Part 35: Photoshoot (2)

262 15 22
                                    

Nag-aassign na si Mr. Whitesides ng mga model and photographer. Ako nalang at si Alexa ang di pa natatawag.

"Ms. Alexa Ramos, your model is Ms. Crustacia Sinford."

Tumayo si Alexa na nasa tabi ko. "OMG girl this is it." Aniya habang pinapaypay-paypayan pa ang sarili.

Biglang sumulpot ang isang babae sa tabi ni Mr. Whitesides at nagulat ako kasi familiar ang mukha niya.

"Ricci Eusebio?" Bulong ko sa sarili.

"Ms. Deborah Chavez, yours is Ms. Ricci Eusebio." Tawag ni Mr. WS.

Sikat to sa Pilipinas ah. Wow. Isa din akong fan nito kasi mahilig ako manuod ng ramp modeling dati and I've seen her walk like she really owns the runway.

"Hi Ms. Ricci." I greeted and smiled, still amazed. She's stunning and really gorgeous.

Pero nagulat ako nang taasan niya lang ako ng kilay at lampasan.

May nagawa o nasabi ba kong hindi tama?

Sinundan ko nalang siya dun sa kwarto kung saan mini-make upan ang mga model at binibihisan.

RICCI'S POV

You change your mind, like a girl changes clothes ~

Tumunog ang ringtone ko and I glanced at the screen of my phone.

Babe calling..

"Hi babe" I greeted.

"How's the shoot?" He asked.

"Uhh- Wala pa babe eh. Just gettin ready" I tried to sound as sweet as I could.

"Who's your photographer?" He asked again.

Lumingon ako sa pwesto ng mga photographer and nailed my eye on Deborah.

"Don't know yet." I lied. "Text you later babe. Inaayusan pa ako." I then hung up.

DEB'S POV

Naupo ako katabi ni Alexa na nag-gagames sa phone niya. Maya maya pa ay napansin ko sa peripheral view ko na nakatingin sakin si Ms. Ricci kaya lumingon ako sa kanya. At di ako nagkakamali. Her eyes were staring at me, habang may kausap siya sa phone.

Ako kaya ang pinag-uusapan nila? O inggit lang siya sa ganda ko?

-

"Relax" I exclaimed while taking Ms. Ricci's photo.

Kanina pa siya parang nanggigigil magpose kaya para bang ang tigas ng bawat sulok ng katawan niya.

Ganun naman talaga. Dapat edgy ang pose pero nagiging OA na ung kanya.

"Don't command me what to do, just do your part" Aniya na nagpanting sa tenga ko.

Sabi sa training namin ay dapat kami ang kumukontrol sa galaw at ayos ng modelo to have a good shot. At hindi namin dapat hayaan na sila ang gumawa ng gusto nila.

Kung baga, kami ang boss at alipin lang sila.

"Do as I say" May awtoridad kong pagsabi.

She hissed and relaxed a bit.

"Good." I proudly said.

Natapos na ang photoshoot at napaka-uncomfortable ng pakiramdam ko.

Bakit ba ang taray nitong ni Ms. Ricci sakin? Mukha namang mabait siya sa iba eh.

Pumunta ako sa room para kunin ang mga gamit ko. Napansin kong nasa likod ko si Ms. Ricci, few steps behind me.

Nung nakuha ko na ang mga gamit ko ay biglang nagsalita si Ms. Ricci. As expected.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon