Part 2: Bitter 101

924 40 10
                                    

Nakatingin ako sa lahat ng buildings na mahahagilap ng tingin ko. Nagpapalipas ako ng konting hangover sa balcony ng condo ko habang umiinom ng mainit na kape. Di naman kasi ako maramihan kung uminom. Di tulad dati. Di din naman sa di ako umiinom, pero pang light drinks na lang ako ngayon. Di ko kinakaya ang mga hard. Eh since tatlong bote ng mga hard na alak ang dala ni Cali kahapon, ayun napasubo ako. Ako din naman nagsabing hard ang dalhin nya. Pero naghinay hinay parin ako. Konti lang ininom ko, eto namang si Cali ay parang suicidal na sa dami ng ininom. Imagine tatlong bote ng mga hard na alak, tas kalahati  lang ata ng isang bote ang nainom ko, samantalang sya halos naubos lahat ng tira? Daig pa ko. Ako tong may problema pero sya ang naglasing.

Pagbalik ko sa loob ng condo ko ay gising na sya at nag-uunat ng katawan. Pinatunog pa nya ang leeg nya. Bigla syang tumakbo papuntang CR at nagsuka. Imbis na maawa o maconcerned sa kanya,  eh tinawanan ko nalang sya. This is very usual.

"Yan kasi. Maglalasing lasing tas kinaumagahan isusuka ang buong sikmura." Inasar ko sya habang pinapanuod na nagsusuka.

"Shut up!!" Nagpatuloy sya sa pagsuka.

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa narealize ko na kailangan ko ang tulong nya.

"Uh Cali, I need your advice. Alam kong ito ang expertise mo kaya sayo na ko lalapit."

Finally at tapos nang magsuka ang bruha. Nagtoothbrush muna sya bago ako kinausap.

Yes, may toothbrush sya sa condo ko. We dont share some personal things noh!

"Okay spill it out" Sabi niya habang nagpupunas ng bibig.

"Help me to become bitter."

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Halos matawa pa sya. Di ata narinig ng maayos ang sinabi ko.

"What?! You want me to help you become better? Oh Deborah you're better than the best. Wha-"

Hay, di nga narinig ng maayos ang sinabi ko.

"Cali ang sabi ko.. HELP. ME. TO. BE.COME. BIT. TER. B-I-T-T-E-R." Tapos inirapan ko ang tawang tawa nyang mukha.

"Para san pa Deb? Ba't ka pa magpapakabitter eh wala namang kwenta yun?!"

True enough. Wala ngang kwenta yun. Pero gusto ko lang namang  pagsisihan nya ang ginawa nya.

"Just help me. No buts, no whys."

She sighed, "Fine then."

"So how does this begins?"

At tinuruan nya ko..

BITTER 101 by California "the man-hater" Lacson.

1. Pag kinausap ka nya, barahin mo.Pag tinanong ka, sagutin mo ng pabalang. At wag na wag kang magtatanong pabalik sa kanya. Kumbaga, isang tanong isang sagot. Then leave.

2. Pag nakita mo syang may kasamang babae at bigla ka nyang kinausap, wag mong pansinin ang sinasabi nya. Kundi, laitin mo ang babae nya. Don't feel rude or so, bitter ka okay? Bitter!

3. Pag niyaya ka nya kahit saan, sabihin mo 'I dont go out with strangers' pero kung awkward sayo yun, may choice ka. Pwede mo rin sabihing, 'Di ako sumasama sa mga manloloko'.

4. Curse him secretly. (ito ang pinaka-common sa  lahat) Pero kung gusto mong ipangalandakan ang pagsumpa sa kanya, go lang ng go!

5. Magpaganda ka pa lalo.

6. Kung sakaling napansin nya ang pinagbago mo at pinuri ka, isa lang ang dapat na linya mo, "Thanks! Kaya nga nagsisisi ako kung bakit ko sinayang ang ganda ko sa isang hampaslupa".  Then flip your hair, and leave.

7. Pag tumawag sya o nagtext, be less bitter not to entertain. Instead of declining his calls and ignoring his texts, sagutin mo o replyan ng "Who's this?" kahit na naka-save pa ang number nya.

8. Last but definitely not the least, pag nakita mo sya somewhere at wala kang kasama, manghila ka ng kahit na sinong GWAPO. Again, GWA-PO. Dapat gwapo para makita nyang may mahahanap kang BETTER. At makipagsweet-sweetan ka sa mahahatak mong boylet, hanggang sa tingin mo e nakuha mo na ang attensyon ng ex mo.

"So, kamusta naman yung bitter tips ko ha Deb?"

Nabalik ang ulirat ko sa tanong niya.

"Oh!" Pumalakpak ako. Mej OA. "Perf Cali! Perf!" Tapos niyakap ko sya.

Talagang maaasahan itong kaibigan ko. Especially when it comes to instances like this. She'll surely be there to help.

"So, simulan mo agad agad. Aright?"

Tumango ako dahan dahan habang nakangiti ng mala-evil.

Pero di ko alam kung ma-aapply ko ba talaga lahat ng kapaitan ng yan sa buhay ko.

My desperate boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon