsaka pag pumasok mamaya si Finn dito, san sya matutulog? Alangan namang sa sahig siya. Tsaka di kami kasyang dalawa dito. Kita mo namang pareho kaming macho nun. Ikaw dapat katabi ko, kasi patpatin ka."

Nagawa pang manginsulto netong ugok na to e noh.

"Fine! Whatever!" I scowled.

Ngiting tagumpay naman itong si pilay habang papalapit ako sa higaan na nakabusangot.

"That's my girl"

Tinaasan ko sya ng kilay, "Im not your girl, and I'll never be" Tapos humiga na ko sa tabi nya.

"Usod nga!" Utos ko, at sinunod naman niya.

Matagal tagal na kming nakahiga pero di parin kami makatulog. Galaw pa sya ng galaw.

"Matthew! Dahan dahan! Masikip!" Sigaw ko.

He chuckled, "Wag ka nga sumigaw ng ganyan. Baka isipin nila, kung ano nang ginagawa natin dito."

"Bwisit ka talagang pilay ka!" Tumalikod ako ng higa sa kanya. Humalakhak sya pero di ko nalang pinansin.

Inaantok na ko at akmang ipipikit ang mata nang may naramdaman akong mainit sa batok ko.

Walanjo na Matthew to!

Nandun na pala ang mukha nya sa batok ko, at ramdam ko ang hininga niya. Para bang inaamoy nya ako..

Hinayaan ko nalang sya kasi antok na talaga ako. Tsaka di naman nya hinahalikan ang batok ko, at nako subukan nya lang, ibabalibag ko talaga sya.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Nararamdaman ko na ang tibok ng puso nya.

Mabilis ito.

Bumulong sya sakin na ganun padin ang posisyon, "Sobrang saya ko Deb. Ang tagal kong hinintay ang panahong to. Na maging concerned ka sakin. Na makatabi kita sa pagtulog. Na mayakap kita. At.." Lalong humigpit ang yakap nya, "At maramdaman kong ispesyal ako sayo kahit na sinusungitan mo ko palagi. Dalawang taon ako naghintay na mangyari lahat ng to. Kaya gagawin ko lahat para magustuhan mo ko. Di kita papakawalan Deborah. Di kita iiwan. Mahal na mahal kita."

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon